Ang roller-coaster journey ni Edmar Batac, carwash boy na naging milyonaryo

by Bernie V. Franco
Oct 19, 2021
The story of Edmar Batac inspires, from having nothing to having it all and back to square one during the pandemic. His biggest heartbreak: letting go of more than 30 employees. He is bent on bouncing back as he did when he lost millions to scamming partners.
PHOTO/S: YouTube (GMA Public Affairs)

Tatlong taon na ang nakalilipas, naitampok ang kuwento ng carwash boy na naging milyonaryo, si Edmar Batac.

July 2018 nang ma-feature ang kuwento ni Edmar sa GMA-7 magazine show Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS).

Lumaki si Edmar na hindi kasama ang mga magulang, at natuto siyang maghanapbuhay para masuportahan ang sarili.

Naging tindero sa palengke, nagbantay sa computer shop, at naging carwash boy na kumikita lamang ng PHP100 kada araw.

Pero dahil sa pagsusumikap, nakabangon si Edmar at nagtagumpay bilang isang entrepreneur.

Sa KMJS, binanggit na mayroon siyang mga kotse, delivery vans, dalawang bahay, isang apartment building, condo unit, three-story building, at isa siyang milyonaryo.

Pero kumusta na si Edmar makalipas ang tatlong taon?

Gaano kalaki ang epekto ng pandemya sa kanyang itinayong negosyo?

KMJS FEATURE IN 2018

Sa KMJS, ikinuwento ni Edmar na sa murang edad ay naghiwalay ang kanyang mga magulang at lumaki siya sa poder ng mga kamag-anak.

Continue reading below ↓

Pakiramdam daw niya noon ay pinagpapasa-pasahan siya kung sino ang kukupkop sa kanya.

Kahit noong humingi siya ng tulong sa ama, pakiramdam niya ay para siyang "namamalimos sa kanila, e.”

Himutok pa ni Edmar, minamaliit daw siya noon ng mga kamag-anak at tinawag na sampid.

Ni hindi raw siya ipinagtanggol ng kanyang ama kaya't madalas tanungin ni Edmar ang sarili kung bakit siya pinabayaan.

Kalaunan, kinuha siya ng inang nagtatrabaho sa Maynila at nakisama sa bago nitong pamilya.

Pero madalas daw siyang sumbatan ng ina.

Para masuportahan ang sarili sa high school ay pinasok ni Edmar ang kung anu-anong odd jobs.

Nakipagsapalaran din siya sa Macau para makahanap ng trabaho, pero hindi siya pinalad.

Kuwento ni Edmar noon, “Iyak ako nang iyak kasi ayaw kong ma-disappoint sa akin ang nanay ko, e,”

Umuwi siyang luhaan makalipas ang dalawang buwan.

Pumasok siya bilang stockman sa isang mall, at nag-enroll sa TESDA (Technical Education and Skills Development Authority) para maging barista.

Continue reading below ↓

Nang makapagtapos, nakakuha siya ng PHP8,000 allowance sa TESDA at ito ang ginamit niyang puhunan para simulan ang food cart niyang nagbebenta ng affordable coffee frappe.

Ani Edmar noon, “Usong-uso ang mga ice-blended drinks, e, na pagkamahal-mahal.

“Isang frappe lang na ganyan magkano, PHP170? Sabi ko, ‘Bakit di ko try mag-imbento ng ganito rin, ganitong lasa, pero mas mura?'”

Pumatok ang negosyo ni Edmar at ang food cart niya ay naging anim.

Nagbukas siya ng franchise at umabot ito hanggang 250 food carts sa buong bansa.

Naipagawa pa niya ng bahay at nabilhan ng kotse ang ina, bagamat nagkaroon ng seryosong sakit ang nanay.

Gayunpaman, malaki ang pasasalamat ni Edmar dahil nakakatulong siya sa pagpapagamot ng ina.

Sabi noon ni Edmar tungkol sa kanyang success story: “Lahat ng taong ang tingin sa akin, ang liit, walang pag-asa, hanggang diyan ka na lang, wala kang mararating…

“Yung mga salitang iyan, iyan ang mga naging motivation ko paano pinaasenso ang sarili ko.

Continue reading below ↓

“Hindi mangyayari iyan. Lahat ng sinabi mo, kakainin mo kasi makikita mo ako balang araw, iaangat ako ng Panginoon.”

Edmar Batac Franchising PH cover

EDMAR MET scammers

Sa pamamagitan ng tawag, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Edmar noong Sabado, October 16, 2021.

Kumusta na siya matapos ma-feature siya sa KMJS?

Continue reading below ↓

Sa kasamaang palad, na-scam at nawalan siya ng milyung-milyong halaga. Nagsara rin ang maraming niyang food carts.

Pero patuloy na lumalaban si Edmar.

Sabi ni Edmar, 34, tumaas ang demand ng kanyang food carts matapos maitampok sa KMJS.

