Mister na wais! Nakaipon, nakapagpundar mula sa suweldo ng OFW na misis

by KC Cordero
Nov 4, 2021
Kahanga-hanga ang pagiging masinop ni Rogelio Fortes, na bukod sa naipon ang padalang suweldo ng misis na OFW ay naipagawa pa ang kanilang bahay, nakapagtayo ng tindahan at nakabili ng tricycle.

Pinatunayan ni Rogelio Fortes ng Agoo, La Union, na isa siyang matibay na haligi ng kanilang tahanan.

Ang kanyang misis na si Rodelyn ay isang overseas Filipino worker. Nakapagtrabaho na ito sa Kuwait at Malaysia.

Na-feature ang kanilang story sa GMA Regional TV "Balitang Amianan" noong September 30, 2021.

Ayon kay Rogelio, sa simula pa lang ay iniipon na nila ng kanyang mga anak ang pinapadalang suweldo ng kanyang misis mula sa trabaho nito abroad.

Kuwento niya, “Ang ginawa ko para makatulong ako sa asawa ko, nagpursige akong mag-ipon.

"Lahat nang ipinapadala ng misis ko, imbes na bawasan ko, dinadagdagan ko pa kasi nga nag-store ako.”

Hindi niya idineposito sa bangko ang perang iniipon. Sa halip, inilalagay niya ang mga iyon sa balde.

Husband's savings from OFW wife's remittances

Continue reading below ↓

Kaya nang magbalikbayan si Rodelyn, nagulat siya dahil umabot sa PHP300,000 barya at perang papel ang na-save ni Rogelio mula sa kanyang pinagpaguran sa ibang bansa.

Bukod pa sa naipatayong sari-sari store, konkreto na rin ang kanilang bahay na dating yari sa kawayan.

Nakabili na rin ng motorsiklo at sidecar ang kanyang mister.

OFW's husband's motorcycle and their concrete house

Continue reading below ↓

Pagbabahagi ni Rodelyn, noon ay may mga kakilala siyang duda kung maayos humawak ng pera si Rogelio.

Aniya, "Sabi nga ng iba sa akin, may mga nagtsa-chat... buti raw kung makakaipon asawa ko."

Pero wala nasayang sa pinagpaguran ni Rodelyn.

“Hindi ko alam at nung dumating na po ako dito, buo na ang bahay, sementado na. Di ko lubos maisip na ganoon yung maiipon nila kasi magkano lang naman yung sahod ko doon sa Kuwait at sa Malaysia.”

Ang isa pang maganda sa ginawa ni Rogelio, maagang namulat ang kanilang dalawang anak sa importansiya ng pag-iimpok.

Ayon sa kanilang anak na si Laurence, tinuruan talaga siya ng ama na mag-ipon at magtipid. "Kung hindi naman daw po kailangan, hindi dapat bilhin."

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kahanga-hanga ang pagiging masinop ni Rogelio Fortes, na bukod sa naipon ang padalang suweldo ng misis na OFW ay naipagawa pa ang kanilang bahay, nakapagtayo ng tindahan at nakabili ng tricycle.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results