Ang kailangang suungin ng buntis na guro para lamang makapagturo

by KC Cordero
Nov 15, 2021
Pregnant teacher crosses cliff
Ibang klaseng sakripisyo ang sinuong ng buntis na gurong si Jay Ann Salibio Barcelon Salibio na kinailangang tumawid sa bangin at maglakad nang malayo marating lang ang pinagtuturuang school na nasa isang isla.

Kumusta na ang buntis na gurong nag-viral noong isang taon?

Siya si Jay Ann Salibio Barcelon Salibio, 29, isang teacher sa Patag Elementary School Annex sa Occidental Mindoro.

Malayo ang eskuwelahan niya at nasa isang isla.

Bago siya makarating doon ay kailangan muna niyang sumakay ng bangka, tumawid sa bangin, at maglakad nang mahigit dalawang oras.

Pregnant teacher crosses cliff

Continue reading below ↓

Buntis pa noon si Teacher Jay Ann, pero ginagawa niya ang matinding sakripisyo para sa kanyang propesyon.

Ani Teacher Jay Ann sa isang panayam, "Bilang buntis po ay nahihirapan ako, siyempre, buhay ko yung nakasalalay doon.”

Noong time na iyon ay wala pang nakukuhang substitute para sa kanya ang kanilang school, kaya kahit kabuwanan na niya, sige pa rin siya sa araw-araw na hirap sa pagtawid sa bangin at paglalakad.

Ang isa pang challenging sa sitwasyon niya, sakaling abutin siya ng panganganak sa isla, walang ospital doon na mapagdadalhan sa kanya.

Nag-request ang mga teachers umano ng life vest sa Department of Education para sa kanilang kaligtasan habang tinatawid ang dagat, pero wala raw naging tugon ang nasabing ahensiya.

NAKAPANGANAK NA, NAGTUTURO PA RIN SA ISLA

Sa pananaliksik ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa istorya ni Teacher Jay Ann, nakapanayam namin ang kanyang mister na si Leomar, 28, sa pamamagitan ng Facebook Messenger noong November 11, 2021.

Continue reading below ↓

Kuwento ni Leomar, 2019 pa ang mga larawan ni Teacher Jay Ann. “Wala pa pong pandemic noon. Talaga lang mahirap magpunta sa school nila.”

Siya ang napagtanungan namin ng mga detalye tungkol sa guro dahil ayon sa kanya, “Hindi po siya makokontak. Wala pong signal sa isla.”

Teacher Jay Ann Salibio and husband Leomar

Isang mananahi si Leomar. “Lingguhan po ang uwi ng misis ko. Pag walang pasok, magkakasama kami sa bahay.”

Continue reading below ↓

Nang kumustahin namin ang baby na ipinagbubuntis ni Teacher Jay Ann noon, aniya, “Okey naman po. Mag-two years old na po siya sa November 18.”

Maayos din ang sitwasyon ng misis niya sa isla at ng mga kapwa teacher nito.

“Hindi po sila face-to-face ang pagtuturo. Modules din po ang gamit nila.”

Sinabi ni Leomar na bilib siya sa sakripisyo ng kanyang misis at ng mga kasamahan nitong teacher sa isla.

“Hanga po ako sa lahat nang guro. Kahit nahihirapan, ginagawa pa rin nila yung trabaho para may matutunan ang mga bata.”

Recent photo of Teacher Jay Ann Salibio

Continue reading below ↓

Hiling ni Leomar na mabigyan ng sapat na proteksiyon ang kanyang misis at mga kapwa nito guro na hanggang ngayon ay buwis-buhay pa rin ang pagbiyahe sa isla.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ibang klaseng sakripisyo ang sinuong ng buntis na gurong si Jay Ann Salibio Barcelon Salibio na kinailangang tumawid sa bangin at maglakad nang malayo marating lang ang pinagtuturuang school na nasa isang isla.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results