Kris Bernal thanks fiancé Perry Choi for "rocking my life" in pre-wedding message

Sep 24, 2021
Perry Choi, Kris Bernal wedding preparations, Kris Bernal wedding, Kris Bernal bride
Soon to wed: ALV Talent Kris Bernal and businessman Perry Choi during their prenuptial photo shoot at The Old Grove Farmstead. Their wedding this Saturday, September 25, at the Magallanes Church in Makati City will be streamed live on Kris's YouTube Channel at 2:45 p.m.
PHOTO/S: Courtesy of Nice Print Photography

Nitong Miyerkules, September 22, 2021, naglabas ang ALV Talent na si Kris Bernal ng bagong set ng prenuptial photos nila ng non-showbiz fiancé na si Perry Choi.

Sa Sabado, September 25, 2021, na gaganapin ang dream church wedding ni Kris.

Sa mga prenup photos na in-upload ni Kris sa Instagram, makikita ang dalawa na nakahiga sa loob ng isang bangka na tila ba’y nasa loob sila ng isang fairy tale.

Kinunan ang mga litrato sa The Old Grove Farmstead sa Barangay Lodlod Lipa City, Batangas.

Sinulat ni Kris sa kanyang caption."Two hearts that beat as one... Two days until we say I do.

"And to wrap it up, since the whole planning session is already complete, let us share this milestone from start to finish, our church wedding will have a LIVESTREAM on my Youtube Channel - September 25, 2021, Saturday, at 2:45PM."

Ang Nice Print Photography na siya ring official wedding video and photography service provider ng dalawa ang kumuha ng mga prenup photos. Ang kasal nina Kris din ang kauna-unahang wedding na gagawan ng livestream ng Nice Print Photography na open sa public.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinundan pa ito ni Kris ng isa pang IG post na talaga namang ramdam ang kilig: "A man so kind, so loving, and caring yet so respectful.

"Now, I understand why it never worked out with somebody else, but him. [Emoji]

"To the most kind-hearted man, thank you for coming and rocking my life. [Emoji]"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natatawang reply naman ni Perry sa sweet message ni Kris sa kanya, "Tapos caption ko walang kwenta hahaha. Science nalang natin lahat."

Kris Bernal

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-post din ang businessman ng litrato mula sa prenup shoot nila ni Kris sa kanyang Instagram account. Pabirong caption nito, "Mr clean at si clean to be."

HERE COMES THE BRIDE

Sa kanyang vlog na nai-upload sa YouTube noong Martes, September 21, 2021, ni-reveal ni Kris na magsusuot siya ng gown na gawa ni Mak Tumang sa araw ng kanyang kasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“When it comes to attention to detail, professionalism, and exceptional talent, Mak exhibits all these qualities and more!” ani ng aktres sa description box.

Nagbahagi rin siya ng ilang mga snippet ng kanyang pagkuha ng measurements para sa kaniyang gown fitting.

Ang kanyang mga pagpipilian ay isang Catriona Gray-inspired serpentina gown at isang Disney-inspired ball gown.

Kris Bernal shares wedding preparations

Sina Kris at Perry ay na-engage noong February 2020. Noong June 2021 sana nakatakdang ikasal ang dalawa ngunit nakapagdesisyon ang mga ito na ipagpaliban ito dahil na rin sa restrictions dulot ng COVID-19 pandemic.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Soon to wed: ALV Talent Kris Bernal and businessman Perry Choi during their prenuptial photo shoot at The Old Grove Farmstead. Their wedding this Saturday, September 25, at the Magallanes Church in Makati City will be streamed live on Kris's YouTube Channel at 2:45 p.m.
PHOTO/S: Courtesy of Nice Print Photography
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results