Kevin Santos "nahihiya" to be called captain as a pilot, why?

by Rommel Gonzales
Jul 30, 2021
StarStruck alumnus Kevin Santos, 33, got his Commercial Pilot License this month, July 2021.
PHOTO/S: @pilot_kevinreal

Bukod sa pagiging aktor, isa ring piloto si Kevin Santos.

Alam niyo ba na ang rank niya ay captain?

Kumbaga siya ang commander ng aircraft, at may four stripes sa kanyang uniform.

Pero inamin ni Kevin sa nakaraang Zoom mediacon para sa Legal Wives na nahihiya siyang matawag na captain.

Paliwanag niya, "Well, marami kasing ano... like nasanay kasi tayo na kapag sinabing 'captain,' dun lang sa mga airlines.

"Pero dito kasi, nasa general aviation ako which is private, kapitan na ako actually dun.

"Pero ayoko pa din i-consider ang sarili ko as captain kasi hindi ako sanay, nahihiya ako. Wala lang, parang hindi ko pa na-o-overcome."

Nag-umpisa si Kevin sa pagpapalipad ng private plane. Puwede na ba siyang magpalipad ng commercial plane?

"Puwede na, actually meron na lang akong hinihintay dahil magpapalipad na rin ako for commercial kasi kakakuha ko lang ng license ko."

Ayon sa aviationfly.com, kailangan ng "at least a total of 150 flight hours," with a "minimum of 110 hours of flight training" while obtaining his commercial pilot license.Yung 40 hours ay puwedeng magmula sa private pilot license training.

Continue reading below ↓

At press time, nakuha ni Kevin ang kanyang license as a commercial pilot noong second week of July, pero ang issue date ay noon pang April 20, 2021.

Isa sa mga nag-congratulate sa kanya ay ang fellow StarStruck alumnus na si Yasmien Kurdi, na ang asawa ay isang piloto.

Sabi ni Yasmien sa comments, "Congrats [plane emoji] Dream Believe Survive [fire emoji] Proud kami sayo! konting tumbling nalang [smiling face emoji] Lapit na yan! Aja! #Fight"

Sagot ni Kevin, "Thank you bunso.. konti na lang!!!"

Continue reading below ↓

Tulad ng mga kasamahan niya sa airline industry, ipinagdarasal ni Kevin na manumbalik na sa normal na sitwasyon ang buong mundo para ma-lift na ang mga restrictions sa pagbibiyahe by air.

Sa ngayon kasi, limitado pa rin ang dami ng mga pasahero na maaaring bumiyahe, at maging ang mga lugar o bansa na maaaring puntahan.

"Sana, sana, yun lang, para at least para mapagsabay ko, airline at showbiz pa rin."

Halimbawang may taping o shooting siya na nataon na may flight rin siya sa araw na iyon, ano ang pipiliin niya?

Sagot ni Kevin, "Hindi talaga mangyayari yun kasi alam naman natin na kapag may taping tayo, talagang kailangan ilaan mo yung isang buong araw mo.

"And also sa flight din kailangan ilaan mo yung isang buong araw mo. So sa flying din naman kasi, hawak mo din yung oras mo, so kung gusto mong hindi lumipad okay lang din, walang problema."

Continue reading below ↓

Tamang scheduling lang naman raw ang kailangan sa lahat ng bagay.

"Yes, oo, kaya natapos ko din siya e," pagtukoy ni Kevin sa kanyang kursong pagpipiloto.

WORKING WITH DENNIS TRILLO IN LEGAL WIVES

Gumaganap si Kevin bilang Omar delos Reyes sa Legal Wives, na pinagbibidahan naman ni Dennis Trillo bilang si Ismael Makadatu.

Ayon kay Kevin, ang role niya dito ay "the usual, makulit," at madali na para sa kanya ang maka-eksena si Dennis.

Paliwanag niya, "Kasi kami naman ni Dennis, parang ang dami na din naming napagsamahan na shows, like My Husband's Lover and yung mga una-una pa, Darna, so kumportable naman na kami sa isa't-isa na pag sa eksena, parang naglalaro na lang.

"But at the same time siyempre yung mga batuhan namin ng linya hindi pa rin basta-basta dapat laruin. Kailangan seryoso pa din, so si direk Zig naman kasi binibigay sa amin yun, parang, open siya sa mga gusto naming gawin dun sa set."

Continue reading below ↓

Sa direksyon ni Zig Dulay, tampok naman na mga bidang babae sa Legal Wives (na napapanood sa GMA Telebabad weeknights) sina Andrea Torres bilang Diane San Luis, Bianca Umali bilang Farrah Balindong, at Alice Dixson bilang Amirah Alonte.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
StarStruck alumnus Kevin Santos, 33, got his Commercial Pilot License this month, July 2021.
PHOTO/S: @pilot_kevinreal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results