Naked, homeless old man, binihisan at binigyan ng pagkain ng naawang mag-asawa

by KC Cordero
Nov 15, 2021
Wilfredo Aquino helping the naked old man get dressed
Naglipana pa rin ang Good Samaritan. Pinatunayan ito ng mag-asawang LJ Adop at Wilfredo Aquino nang bihisan nila at bigyan ng pagkain ang matandang lalaking walang suot sa katawan sa Caloocan City.

Noong July 2, 2021, habang sakay ng kanilang motorsiklo ang mag-asawang LJ Adop, 26, at Wilfredo Aquino, 25, nadaanan nila sa may bahagi ng Caloocan Sports Complex ang isang matandang lalaki.

Hubo't hubad ito.

Si LJ ang mismong nakapansin sa matanda, at pinagtatawanan ng ibang nakakakita rito.

Halu-halong emosyon umano ang naramdaman ni LJ pagkakita sa matandang lalaking pulubi.

Aniya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nalungkot, natakot, naawa po...

"Dahil po doon sa kalagayan niya na walang suot sa katawan at pinagtatawanan ng mga nakakakita.

"Siguro kaya walang gustong tumulong kasi natatakot na baka nananakit siya.”

Nakapanayam sina LJ at Wilfredo ng PEP.ph noong November 15.

Nang makarating raw sila sa kanilang pupuntahan ay sinabi ni LJ kay Wilfredo ang tungkol sa matandang pulubi.

Nang pabalik na sila, itinuro niya sa mister kung saan niya ito nakita.

Ayon kay LJ, “’Tapos po di siya nagdalawang isip na tulungan.

“Good thing is, may malapit na ukay-ukay store kaya nakabili kami agad ng damit at pagkain . Pati yung ukay-ukay store, nagbigay rin po ng damit.”

Continue reading below ↓

Wilfredo Aquino helping the naked old man get dressed

Ayon naman kay Wilfredo, sa kagustuhan niyang mabihisan ang matandang lalaki ay hindi na niya naisip ang tungkol sa virus o kung bayolente ba ito.

Aniya, "Sinuotan ko siya, kumapit siya sa dalawang balikat ko. Hindi ko na din naisip yung virus kasi naawa ako kay Tatay.”

Naibahagi ni LJ na hindi bago sa kanya ang magkawanggawa dahil dati siyang chairwoman ng Sangguniang Kabataan sa kanilang lugar sa Quezon City.

Continue reading below ↓

Sadya naman aniyang mabait sa ibang tao ang kanyang mister.

“Ganoon po talaga siya pag nakakakita ng pulubi. Kadalasan po, pagkain ang ibinibigay niya.”

The couple LJ Adop and Wilfredo Aquino

Sa ngayon ay isang cashier/kitchen staff sa isang kainan si LJ.

Si Wilfredo naman ay tatlong taon nang rider. Dati itong nagmamaneho ng tricycle.

Nine years na silang nagsasama, at may isang anak na five years old.

Continue reading below ↓

PINUSUAN NG NETIZENS

Ang post ni LJ ay may 91K reactions, 2.4K comments at 49K shares.

Panay positibo rin ang komento ng netizens sa kanilang pagiging Good Samaritan.

Screenshot of netizens comments

Screenshot of netizens comments

Continue reading below ↓

KUMUSTA NA ANG MATANDANG BINIHISAN NILA?

Ayon kay LJ, nang mag-viral ang kanyang post ay may nag-message sa kanya.

“Pagkatapos po namin siyang makita, may nag-chat sa amin na nagsasabing kamag-anak daw po sila nung matanda.

“Kaya ang ginawa po ng asawa ko, one week din po siyang nag-ikut-ikot para hanapin si Tatay, kaso di na po namin makita.”

Umaasa sila na nakauwi na ito sa sariling pamilya, lalo pa at delikado ang panahon ngayon dahil sa pandemya.

Ang sinusunod namang mantra ni LJ sa pagiging Good Samaritan, “Huwag na huwag pong mahihiyang tumulong kahit sa maliit na bagay lang.

"Walang bayad ang pagtulong, pero may sukli galing sa Nasa Itaas.”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naglipana pa rin ang Good Samaritan. Pinatunayan ito ng mag-asawang LJ Adop at Wilfredo Aquino nang bihisan nila at bigyan ng pagkain ang matandang lalaking walang suot sa katawan sa Caloocan City.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results