PEP YEARENDER 2021: Pinoy success stories abroad

by Bernie V. Franco
Dec 31, 2021
pinoy success stories abroad
In 2021, many Filipinos proved to the world that we are a race to be reckoned with. There were people with rags-to-riches stories, students who were accepted to prestigious international schools, talented individuals who garnered international awards, and others who just got lucky.

Kilalang maabilidad ang Pinoy kahit saan man siya mapadpad.

May mga OFWs na dinapuan ng suwerte, mga estudyanteng ginamit ang abilidad at nagsumikap para makapasok at makapag-aral abroad, at mga musicians at artists na nakilala sa international competitions dahil sa kanilang angking talento.

Gaano man kahirap ang sitwasyon, mangingibabaw at mangingibabaw pa rin ang lahi ni Juan para magtagumpay.

Balikan natin dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ilan sa mga kuwento ng mga Pilipinong nakamit ang tagumpay sa ibang bansa.

FIL-AM FRONTLINER IN CALIFORNIA, U.S.A.

Si Dr. Audrey Sue Cruz ay isang Filipina-American physician sa California, U.S.A. na binigyang-pugay ng Mattel, ang company maker ng Barbie.

Naglunsad ng #ThankYouHeroes ang Mattel bilang pagkilala sa mga female heroes sa panahon ng pandemya.

Isa nga si Dr. Audrey sa mga napili para maging first-ever Fil-Am na magkaroon ng Barbie version.

Audrey sue cruz

Continue reading below ↓

Reaksiyon ng doktora sa parangal: “Here’s to breaking barriers, speaking truths, and empowering the next generation.

“I hope to represent minorities in America and encourage cultural advocacy.”

PINAY DUMPSTER DIVER IN FLORIDA, U.S.

Isang kababayan naman natin ang pinatunayang may kayamanan sa basura.

Si Rona Meloche, a.k.a. Inday Roning, ay isang pet nanny, housewife, at vlogger sa Florida, U.S.A.

Bilang isang vlogger, gumagawa siya ng content tungkol sa pagiging isang dumpster diver o yung nangangalkal ng mga basurahan o dumpster para maghanap ng puwedeng magamit.

Kung ano-anong mga mapakikinabangang bagay ang nakakalkal niya sa basura, gaya ng fruits, vegetables, meat, processed food, bottled juices, at iba pa.

Nakakakuha rin siya ng branded make-up items at kung anu-anong snacks na hindi pa expired.

Aniya, dahil sa kanyang pagiging dumpster diver ay umaabot sa $1,500 (PHP75,000) monthly expenses ang kanyang natitipid sa bahay.

“Tinitingnan lang po namin yung laman ng dumpsters. So, pagtingin namin, marami palang gamit na mapakikinabangan pa, kaya na-entice po kami at na-inspire po na puntahan ang ibang basurahan din.”

Continue reading below ↓

“Hindi ko mabilang [worth of] thousands of dollars talaga yung mga waste, foods, mga gamit dito,” ani Inday Roning sa Eat Bulaga! interview niya noong August 28, 2021.

inday roning

DOMESTIC HELPER DAISY BUCAD-ENG

Hindi rin malilimutan ang istorya ng domestic helper na si Daisy Bucad-Eng na pinamanahan ng assets na nagkakahalaga ng PHP25 million.

Continue reading below ↓

Rags to riches ang kuwento ni Daisy na taga-Mountain Province.

Gayunpaman, hindi naging instant ang suwerteng kanyang tinamasa dahil nakaranas muna siya ng paghihirap sa loob ng maraming taon.

Naihayag ang kuwento niya sa Kapuso Mo, Jessica Soho noong October 2021.

Tindera siya ng asin sa kanyang hometown, at naghangad ng matiwasay na buhay para sa pamilya kaya nangibang bansa.

Nagtrabaho siya bilang domestic helper sa Hong Kong pero hindi pinalad sa amo noong una.

Kalaunan, nakahanap siya ng mabait na amo: isang matandang Portuguese na kanyang inalagaan at itinuring na parang pamilya.

Dinala pa ni Daisy sa Pilipinas ang kanyang amo hanggang sa pumanaw ang matanda rito.

Lingid sa kanyang kaalaman, sa pamamagitan ng last will and testament, pinamanahan pala siya ng kanyang amo ng milyun-milyong pisong halaga in assets.