Lalo raw dumami ang kanyang mga kliyente at lumago ang franchise ng business.

Pero sinundan rin siya ng “bad experience.”

“Na-scam ako ng malaking halaga. May mga nagpakilala na group sa akin, na isang group organization,” lahad ng entrepreneur.

“Then in-invite ako na mag-establish ng isang business. Isa ako sa may majority shares na business na itinayo namin.”

Nakipagsosyo siya sa limang magkakaibigan noong 2019 at nag-raise sila ng PHP2 milyong puhunan.

Pagkalipas ng isang taon, umabot sa PHP60 milyon ang kanilang naging kita, pero nag-declare ng bankruptcy ang kanyang mga kasosyo.

Tungkol sa pagkain rin ang negosyo na "in just one year, nakapagtayo kami ng 65 branches in one year."

Pero inisahan siya ng kanyang business partners.

Continue reading below ↓

“Yung kinita namin, zinero ng mga ka-partner ko. As in wala akong nakuha kahit magkano.

“Nag-file sila ng bankruptcy. Sabi nila wala raw kita. Wala naman silang ma-present sa akin na mga expenses.

“So, nag-file ako ng syndicated estafa [laban] sa kanila.”

Magkano ang nawala sa kanya?

Sa "gross income" na "PHP60 million," may percentage na dapata sana ay maibigay kay Edmar para sa "investment ko na PHP600,000."

Nakakalungkot dahil, aniya, "Walang bumalik sa akin."

Sabi ni Edmar, “Planted lahat. Planado ng mga scammer.”

At ang natutunan niyang aral sa karanasan niyang ito ay, “Wag magtitiwala. Yun ang pinaka-importante, sobrang laking lesson sa akin noon. Masyado akong nagtiwala agad.”

EFFECTS OF PANDEMIC

Sa mga ari-ariang nabanggit sa Kapuso magazine show, kinailangan niyang ibenta ang kanyang three-story building.

Masakit daw ito sa loob ni Edmar dahil ang building na iyon ang simbolo ng kanyang mga pinaghirapan.

Nagbigay rin siya ng update tungkol sa lagay ng kanyang negosyo.

Continue reading below ↓

“Sa loob ng eleven years ko na pagnenegosyo, parang balik ako kung paano ako nagsisimula dati. Paisa-isa kung paano paramihin.

“Hanggang ngayon naman ang business nandiyan. Madali sa part ko kasi ginawa ko na ito dati pa, e.

“So, madali na lang para sa akin na buhayin uli yung negosyo. Buhay naman, pero ie-expand uli ng marami.”

Kagaya niya, ang mga miyembro ng grupo nilang mga entrepreneurs na food cart ay apektado lahat—shawarma, ice cream, siomai, at iba pa.

“May franchisee na umaasa sa mother company. Hindi namin puwedeng sukuan, may mga franchisee na umaasa,” ani Edmar.

Maikukusinderang pioneer si Edmar sa frappe food-cart business, na kanyang sinimulan noong 2009.

“Dati nang may mga coffee shop. Matagal nang may mga coffee shop, pero yung katulad ko na nasa frappe industry na ipino-promote ko lang is frappe specialty, masasabi ko lang isa ako sa pioneer diyan.

“Kasi 2009 pa ako. Umabot ako ng 250 branches noon.

Continue reading below ↓

“Pero dahil sa pandemic, sobrang laki din ng epekto sa akin ng pandemic. Nakaapekto din sa akin ang pagkaka-scam sa akin.”

“Noong 2020, bigla pang nagkaroon ng pandemic, kaya sobra akong naapektuhan.

“Since ang market kasi namin dito is mga students, and then mga teenager, and then mga branches ko SM malls pa, Robinsons, malaki ang naging epekto sa amin ng pandemic talaga.

“Ang daming branch ang nagsara.”

Pag-amin ni Edmar, “Ang branch namin ngayon nasa thirty na lang kami. Ganoon kalaki ang naging impact sa amin ng pandemic.”

Ang pinakamasakit para kay Edmar ay kinailangan niyang pakawalan ang kanyang mga empleyado.

“Nung time na nagbayad ako ng separation pay sa tao, doon ako umiyak.

"Ang sakit sa pakiramdam na kinakailangan ko nang bayaran yung separation pay nila at kinakailangan na naming maghiwa-hiwalay.”

“Parang dinudurog ang puso mo. Wala naman akong ibang option, ibang choice lalo’t nalulugmok ang company.”

Mula higit tatlumpung empleyado, apat na lamang ang natitira sa kanya ngayon.

Continue reading below ↓

BOUNCING BACK, FAMILY UPDATE

Sa first quarter ng 2021, sinubukan ni Edmar na makatayo, pero naging hamon ang pabagu-bagong quarantine status sa bansa.

“Nagtayo ako ng tatlong branch ulit, kaso sinara ko din kasi nga iba yung restrictions natin.

“Paiba-iba, so ngayon pinipilit ko paunti-unti bumangon ulit.

