Watch Now

Mikael Daez on life with wife Megan Young in Subic: "Sarap! Oh, my God!"

by Rommel Gonzales
Feb 26, 2022
megan young mikael daez
Mikael Daez and wife Megan Young are enjoying their lives in Subic, Olongapo. “Maluwag, maaliwalas, there’s so much you can do, madaming coffee shops na doon," raves Mikael.
PHOTO/S: @mikaeldaez Instagram

Guest co-host ni Mikael Daez ang asawang si Megan Young sa unang episode ng The Best Ka!, ang unang full-length show ni Mikael bilang main host.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mikael kung bakit guest lamang si Megan at hindi permanent co-host.

May rapport naman silang tiyak as co-hosts dahil bukod sa mag-asawa sila ay pareho pa silang mahuhusay na hosts.

“I don’t know, I’m not sure! Maybe... maybe we should do something about that at tumawa si Mikael.

“But of course, we don’t know what will happen, let’ see. Crazier things have happened in the world of showbiz. Sa ngayon let’s take it a day at a time, an episode at a time, one thing I can tell you is me and my wife enjoyed taping episode one, a lot.”

Ipinalabas nitong nakaraang Linggo ang unang episode ng The Best Ka! kung saan ang mga the best of the best sa Guinness Book Of World Records ang ipi-feature every Sunday, 3:50 ng hapon sa GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LIFE IN SUBIC

Tungkol na rin sa kanila ni Megan ang usapan, kinumusta namin kay Mikael ang buhay-probinsiya nilang mag-asawa.

Kasisimula pa lamang ng pandemic ay nagdesisyon na sina Mikael at Megan na sa Subic na manirahan.

“Sarap! Oh, my God,” bulalas ni Mikael. "Sarap!

"The Best Ka! if you would like to move our regular production to Subic or Olongapo area, we can also move up North, madaming magagandang probinsiya diyan, I am willing to do that, FYI," birong-totoong panawagan ni Mikael sa production team ng The Best Ka!

Bakit nga ba sila pinili nilang mag-asawa na maging based na sa Subic?

“That’s a good question. Well, for one I’m in love with Subic, in love na in love ako sa lugar na yun. And [number] two, now that, siguro we’ve spent a total of a couple months already in Subic, ang sarap ng buhay dun, e.

“Maluwag, maaliwalas, there’s so much you can do, madaming coffee shops na doon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Certified coffee lovers sina Mikael at Megan.

“And then nakita namin na kayang-kaya pala na mag-back and forth.

“Kunwari kailangan naming umuwi ng Manila in the morning, at night I can drive back home. 'Tapos salitan kami ni Bonez [Megan’s nickname], ako yung nagda-drive ng one hour, siya yung nagda-drive ng another hour, so masaya siya and doable pala siya!

“So parang ngayon mas kampante pa kami na, 'Okay, Subic really is our home!'”

Permanente na ba ang living arrangement nilang ito?

“Ah, feeling ko, feeling ko. Pero alam mo naman kami ni Bonez, e. Biyahe here, biyahe there, biyahe everywhere, so…

“I’d like to call Subic our main home pero it would take sometime, it would take sometime. Marami pa rin kailangang gawin sa bahay. Luma yung bahay, e. So unti-unti.”

Nagsimula silang mag-back and forth sa Manila at Subic ilang linggo matapos silang ikasal.

Ikinasal sina Megan at Mikael nung January 25, 2020 sa San Roque Chapel sa Subic sa Zambales.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May inuuwian pa rin naman sila sa Manila kapag kailangang may ayusin sa bahay nila sa Subic at hindi sila makakatulog doon.

PLANS FOR LITTLE MEGAN AND MIKAEL?

At sa tanong namin kay Mikael kung kailan magkakaroon ng “Little Mikael” o “Little Megan”…

“I’m not sure nga, e! Feeling ko parang biglaan na lang yun, e. At this point, ha?

"Dati sinasabi ko, ‘Wala,’ ‘Hindi,' 'Not yet.'

“Pero now... maybe, maybe one of these days baka magulat na lang tayong lahat.

"Don’t worry, pati ako magugulat, promise,” at tumawa si Mikael.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mikael Daez and wife Megan Young are enjoying their lives in Subic, Olongapo. “Maluwag, maaliwalas, there’s so much you can do, madaming coffee shops na doon," raves Mikael.
PHOTO/S: @mikaeldaez Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results