Ngayon si Daisy ay may five-story building, lupain, bahay, alahas, at pera sa kanyang hometown.

daisy bucad eng

Continue reading below ↓

PINOY LOTTERY WINNER IN UAE

Malaking suwerte naman ang tumama kay Paterio, 52, nang tumama siya sa lottery sa United Arab Emirates nito lamang November 2021.

Tumataginting na AED10 million, o katumbas ng PHP136 million ang tinamaan sa lotto ni Paterio, na tubong-Laguna at nagtatrabaho sa oil and gas industry sa U.A.E.

Isang dekada nang nagtatrabaho bilang overseas Filipino worker si Paterio sa iba't-ibang bansa.

Malaking biyaya ang kanyang pagkapanalo para sa pag-aaral ng kanyang anak at sa pag-aalaga ng isa pang anak na may cerebral palsy.

Sabi ni Paterio hinggil sa kanyang malaking suwerte, “I’ve spent the last decade, toiling away alone in Madagascar, Saudi Arabia and the UAE, just to ensure my family is comfortable.

“It’s time for me to be with them and help care for my children.”

paterio ofw

Continue reading below ↓

Paterio, 52, during the presentation of his AED10 million winnings, together with Farid Samji, CEO of Ewings LLC, operator of the weekly lottery in the United Arab Emirates

FROM PINAY CAREGIVER TO FASHION DESIGNER

Napatunayan ni Genette Mujar ng Albay na di dapat isuko ang pangarap.

Lumipad si Genette sa Canada noong 2007 at doon namasukan bilang caregiver.

Pero sa kabila nito, hindi nakalimutan ni Genette ang pangarap na maging fashion designer at maitayo ang kanyang sariling clothing line.

Diniskartehan niya ito nang paunti-unti dahil sapat lamang ang kinikita bilang caregiver, at nagpapadala pa siya sa kanyang pamilya sa Pilipinas.

Ang natitirang pera sa kanya, ipinambibili niya ng damit sa mga thrift store.

“Hahanapin ko iyon isa-isa, yung mga branded na outdated na sale.

“In the end, ire-restyle ko siya para, at least, meron akong magandang panglabas [na damit],” aniya sa ulat ng The Filipino Channel noong November 2021.

Noong siya ay 50 anyos niya, naglakas loob siyang mangutang sa bangko para makapag-aral ng fashion design sa Visual College of Art and Design sa Vancouver.

Continue reading below ↓

Pinagsabay niya ang pagiging caregiver at pag-aaral.

genette mujar

Sa ngayon, isa na siyang ganap na fashion designer at may sarili na ring clothing line sa Canada.

Nagagamit ang designs ni Genette sa magazine photo shoots, at nakakatrabaho niya ang mga sikat na photographers at make-up artists.

DOUBLE SUMMA CUM LAUDE IN WHARTON SCHOOL

Hindi lang isa kundi dalawang summa cum laude honors ang nakamtan ni Jacob Johann Wee noong May 2021.

Continue reading below ↓

Kumuha siya ng double course sa University of Pennsylvania, isang private Ivy League research university sa Amerika.

Ang mga kursong kinuha ni Jacob ay Bachelor of Science in Economics mula sa Wharton School of Business, at Bachelor of Arts in Psychology mula sa College of Arts and Sciences.

Nag-graduate si Jacob ng high school sa Xavier School sa Greenhills, San Juan.

Aniya, ang kaaya-ayang environment sa University of Pennsylvania ang nakatulong sa kanya para magtagumpay.

“Lucky to have the opportunity to be in a space of academic humility and honesty.

“Lucky to be surrounded by inspiring and kind friends. And lucky to be supported by friends and family from the Philippines.”

jacob johann wee

Continue reading below ↓

Nabanggit ni Jacob ang susunod niyang gagawin: ang magtungo sa Miami, Florida at magtrabaho sa Restaurant Brands International bilang bahagi ng Leadership Development Program nito.

FARMER’S SON ACCEPTED IN DUKE UNIVERSITY

Isang anak ng magsasaka mula sa Isabela, Cagayan Valley ang natanggap at naging scholar sa Duke Univesity sa North Carolina sa Amerika.

Si Edrian Paul Liao ay nakatanggap ng full scholarship na may estimated amount na US$328,000 o PHP16.4 million.