“Ngayon uli ako nagsisimula na mag-bounce back,” aniya.

Ang maganda sa sitwasyon niya ngayon ay meron siyang mga naipon at naipundar.

May kakayahan rin siya para matulungan ang mga mahal sa buhay.

Nagdetalye si Edmar tungkol sa karamdaman ng kanyang ina.

“Si Mother kasi na-diagnose ng stage 3 liver cancer nung 2016. Halos yung kinita ng company ko, halos napunta sa medication ni Mother.

“Imagine PHP280,000 every month ang kanyang gamot.”

Sa loob ng tatlong taon ay ganito ang monthly expenses ni Edmar para sa gamutan ng ina.

“After three years, bumaba ito sa PHP80,000 monthly yung kanyang medication.”

Mabigat pa rin daw ito kung tutuusin, pero nagpapasalamat siya dahil kahit may pandemya ay natutustusan ang pagpapagamot ng kanyang ina.

Continue reading below ↓

“Tinaningan siya ng three months, five years na [ang nakalilipas], okay pa rin.”

Kumusta na ang relasyon niya sa mga magulang?

Sa KMJS episode noong 2018, natupad ang pangarap ni Edmar na magkaroon ng larawan kasama sila.

Wala kasi silang family photo simula noong bata pa siya.

Tatlong taon ang nakalilipas, masasabi ni Edmar na mas maayos, bagamat may kanya-kanya na silang pamilya.

“Hindi pa rin ganoon ka-close yung communication kasi unang una, meron na silang family both sides, e.

“Kumbaga, may kanya-kanya ng pamilya. Parang ang awkward kung magkakaroon pa sila ng continuous communication.”

VENTURE INTO VLOGGING

Nag-venture na rin sa vlogging si Edmar para ipagpatuloy ang kanyang adhikain at kumita ng extra.

May mga channels siya sa YouTube at Facebook.

“Kahit papano naman, nakakatulong sa akin. Nagre-revenue naman sa pagiging content creator.”

Ang content niya ay tungkol sa negosyo at kanyang pamilya.

“Nung pandemic kasi, hindi tayo ganoon ka-busy. Pero nagre-revenue naman ako ng $4,000-$5,000 [PHP203K to 253K] every month. Kaya kahit papano malaking tulong.”

Continue reading below ↓

Kabilang sa mga itinatampok niyang content ay ang mga aspiring entrepreneurs na na-inspire sa success story ni Edmar.

“After KMJS, ang daming nag-message sa akin na mga inspiring entrepreneur na nabilib sa ginawa ko, kasi from scratch talaga ako, e. From rags to riches.

“Bakit di ko na lang gawing content, para lalo ma-inspire at mag-guide?”

Edmar Batac

Continue reading below ↓

ADVICE FOR ASPIRING ENTREPRENEURS

Ang kuwento ni Edmar ay patunay na ang isang taong nangangarap ay magtatagumpay kung desidido siyang makaangat sa buhay.

Pero kahit magtagumpay, patuloy na darating ang mga hamon, pero tuloy lang ang laban.

“Ang naging motivation ko para lalong magsumikap, lahat ng pinagdaanan ko sa buhay,” sabi ni Edmar.

“Hindi naging hadlang sa akin ang pagiging mahirap. Hindi naging hadlang sa akin ang pagiging broken family—wala akong nanay, wala akong tatay. Lumaki lang ako sa lolo.

“Kinakailangan kong magpursige kasi kawawa yung mga anak ko. Hindi puwedeng mangyari sa mga anak ko yung nangyari sa akin," ani Edmar na may apat na anak.

“Hindi ako puwedeng kawawa habang-buhay.

“Yun yung naging motivation para lalo akong magsumikap. Hindi ako pinanghinaan ng loob dahil doon, mas lalong lumakas ang loob ko.

Gawin nilang motivation yung mga pinagdaanan sa buhay nila para lalo silang maging matapang.”

Ipinagpapasalamat ni Edmar na nang umasenso siya, inilagak niya sa tama ang kanyang pera, gaya ng investments at ipon.

Continue reading below ↓

“Inisip ba natin na dalawang taon tayong ganito?” ani Edmar tungkol sa pandemya.

“Napakalaking bagay na ginawa ko na maganda yung kita ko, na nakapag-invest ako ng mga properties. Nakapag-ipon ako kahit papano.

“Napakalaking bagay na insured ako at mga anak ko. Napakalaking bagay sa akin noon na nagamit ko nitong pandemic.

“Pinakamagandang bagay is nakaipon ako. Kahit papano, kahit dumating yung mga bagay na di natin ine-expect may mahuhugot at mahuhugot tayo.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The story of Edmar Batac inspires, from having nothing to having it all and back to square one during the pandemic. His biggest heartbreak: letting go of more than 30 employees. He is bent on bouncing back as he did when he lost millions to scamming partners.
PHOTO/S: YouTube (GMA Public Affairs)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results