Kabilang ang farm ni Larry Yorong Mansog sa Misamis Occidental na naapektuhan ng pandemya.
Kumikita si Larry at ang misis niyang si Perlie mula sa pagtatamin ng bell peppers at repolyo sa kanilang farm sa Barangay Nueva Vista, Don Victoriano Chongbian, sa Ozamiz City.
Nang lumaganap ang COVID-19, humina ang kanilang kita.
Kaya naman, naisipan nilang magtanim ng strawberry sa kanilang apat na ektaryang farm. Namuhunan sila ng PHP120,000.
Lahad ni Larry sa panayam sa kanya ng Philippine News Agency noong January 19, 2022, "So, we thought of planting strawberries. We started with 480 'mother plants' in March 2021."
Malamig ang klima sa kanilang lugar, at akma sa kanilang bagong pananim.
Nang magsimula silang mag-ani ng strawberry ay ibinibenta lang muna nila iyon sa mga kalapit na palengke.
PHP500 ang benta niya sa isang kilo ng kanyang strawberry.
Mayroon ding nasa supot na PHP100 at PHP150.
Dahil magaganda ang kanilang produced, kalaunan ay ang mga mamimili na mismo ang nagpupunta sa kanilang farm.
Malaking bagay iyon para muling gumanda ang kanilang income.
Kuwento pa ni Larry, "Once they found our place, they would visit here, and take photos and post it on social media."
Dahil doon, isang idea pa ang kanyang naisip. Nagtayo siya ng cafeteria na nag-o-offer ng pagkain at inumin sa mga nagpupunta sa kanilang strawberry farm.
Added attraction ang cafeteria, lalo na sa mga mahihilig mag-post ng photos sa internet.
Sa ngayon, habang hindi pa tiyak kung kailan matatapos ang pandemya, sinabi ni Larry na ipagpapatuloy muna nilang mag-asawa ang pagtatanim ng strawberry at iba pang crops.
"We will continue our improvements here, even some of the funds comes from loans," aniya.
Plano rin nilang mag-asawa na mag-training dahil sa kasalukuyan ay tradisyunal na paraan pa rin ng pagtatanim ng strawberry ang kanilang ginagamit, at para matuto sila ng makabagong farming technology.