Sa ulat noong June 2021, balak ni Edrian na kumuha ng BS Mechanical Engineering, Minor in Computer Science, at Certificate in Aerospace Engineering.

Si Edrian ay graduate ng Philippine Science High School-Cagayan Valley.

Isang magsasaka ang kanyang ama at isang maybahay ang ina na dating nagtrabaho bilang midwife.

edrian paul liao

Continue reading below ↓

Matapos makapag-aral, pangarap ni Edrian na iangat ang industriyang kinabibilangan ng ama, ang agriculture.

Sabi niya, “Agriculture in the Philippines is one of the most prominent sectors but still lacks innovation one way or another.

“I want to fill in that gap once I return from the U.S. full of knowledge and experiences.”

COLLEGE STUDENT AT 11 YEARS OLD

Hindi rin malilimutan ang literal na Pinoy henyo na si Joys David, isang Pinay-American na college student at the age of 11 at double-degree holder at the age of 16.

Nagkuwento si Joyce tungkol sa kanyang buhay-estudyante sa Eat Bulaga! noong June 2021.

Mula elementary, accelerated si Joys at tumalon na sa college. Hindi na siya nag-high school.

Sa edad na 16, graduate na si Joys with a double degree: Bachelor of Arts in Creative Writing at Bachelor of Arts in Biology. Iyon ay noong 2020.

joys david

Continue reading below ↓

Bata pa lang ay goal-driven na raw siya.

“I was a very driven kid. I don’t know why, but I always got scared if I would get a 'B.'

“So, I was like, ‘I need an A!’ and if I ever, was like an A-, I would go to my teacher and I would ask for extra credit.”

Nabanggit din ni Joys na nagtatrabaho siya bilang research assistant at nag-iipon lang ng experience bago siya mag-aral muli.

Ito raw ang pangarap niya: “To be a physician-scientist so that I can connect the bench science, laboratory experiments, and learning more about diseases with my work with patients.

“Specifically, something related to neuropsychiatric disorder and diseases, especially since my brother has autism and Down Syndrome.”

SON OF FARMER AND WAITRESS

Noong July 2021, marami rin ang bumilib kay Gelbert Cresencio ng Bohol matapos mabigyan ng full scholarship sa Amherst College sa Amherst, Massachusetts, sa U.S.

Continue reading below ↓

Mula sa 4,900 applicants sa Amherst, 118 lamang ang nakapasa at isa na rito si Gelbert.

Bilang iskolar, makakatanggap si Gelbert ng $85,000 yearly, katumbas ay PHP4.25 milyon.

Ang ambisyon ni Gelbert, maging neurosurgeon.

gelbert cresenscio

Malalim rin ang hangarin ni Gelbert kung bakit nais niyang kumuha ng neurosciences.

Continue reading below ↓

Alam niyang kulang na kulang sa neurosurgeons ang Pilipinas dahil nasa 134 lamang sila sa bansa.

Ibig sabihin, may isang neurosurgeon lamang sa bawat 840,000 Filipinos.

“So I hope to pursue medical school where I can train and become one of the best neurosurgeons in the Philippines, and hopefully give back to the community,” ani Gelbert.

PINAY WORKING MOM SUMMA CUM LAUDE IN AUSTRALIA

Nagsilbing ehemplo naman sa mga working mom si Zarah Denise Magpantay Tenorio.

Nito lamang December, napaulat ang pagtatapos niya bilang summa cum laude sa kursong Bachelor of Laws sa Charles Darwin University sa Darwin, Australia. Nag-graduate siya noong September 2021.

Hindi biro ang hirap na pinagdaanan ni Zarah, na dumating sa Australia noong 2013.

Pinagsabay-sabay niya ang kanyang pag-aaral at iba pang mga responsibilidad, at may mga pagkakataong ninais na rin niyang sumuko.

“Mahirap po kasi, e. Nakakapagod, nakaka-stress at minsan parang walang time to complete everything within the deadline."

Continue reading below ↓

Pero dahil na rin sa pagiging supportive ng kanyang mister at pagnanais na mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga anak, itinuloy ni Zarah ang kanyang pangarap.

Zarah Denese Magpantay Tenorio

May mensahe siya sa mga katulad niyang may gustong maabot na pangarap pero napapalibutan ng maraming hamon.

