Poging farm boy, isa nang modelo: "Na-discover po ako sa binyagan."

by Bernie V. Franco
Mar 11, 2022
magsasakang boy next door
Nagsasaka, nag-aabono, nagpapakain ng pato. Ilan ito sa mga ginagawa ni Mark Cyrelle Dela Vega bilang farm boy. Nakikilala siya ngayon bilang Magsasaka Boy Next Door at pinasok na rin ang pagmomodelo.
PHOTO/S: YouTube (Rated Korina) / Facebook

Kilala si Mark Cyrelle dela Vega, 18, sa kanyang lugar sa Pangasinan bilang guwapong magsasaka.

At ang kanyang kaguwapuhan ang nagbigay daan para magkaroon siya ng pagkakataong humarap sa camera.

Kung dati ay pagtatanim ng palay, pag-aabono, at pag-aalaga ng mga pato ang pinagkakaabalahan niya sa bayan ng Natividad, nagpo-pose na rin siya ngayon sa harap ng camera para sa pictorials.

Isang talent manager ang nakakita sa kanya sa isang binyagan.

“Yung talent manager ko po kasi, ninong po kaming pareho, at inalok niya po akong maging isang model…

“Hanggang mag-photo shoot po ako sa Manila, at nakuha po ako ng agency,” kuwento niya sa Basta Promdi Lodi ng DZXL 448, March 1, 2022.

Pero aminado si Mark na hindi pa siya sanay sa harap ng camera.

“Naninibago naman po, pero kinakaya ko po,” pag-amin niya.

Hindi nga raw siya sanay mag-pose.

“Mga pinapagawa po nila, siyempre po naninibago.”

Pero may mga magandang senyales ang kanyang pag-venture sa modelling.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Meron pong mga commercial, ‘tapos magi-guest po, ganoon," pagbabahagi niya.

magsasaka boy next door

Nagbukas ito ng pagkakataong na makilala siya bilang magsasakang boy-next-door.

“Masaya po ang buhay magsasaka, naging inspirasyon ko po ito para magsumikap sa buhay,” sabi ng binata.

“Hindi inaasahan dahil dito makikila din po ako bilang boy next door.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa pictorials, interviews sa online at radio shows, at upcoming appearances sa regional shows, naitampok na si Mark sa Rated Korina.

Sa isang regional radio program nitong March 9, naibahagi ni Mark ang kanyang simpleng pamumuhay.

“Nagpupunta lang po ako noon [sa bukid] para kumuha ng pagkain ng aking mga alagang rabbit, hanggang sa nagka-pandemya po.

“Kailangan ko pong tumulong sa bahay.

“Natuto po akong mag-abono para maka-extra at may maibigay sa aking ina po."

magsasaka boy next door

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Proud farmer din si Mark.

“Hindi ko po ikinakahiya na isa po akong magsasaka,” aniya.

“Sa totoo lang po, proud pa po ako dahil alam naman po natin na ang mga magsasaka ang nagbibigay ng masarap na pagkain sa hapag-kainan…”

Model student si Mark dahil nito lamang February, natanggap niya ang kanyang With Honors certificate sa Salud-San Eugenio National High School, kung saan niya nag-aaral.

May payo rin siya sa mga kabataan na gamiting mabuti ang kanilang panahon.

“Ang mapapayo ko lang sa mga kabataang katulad ko, wag puro party, wag puro games, wag puro papogi,” aniya sa Rated Korina.

“Ipakita natin ang kaya nating gawin dahil may kasabihan na kabataan ang pag-asa ng bayan.”

Aniya, kung walang pictorial, patuloy niyang gagawin ang pagtatrabaho sa bukid para makatulong pa rin sa pamilya.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagsasaka, nag-aabono, nagpapakain ng pato. Ilan ito sa mga ginagawa ni Mark Cyrelle Dela Vega bilang farm boy. Nakikilala siya ngayon bilang Magsasaka Boy Next Door at pinasok na rin ang pagmomodelo.
PHOTO/S: YouTube (Rated Korina) / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results