Netizens' funny comments about Heart Evangelista’s Chanel hangers: "Sinampal n naman ako ng kahirapan."

by Arniel C. Serato
Feb 18, 2022
Netizens react to Heart Evangelista's Chanel hanger post
Heart Evangelista's Chanel hanger post creates a stir on Instagram among her "hampaslupa" followers: "Grabe isa talaga akong ganap na hampaslupa.”
PHOTO/S: Courtesy: @iamhearte on Instagram

Pinagkatuwaan ng netizens ang Instagram post ni Heart Evangelista noong Miyerkules, February 16, 2022.

Larawan ito ng tatlong hanger mula sa mamahaling brand na Chanel.

Simpleng caption ng Kapuso actress-host: "Oh, Coco."

Sa comments section, nagdapuan ang maraming “Marites” na naghayag ng saloobin sa kanilang kalagayan sa lipunan nang makita ang post ni Heart.

Marami sa kanila ay ayos lang daw mapalo ng Chanel hanger.

Sabi ng isang netizen, “Kung ganyan man lang ipapalo saken ni mama why not HAHAHAHA joke lang po."

Netizens react to Heart Evangelista's Chanel hanger post

Continue reading below ↓

“Kung di ganito hanger namin walang karapatan si mama na paluin ako,” ang tila nagmamarakulyong komento ng isa pa.

Netizens react to Heart Evangelista's Chanel hanger post

Biro ng isa pang netizen, “Pag itong hanger nato ang pinaLo sayo ng mama mo. (Dun mo maLaLaman gaano ka nya ka MAHAL)"

Netizens react to Heart Evangelista's Chanel hanger post

Continue reading below ↓

"Kung ganito lang pamalo ng Nanay ko sakin dati, wala ako karapatang umaray," isa pang pabirong komento ng isang follower ni Heart.

Netizens react to Heart Evangelista's Chanel hanger post

Pabirong banggit ng isa pang netizen, “After mapalo ni Mama ng chanel hanger sa pwet, ‘Hanger, ok ka lang ba, di ka ba nagasgasan?’"

Netizens react to Heart Evangelista's Chanel hanger post

Continue reading below ↓

Ayon naman sa ilan, baka imbes na ipalo ng nanay sa kanila ay patawarin na lang sila dahil mahal ang Chanel hanger.

Suhestiyon ng isang netizen, “Pag ito ipamamalo sayo ng nanay mo baka manghinayang at patawarin ka na lang.”

Netizens react to Heart Evangelista's Chanel hanger post

Na sinang-ayunan naman ng isa pa: “For sure nanay ko ang iiyak pag eto pinamalo nya hahahaha.”

Continue reading below ↓

Netizens react to Heart Evangelista's Chanel hanger post

Magpapasalamat naman daw ang dalawa pang nagkomento kung mahahampas sila ng Chanel hanger.

Anila: “Kapag ako nahampas ng hanger na ito magpapasalamat pa ako.”

Netizens react to Heart Evangelista's Chanel hanger post

Continue reading below ↓

“Willing ako magpapalo basta gantong hanger.”

Netizens react to Heart Evangelista's Chanel hanger post

Nakakatawang sabi ng isang nagkomento, “Hampasin moko nyan.... Ako pa mag so sorry!”

Netizens react to Heart Evangelista's Chanel hanger post

Continue reading below ↓

Titirahin naman daw ng magnanakaw ang Chanel hanger sa sampayan at iiwan ang damit, sabi ng isa pa.

Saad niya, “Pg yan hinanger sa labas ung damit maiiwan ung hanger ung mawawala.”

Netizens react to Heart Evangelista's Chanel hanger post

“HAMPASLUPA”

May mga tila nalungkot naman dahil pinamukha raw sa kanila ni Heart ang kanilang pagiging hampaslupa.

Saad ng isang netizen, “Pinamukha nanaman po saakin ni Madam Heart kung gaano ako kahampas lupa [weary face emojis]
AND IT’S TOTALLY FINE [weary face, heart emojis]”

Continue reading below ↓

Netizens react to Heart Evangelista's Chanel hanger post

“Sinampal n naman ako ng kahirapan, pati ba naman hanger branded. Akin nga tig 20 lng sa palengke pamalo pa sa pwet,” ang sabi naman ng isa pang nagkomento.

Netizens react to Heart Evangelista's Chanel hanger post

Continue reading below ↓

Patotoo naman ng isa pang follower, “Grabe isa talaga akong ganap na hampaslupa”

Netizens react to Heart Evangelista's Chanel hanger post

Marami pang nakakatuwang komento ang post na ito ni Heart.

Makikita sa ebay na nasa US$49 o halos P2,500 ang presyo ng bawat isang hanger ng Chanel.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heart Evangelista's Chanel hanger post creates a stir on Instagram among her "hampaslupa" followers: "Grabe isa talaga akong ganap na hampaslupa.”
PHOTO/S: Courtesy: @iamhearte on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results