Meet Rona Denque: Ang “mushroom queen” ng Bohol

by KC Cordero
Apr 2, 2022
Rona Denque with her mushroom produced.
Dahil sa interes ni Rona Denque sa mushroom, nakapag-produce, nakapag-process ng mga produkto, gaya ng chicharon, at nakapagpatayo siya ng restaurant na ang lahat ng nasa menu ay may mushroom.

Ang agripreneur na si Rona Denque ang itinuturing na “mushroom queen” ng Bohol.

Siya ang may-ari ng Green Thumb Farm na nasa bayan ng Corella sa nasabi ring lalawigan.

Tubong Tagum City, Davao, bata pa lang ay mahilig na sa pagtatanim si Rona.

Nagkaroon siya ng interes na magtanim ng mushroom at nanood siya ng tutorials sa YouTube kung paano ito mapalago.

Pero hindi naging successful ang mga una niyang tanim.

Rona Denque with her mushroom produced.

Continue reading below ↓

Nagdesisyon si Rona na mag-training tungkol sa pagtatanim nito sa Department of Agriculture-Central Visayas' Bohol-Agricultural Promotion Center (DA-7 B-APC).

Dito, mas lumawak ang kanyang kaalaman tungkol sa mushroom production.

A mushroom variety

Ang mushrooms ay mayaman sa protein, vitamins, minerals, fiber and antioxidants. Mababa naman ang calories at sodium nito, at fat-cholesterol-gluten free.

Continue reading below ↓

Sa panayam sa kanya ng DA-7 B-APC noong April 28, 2021, sinabi ni Rona na masalimuot ang mushroom production.

“Yung rice stalks or straws ay dapat na well-sterilized in a maintained medium fire sa loob ng ilang oras.

"The process is very tedious, much more when these straws are to be cooled down and filled into a fruiting bag for spawning and then placed in a dim area for them to germinate and grow."

Dahil sa tiyaga at suporta ng kanyang mister na si Jares, na-perfect niya ang production at pagku-culture ng mushrooms.

NAHIRAPANG I-MARKET ANG MUSHROOMS

Pagbabahagi ni Rona sa panayam sa kanya ni Jiggy Manicad sa Facebook Page nito na Agripreneur Live noong March 22, 2022, nagsimulang magpokus ang Green Thumb Farm sa mushroom production noong 2017.

“Sa umpisa, ang challenge namin is wala pa kaming market. Yun ang unang problema namin.

"So nag-production kami nang marami—mass production—pero wala kaming target market.

Continue reading below ↓

“Pero hindi kami nawalan ng lakas ng loob para ipagpatuloy yung mushroom venture.”

Sa kanilang unang taon, ang nakita nilang market ay mga household lang.

Aniya, “Yung mga kakilala lang namin. We tried to look for a bigger market.

“Kasi pag sinabi nating mushrooms, yung common consuming public hindi nila kilala yung mushrooms.”

Dumating din sa punto na naglilibot silang mag-asawa sa mga public market at inilalako ang kanilang produced. Hindi raw ito naging madali sa kanila.

Sabi ni Rona, “But sad to say, sinasabi ng mga tao doon sa palengke na nakakalason yung mushrooms namin. Ganoon ka-challenging yung pag-establish ng market during that time.”

Nagdesisyon daw sila na maghanap ng market na talagang nakakakilala ng mushrooms.

"Ini-introduce namin ang mushrooms namin sa mga chefs ng mga restaurants dito sa Bohol. Luckily, they found out na maganda yung products namin."

Ang problema ayon kay Rona, may peak season lang ang mga hotels para sa pagbili ng mushrooms.

Continue reading below ↓

"Kaya pag off season sila nang pagbili ng mushrooms, paano yung harvest namin?"

VALUE-ADDED PRODUCTS

Sa harap ng panibagong problema, isang solusyon ang naisip ni Rona.

“Doon na nagsimula yung pagba-value add namin ng product. We created the mushroom chicharon."

The added-value products from mushrooms

Sa simula ay wala pa siyang knowledge sa pagpoproseso ng mga produkto mula sa mushrooms.

Continue reading below ↓

Ang ginawa niya, nag-training siya sa mga ahensiya ng gobyerno na nag-o-offer ng pagsasanay para sa food processing technology.

"Nag-invest ako sa sarili ko na matuto. Talagang I grabbed the opportunity na mag-training."

Nang matuto, bukod sa mushroom chicharon ay nagsimula na silang magproseso ng mga produktong mula sa mushrooms, gaya ng mushroom burgers, tocino, siomai at iba pa. Noong una ay basic lang ang ginagamit nilang packaging.

Hindi naman nagtagal at na-improve din nila ang packaging.

Pagmamalaki ni Rona, "Ngayon, pang-export na ang dating ng packaging namin."

HINDI NATULOY MAG-EXPORT DAHIL SA PANDEMYA

Ngunit noong 2020 kung kailan plano na sana nilang mag-export ng kanilang mga produkto, pumutok naman ang pandemya kaya hindi natuloy.

Ani Rona, "Sabi ko, mukhang hindi pa time na mag-export. Sabihin na lang nating wrong timing."

Ang kanilang naging next move, nag-open sila ng al fresco restaurant sa loob mismo ng Green Thumb Farm.

The al fresco restaurant

Continue reading below ↓

Paliwanag niya, "Dahil ang mga tao ay laging nasa bahay dahil sa lockdown, we open our farm sa kanila.

"Na-appreciate nila yung farm at na-enjoy nila yung green na paligid, yung natural air. Plus yung mga offer namin na food."

Lahat nang nasa menu nila—from soup hanggang sa main course—ay may sangkap na mushrooms.

Mushroom in every menu

Continue reading below ↓

Nag-o-offer din sila ng “farm to table” concept kung saan ang mga customer mismo ang pipili ng mga nakatanim pang gulay at mushrooms na lulutuin.

Natutuwa naman si Rona na unti-unti nang nagbubukas ang turismo sa Bohol.

“Yung Green Thumb Farm at al fresco restaurant namin, accredited ng Department of Tourism dito para sa farm tourism. Kasama kami sa mga lugar na puwedeng puntahan ng mga turista.”

Hindi na rin nila problema ngayon ang pagma-market ng kanilang mushrooms.

“Ngayong 2022, nag-focus na kami dito sa Bohol. Since nag-open kami ng al fresco resto, lahat nang production namin ay for our own consumption na dito sa restaurant.”

Ipinapanalangin ni Rona na magbalik na sa normal ang lahat at mas lalong sumigla ang turismo sa Bohol.

Payo naman niya sa mga gustong magnegosyo, “When you start on something, never quit as this will be the secret to success.

“At mamuhunan din kayo sa training. Ako, ginastusan ko talaga ang training ko noon para matutunan ko ang negosyo ko.”

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil sa interes ni Rona Denque sa mushroom, nakapag-produce, nakapag-process ng mga produkto, gaya ng chicharon, at nakapagpatayo siya ng restaurant na ang lahat ng nasa menu ay may mushroom.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results