Pinay na tagapitas ng prutas sa Australia, umaabot sa PHP226K kada buwan ang kita

by Bernie V. Franco
Mar 30, 2022
pinay fruit picker
Mariel Larsen, 23, is a Filipina who has been a fruit picker in Australia for four years. Here is Mariel with her husband Davin while picking apples in a farm.
PHOTO/S: YouTube (Marielasin)

Sinong mag-aakalang puwedeng kumita ng halos PHP200,000 a month sa pagpipitas ng prutas?

Ito ang trabaho ng 23-year-old Pinay na si Mariel Larsen.

Apat na taon nang nakatira si Mariel sa Australia, kung saan nakapangasawa siya ng isang Australian na fruit picker doon.

Para matulungan ang mister, pinasok din ni Mariel ang pagiging fruit picker, at kumikita siya ngayon ng AU$3,000-AU$6,000 kada buwan, o ang katumbas ay PHP113,000-PHP226,000 per month.

“Nakapunta po ako dito sa Australia dahil nakapag-asawa po ako ng isang Australyano, so dinala niya po ako dito sa Australia,” kuwento ni Mariel sa interview ni Kara David para sa Brigada ng GMA News and Public Affairs nitong March 19, 2022.

Kuwento ni Mariel, hindi simple ang ginagawa nila dahil malalaking bin ang pinupuno nila ng prutas.

Ang bawat lalagyan, kailangang punuin ng 300-500 kilo ng prutas.

“By the end of the day, as in mararamdaman niyo po talaga yung sakit ng likod niyo, dahil nakatayo po kayo [buong araw] and then mabigat po yung bag.”

Continue reading below ↓

pinay fruit picker

Aniya, may mga suki silang mga farm na pinupuntahan taun-taon.

Lahad ni Mariel, “May routine na po kami every year. Meron po kaming farm na permanently na po talaga na pabalik-balik kami sa iba’t ibang prutas na tinatrabahuan po namin."

Dahil field work ang kanilang trabaho sa iba’t ibang lugar, nakatira ang pamilya ni Mariel sa isang camper van.

Continue reading below ↓

Sa ganitong paraan, convenient ang pagpunta nila sa iba’t ibang taniman ng prutas.

“At first, parang mahirap po siya,” aniya ukol sa pagtira sa camper van.

“At the same time, nae-enjoy ko po na nakakarating kami sa iba’t ibang lugar in Australia.

“And I really love na parang [family] adventure kasi may anak din kami. So na-e-enjoy ko na rin siya.”

pinay fruit picker

Continue reading below ↓

Ibinahagi rin ni Mariel na todo-kayod silang mag-asawa ngayon dahil gusto nilang makapagpatayo na ng sarili nilang bahay.

“We’re really working hard po talaga this time na makapagbahay kami in the next three years.

“Target po namin dahil mag-five years old na po yung anak namin.”

Ipinapasilip rin ni Mariel ang buhay niya bilang fruit picker sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel na Marielasin.

Inamin ni Mariel na may mga puna siyang natatanggap sa social media.

Pinagsasabihan daw siyang asikasuhin na lang ang pag-aalaga ng kanyang anak.

pinay fruit picker

Continue reading below ↓

Katwiran niya, “Sinasabi ko naman, hindi naman siya kailangan [trabaho], pero ako kasi, gusto ko talaga patunayan sa asawa ko na gusto ko talagang tumulong.”

Supportive naman daw ang kanyang mister dito.

“Yung asawa ko hindi naman po siya nag-i-stop sa akin. Whatever makes me happy daw, happy din po siya.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mariel Larsen, 23, is a Filipina who has been a fruit picker in Australia for four years. Here is Mariel with her husband Davin while picking apples in a farm.
PHOTO/S: YouTube (Marielasin)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results