Watch Now

Ribbon business is thriving, thanks to Ai-Ai delas Alas and campaign supporters!

by Cabinet Files
Apr 11, 2022
Leni-Kiko ribbons and BBM crown by Scarlett Paris House of Bows
Ilan lang sa mga nagawa ni Normaine Legaspi, ang one-woman team sa likod ng Scarlett Paris House of Bows: Kiko-Leni pink ribbons at BBM crown, na ipinagawa ni Ai-Ai delas Alas.
PHOTO/S: Scarlett Paris House of Bows on Facebook

May pera sa ribbons!

Ang hobby ni Normaine Legaspi ay isa nang thriving online business na Scarlett Paris House of Bows.

Isinilang ito noong 2020, ang unang taon ng coronavirus pandemic, matapos niyang lisanin ang kanyang corporate job bilang supervisor ng isang five-star hotel.

Halos kasabay nito ang pagsilang sa anak niyang si Scarlett Paris, na two years old and seven months na ngayon.

Nung simula, nag-resign si Normaine sa sa trabaho dahil gusto niyang mag-focus sa pag-aalaga sa anak. Side hustle niya ang ribbon business.

Subalit dahil one-woman team siya at dagsa ang orders, naging abala siyang muli.

It will take her five minutes to make a simple ribbon.

Scarlett Paris House of Bows

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At wala pang isang oras ang paglikha ng crown.

Scarlett Paris House of Bows crowns

Binibili ni Normaine sa Amerika at Italy ang mga materyales at machine na kanyang ginagamit.

Nadagdagan rin ang product line ng kanyang ribbon business.

Mula sa paggawa ng head bows, sinubukan rin ni Normaine na gumawa ng mga key chains, wallets, coin purse, at children’s bags.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Scarlett Paris House of Bows bags

At malaking bagay na pinapayagan na ang mga gatherings dahil lumobo ang orders para sa mga birthday, baptismal, at wedding souvenirs.

Siguro mahigit 5,000 ribbons na ang kanyang nalikha, bukod pa rito ang mga crowns at iba pa niyang items.

NOTICED BY CELEBRITIES AND POLITICIANS

Ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas ang isa sa mga nakapansin sa mga head bows na ginagawa ni Normaine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ginamit niya ang mga ito sa kanyang mga eksena sa Owe My Love, ang defunct drama romantic comedy series ng GMA-7.

At nang sabihin kay Ai-Ai ng GMA-7 na siya ang magbibida sa upcoming drama series na Raising Mamay, nakipag-ugnayan ulit ang aktres kay Normaine at nagpagawa ng mga head bows na gagamitin para sa lock-in taping niya sa Orani, Bataan.

Ai-Ai delas Alas crown

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, hindi lang artista ang nakapansin sa mga hair accessories ng 37-year-old mom.

Nang magsimula ang panahon ng pangangampanya para sa eleksiyon sa May 9, 2022, nakatanggap si Legaspi ng mga orders mula sa campaign supporters.

Pahayag ni Normaine sa Cabinet Files ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Pinakamarami ang nagpapagawa ng pink ribbons para sa Leni-Kiko campaign.

“Nagpapagawa rin ng mga souvenir at giveaways ang supporters ng ibang presidential aspirants, pero mas agresibo at aktibo ang mga Kakampinks.

"As in, hundreds talaga ang mga order nila na pink ribbons.”

Narito ang "collectibles" na ipinagawa ng supporters ng Leni Robredo-Kiko Pangilinan tandem.

May alcohol holder, cosmetic pouch, at eyeglass case.

Scarlett Paris House of Bows

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga orders ding key chains para sa BBM-Sarah tandem.

Scarlett Paris House of Bows key chains

Dahil tuloy pa rin ang pandemic, marami ring nag-o-order ng face mask pouch, elastic, extender, at ear saver.

Hindi sukat akalain ni Normaine na lalaki ang kanyang business, na ngayon ay tumatanggap na rin ng orders from Europe, Middle East, at Indonesia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa na rin siyang "Preferred Seller" sa isang online shopping platform dahil sa outstanding sales ng kanyang mga items.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ilan lang sa mga nagawa ni Normaine Legaspi, ang one-woman team sa likod ng Scarlett Paris House of Bows: Kiko-Leni pink ribbons at BBM crown, na ipinagawa ni Ai-Ai delas Alas.
PHOTO/S: Scarlett Paris House of Bows on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results