“I hope my fellow Filipinos po na makakabasa nito, take the time to get out of their comfort zone and pursue their passion.

Continue reading below ↓

“Kung may pangarap po kayo, work for it. Do it for yourself.

“If you don’t want to do it for yourself, do it for your children.

“They deserve the best life possible, and you can give it to them by giving them the best version of yourself.”

PINAY GETS HIGHEST HONOR IN UNIVERSITY OF EXFORD

Speaking of summa cum laude, nakamtan naman ni Ellaine Joy Calapao-Sanidad na taga-Abra ang highest honor para sa kanyang Master’s degree sa prestihiyosong University of Oxford sa United Kingdom.

Kumuha si Ellaine ng Masters of Studies in Diplomatic Studies sa naturang unibersidad na itinuturing na “one of the oldest universities” sa buong mundo.

Natanggap niya ang kanyang parangal nito lang December 2021, pero ang graduation ay mangyayari pa sa March 2022.

Sa ngayon, nakauwi na ng Pilipinas si Ellaine at nagpapahinga muna bago siya magpatuloy sa kanyang susunod na adhikain sa buhay.

Ellaine Joy Calapao-Sanidad

Continue reading below ↓

Nagtapos si Ellaine mula sa University of the Philippines-Los Baños (UPLB) bilang magna cum laude noong 2010.

Nagturo muna siya bago kumuha at nagtapos ng M.A. in Speech Communication sa University of the Philippines-Diliman.

Sinimulan niya ang kanyang Diplomatic Studies sa Oxford noong 2020.

Naniniwala si Ellaine na anuman ang maging hamon na haharapin sa buhay, dapat ibigay ang lahat ng iyong makakaya.

“Because only with giving your best could you get the best reward,” aniya.

PINOY ARTIST WINS BIG IN ITALY

Karangalan para sa Pilipinas ang inuwi ng visual artist at painter na si Michael Garcia Villagante na taga-Caloocan.

Iginawad sa kanya ang Lorenzi il Magnifico Award, ang highest award sa ginanap na XIIIth Florence Biennale 2021 nitong last quarter ng 2021.

Ang Florence Biennale ay itinuturing na major international contemporary art and design exhibition sa Florence, Italy.

Unang beses ng Pilipinas na makatanggap ng ganitong award.

Umabot sa higit 1,000 artworks ang naging entries, at nilahukan ng 500 artists mula sa 70 countries.

Continue reading below ↓

Pinarangalan si Michael dahil sa kanyang painting na “Pagtahan,” na nagpapakita ng pinagdadaanan ng mundo ngayong pandemya, at nagbibigay ng mensahe ng pag-asa.

Inabot ng tatlong buwan si Michael bago matapos ang kanyang obra.

Michael Garcia Villagante

FIVE INTERNATIONAL AWARDS AT 14

Limang international music awards na ang nakamit ng Pinoy prodigy na si Damodar Das Castillo, 14, isang cellist.

Continue reading below ↓

Sa murang edad na limang taong gulang, nakitaan na ng potensiyal si Damodar para maging mahusay na musikero.

Siya ang unico hijo ng mag-asawang musicians: ang cellist na si Alvin Castillo at ang violinist na si Daloiza Bartolay.

Dahil sa angking galing, nakapasa si Damodar na maging scholar sa Mozarteum University sa Salzburg, Austria. Natanggap din siya sa Highly Gifted program sa Leopold Mozart Institute sa Salzburg.

damodar das castillo

Continue reading below ↓

Ngayon, si Damodar ay 16 anyos at bumalik sa Pilipinas nito lamang October 2021.

Policy kasi sa Austria na makapag-aral sa regular school ang mga batang 16 anyos pababa.

After two years, balak muling pumunta ni Damodar sa Austria para patuloy na mag-aral at hasain ang kanyang talent bilang cellist.

Naghahanda rin ngayon ang young musician para sa susunod niyang international competition, ang XI International Tchaikovsky Competition for Young Musicians, na magsisimula sa Moscow, Russia at magtatapos sa Chendu, China sa darating na March 2022.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In 2021, many Filipinos proved to the world that we are a race to be reckoned with. There were people with rags-to-riches stories, students who were accepted to prestigious international schools, talented individuals who garnered international awards, and others who just got lucky.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results