Arny Ross recounts highlight of her wedding: 2 hours of "iyakan" with parents

by Rose Garcia
Jan 4, 2022
Arny Ross and Franklin Bonogan's November 2020 wedding
Arny Ross exchanged "I dos" with Franklin Bonogan on November 9, 2021 in Tagaytay City.
PHOTO/S: Nice Print Photo

Sa kabila ng 13 years nilang pagsasama, marami pa rin daw nadidiskubre si Arny Ross tungkol sa kaniyang asawa.

Ikinasal si Arny at ang kanyang longtime boyfriend na si Franklin Banogon noong November 9, 2021 sa Tagaytay City.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arny sa naganap ng online mediacon para sa 25th anniversary ng longest-running gag show ng GMA-7.

Ang kuwento niya, “Kahit na 13 years na kami, naramdaman ko yung pagle-level up ng relationship namin noong kinasal na kami. Iba po pala talaga kapag may blessing na ni Lord, kapag may blessing na ng parents.”

Arny Ross and Franklin Banogon wedding

Continue reading below ↓

Tanging si Arny, Franklin, at ang kanilang mga magulang ang dumalo sa kanilang kasal.

“Kahit sobrang intimate lang po ng wedding namin, six of us lang po sa wedding namin, pero parang dalawang oras kaming nag-iyakan ng parents ko, parents niya, kaming dalawa.”

Arny Ross and Franklin Banogon on Instagram

Arny and her parents Arnold and Beth...

Continue reading below ↓

Arny Ross parents during her wedding

Franklin with Dad Samuel and mom Doree...

Franklin Banogon with parents

Continue reading below ↓

Kumusta naman ang buhay mag-asawa?

Kuwento ni Arny, “Nando’n po talaga ako sa nag-a-adjust po talaga ako ngayon. Breakfast person siya, morning person siya. Ako, baliktad.

“Hindi talaga ako ma-breakfast. Tanghali akong gumising kapag walang taping. So iyon, nag-aadjust-adjust po ako ngayon, and alam ko na marami pa po akong madi-discover kasi, nasa iisang bahay na po kami.”

ON DREAM HOUSE AND BUSINESS

Bago pa man sila magpakasal, sinorpresa ni Franklin si Arny na nagpapatayo ito ng bahay.

Pero ayon kay Arny, hindi pa raw tapos ang pagpapagawa nito. Kaya nakatira muna silang mag-asawa sa bahay ng kanyang mga magulang, na kinalakihan din niyang bahay.

Paliwanag niya tungkol sa pinapatayong bahay, “Noong nalaman ko na po, pinagtulungan na po naming dalawa.

“Sabi ko, i-extend natin, bigyan natin ng more rooms. Pinagtulungan na namin after noong i-reveal na po niya sa akin.

“Kaya po tumagal, dapat po nakalipat na kami right after the wedding, tumagal siya after ng extension na nakapag-decide po kami.”

Continue reading below ↓

Arny Ross house

Plano nilang tapusin muna ang bahay na ipinapagawa bago pumasok sa mga bagong investments.

Tutal, mayroon na rin silang ilang investments na nagawa noon pa, tulad ng pag-franchise ng restaurant na Bon AppeTea.

Aniya, “May mga ilang investments na rin po kasi kami together bago po kami ikasal. So tapusin muna po namin ang bank loan bago po siguro mag-add ng panibago.

Continue reading below ↓

“Kasi po, partner din po kami sa restaurant and ngayon po, medyo naba-back to normal na rin po itong nangyayari sa atin, sana po makabawi na rin po ang restaurant namin.”

Bukod dito, may online clothing stores, ang Ross Clothing Co. and Arny Shoe Collection, ang Kapuso star.

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arny Ross exchanged "I dos" with Franklin Bonogan on November 9, 2021 in Tagaytay City.
PHOTO/S: Nice Print Photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results