Remember when Jennylyn Mercado did this to Dennis Trillo's condo?
by Rommel R. Llanes
Sep 29, 2021

Nung tinanong si Jennylyn Mercado kung ano ang unforgettable surprise na ginawa niya para sa boyfriend na si Dennis Trillo, "condo" ang isinulat na sagot ng Kapuso actress-singer.

Isa ito sa mga eksena sa ginawang PEP Challenge noon ng magkasintahan pagkatapos ng kanilang photo shoot para sa PEP Headliner section ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nung nakaraang taon.

Sa PEP Challenge na "How Well Do You Know Each Other," binigyan sina Jennylyn at Dennis ng ilang tanong para malaman kung gaano nila kakilala ang isa't isa sa pamamagitan ng kanilang mga sagot.

At sa tanong nga kung ano ang unforgettable surprise noon ni Jen kay Dennis, "condo" ang isinagot ng aktres na agad naman nitong sinundan ng katagang, "Hindi ko siya binigyan ng condo, ah."

Paliwanag ng 34-year-old actress, "Ni-renovate ko lang yung interior ng condo niya."

Surpresa raw ito ni Jennylyn sa boyfriend na isang buwan niyang hindi pinauwi sa condo nito.

Na-appreciate naman ni Dennis ang ginawa ng girlfriend dahil nailagay raw ni Jen ang lahat ng gusto ng 40-year-old actor sa condo.

Panoorin muli ang video na ito ng challenge nina Jennylyn at Dennis para iba pang cute, nakakatuwa, at nakakakilig na facts tungkol sa kanilang relasyon.

HOT STORIES

#RememberWhen #JennylynMercado #DennisTrillo

Shoot Producers: Nikko Tuazon & Rommel Llanes
Creative Director: Jeremiah Idanan
Writer: Rachelle Siazon
Video Producers: Jean Saturnino & Mart Francisco
Video Editor: John Henri Mariano
Music: "High Five" by Richard Myhill

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Watch us on Kumu: pep.ph

Recommended Videos
Watch Now

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results