Hindi inaasahang biyaya! Marissa Dondriano, top 8 sa 2022 Social Worker Licensure Exam

by KC Cordero
Mar 8, 2022
Marissa Dondriano in toga
Top 8 siMarissa Dondriano sa 2022 Social Worker Licensure Exam na di niya inakalang papasa siya dahil sa dami ng problemang kinaharap niya habang nagre-review.

Emotional ang naging post ni Marissa T. Dondriano, 23, taga-Puerto Princesa City, Palawan sa kanyang Facebook noong Marso 4, 2022.

Top 8 kasi siya sa February 2022 Social Worker Licensure Examination (SWLE). Nakakuha siya ng 82.60%.

Announcement of PSU topnotchers.

Ayon sa post ni Marissa, “Lord, thank you po at di mo ako iniwan. Kahit kailan di ka nagkulang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa lahat ng pinagdaanan ko at walang makausap, ikaw lang ang kasama ko at nakinig sa akin. Kaya lahat nang meron ako, Ikaw yung dahilan.

“Thank you, Lord, for all your grace. Patuloy akong magtitiwala at maniniwala sa iyo.

"Salamat sa mga turo mo. Lagi kong itinatanim ang mga salita mong huwag manangan sa sariling karunungan dahil yun ay kamangmangan sa harap mo [ng Diyos].

“Mananatili po akong magpapakumbaba sa harap mo. Sorry po kung minsan kitang binitawan.

"Saksi ako sa lahat nang kadakilaan mo sa buhay ko. I love you, Lord. Highest honor to you.”

Ayon pa kay Marissa, nasorpresa siya sa resulta ng board exam dahil dalawang linggo lang siyang nakapaghanda para sa review.

Marami umano siyang inasikasong problema sa kanilang pamilya—na eksaktong dumating kung kailan malapit na ang board exam.

ONE WEEK LANG NAKAPAG-REVIEW DAHIL SA FAMILY PROBLEM

Nagtapos si Marissa ng Bachelor of Science in Social Work sa Palawan State University noong 2020. Kukuha na sana siya ng board exam noong August 2021, ngunit nakansela dahil sa pandemya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Na-feature ang kuwento ni Marissa isa Facebook page ng Palawan News.

Aniya, “Noong na-cancel, nangutang pa ako ng pera kaya kailangan ko magtrabaho.”

Na-employed naman siya bilang factory worker sa Batangas.

Nang magkaroon uli ng schedule, habang nagre-review siya ay saka naman sumulpot ang mga problema.

“Naglaan lang talaga ako ng dalawang linggo para mag-review. Halos isang linggo lang din talaga akong nag-review.”

Dumanas umano siya ng sobrang stress.

Marissa Dondriano at home

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabahagi niya, “Na-depress ako dahil sa family problem. Hindi ko ine-expect.

“Kasi yung sumunod sa akin, nag-asawa agad, pinapaaral ko pa.”

Aminado siyang nawindang siya sa nangyari, at nagulo maging ang kanyang preparasyon sa board exam.

“Naapektuhan din ako kaya hindi talaga ako nag-expect pa na makakasali pa [sa Top 10] kasi limited lang yung time ko para mag-review.”

ITUTULOY ANG ADBOKASIYA SA MGA KANAYUNAN

Ngayong isa na siyang licensed social worker, plano ni Marissa na ituloy ang kanyang adbokasiya na mapuntahan ang mga kanayunan at maihatid lalo na sa mga kabataan doon ang importansiya ng edukasyon.

Naniniwala siyang ang edukasyon ang isa sa mga susi para makaiwas ang mga kabataang babae sa maagang pagbubuntis.

Aniya, “Gustung-gusto ko talaga iyong issue lalo na sa rural areas.

"Katulad sa area namin, tumataas ang teenage pregnancy, parang kulang iyong pagtutok sa education lalo na sa rural areas.

“Kaunti lang yung pagbibigay ng attention about education, kasi kapag sa rural ka, kuntento lang sa ganoong sitwasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Dapat ma-uplift ang education lalo na sa rural area.”

Gusto rin niyang iparating sa mga mahihirap na kabataan na gaya niya ay maaari ang mga itong makapagtapos ng pag-aaral sa tulong pamahalaan.

Isa kasi siya sa mga benepisyaryo ng 4Ps, o Pantawid Pamilyang Pilipino Program, sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development.

Aniya, “Malaking tulong ang 4Ps sa akin kasi kapag may natatanggap na cash grant si Mama, nakakapagpadala siya, sakto-sakto lang din.

“Ang allowance ko lang talaga noong nag-aaral ako hanggang nag-graduate ako noong college ay PHP500 per week.”

MALAPIT SA KANYANG PUSO ANG SOCIAL WORK

Maraming job offers na natatanggap ngayon si Marissa. Pero ang puso umano niya ay talagang nasa social work.

Nakaka-relate siya sa mga mahihirap na kanyang paglilingkuran dahil nabibilang din siya sa sektor na ito.

Marissa Dondriano in school uniform.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi exposed din ako sa poverty, sa kahirapan. Sa profession ng social work, naramdaman ko yung feeling lalo na yung makatulong sa kagaya ko rin.

“Ang profession namin sobrang hirap. Nasaksihan ko rin yung ibang ka-batch ko, grabeng hirap.”

Umaasa naman siyang ipagpapatuloy ng iba pang board passer ang pagiging social worker.

“Masasabi ko lang na ituloy lang nila, ‘wag silang mawalan ng pag-asa. Kasi kahit kailan, hindi naman naging hindrance ‘yong kahirapan.

“Sa profession kasi namin, naniniwala kami na lahat ng problema ay may solusyon.”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Top 8 siMarissa Dondriano sa 2022 Social Worker Licensure Exam na di niya inakalang papasa siya dahil sa dami ng problemang kinaharap niya habang nagre-review.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results