Watch Now

Viral Keanu Reeves look-alike selling mini flower bouquets is a pilot

by Bernie V. Franco
Apr 12, 2022
keanu reeves lookalike
In February 2022, photos of a guy selling mini flower bouquets went viral. His name is Martin Jay dela Cerna, and he is also a pilot. (Center) Martin and wife Celeste, who used to be a flight attendant.
PHOTO/S: Facebook (Kelvinmarkulit)/ Martin Jay dela Cerna

Naging viral noong February 2022 ang mga litrato at video ng isang Keanu Reeves look-alike na nagbebenta ng mini flower bouquets.

Ang post ay mula sa feed ng freelance photographer na si Mark Kelvin Aliliran, at umani na ito ng 9 million views.

Meet Martin Jay “MJ” dela Cerna.

Mas humanga ang mga netizens nang nadiskubreng ang ibinibenta niyang mini flower bouquets ay negosyo ng misis niyang si Celeste dela Cerna, dating flight attendant.

At si MJ ay isa palang piloto.

love in the skies

Ang inspirasyon ni MJ para magbenta ay ang kanyang misis.

Ang kuwento ng pag-ibig nina MJ at Celeste ay kasing-colorful ng ibinebenta nilang mga bulaklak.

Nagkakilala sila sa trabaho. Piloto si MJ at flight attendant si Celeste sa Philippine Airlines (PAL).

Hirit ni MJ, “love in the skies” nga niyang matatawag ang love story nila ni Celeste.

keanu reeves lookalike

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pareho kaming nag-work sa Philippine Airlines before, and that’s where we met. Nagkalipad kami once or twice and then yun po...” kuwento ni MJ sa 98.4 Love FM Teleradyo noong March 3, 2022.

Pero lumipat ng ibang airline si MJ kaya nagdesisyon si Celeste na tuluyan nang mag-resign sa PAL.

“Nag-resign ako when he transferred to a different airline, kasi hindi na kami nagkikita 'tapos we have to compromise,” ani Celeste.

Patuloy pa rin sa pagiging piloto si MJ. May dalawa na silang anak na lalaki ni Celeste.

“I worked with airlines for 25 years now and counting,” sabi ni MJ.

“Fifteen years po akong nagtrabaho sa China. I worked with China Eastern Airlines, China Cargo Airlines for fifteen years.

“So 2006, nasa China na po ako. Before that, I was with Philippine Airlines.”

Samantala, nag-update si Celeste sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) na si MJ ay “in the process of returning to Shanghai, China where he works.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

keanu reeves lookalike

AFFORDABLE FLOWER BOUQUETS

Si Celeste ang nakaisip ng kanilang business na tinawag nilang Le Petite Bouquet Manille.

Ang layon daw nila ay makapag-provide ng affordable flower bouquets sa lahat.

“We came up with the price of PHP199 sana, but to make it more affordable to everybody, we lowered it down to PHP150,” paliwanag ng piloto sa February 18, 2022 episode ng Dapat Alam Mo!.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dugtong ni MJ, “My wife is the one selecting all the flowers and the designs.

“It’s just me, my wife, saka yung aming trusted helper and our kids. In fact, yung anak ko yung nag-design ng paper cone.”

Dagdag ni Celeste, “Masaya kasi team work. ‘Tapos kaming dalawa magkasundo kasi from the start.

“Magkasama kami sa work and then kailangan naming maghiwalay because he went to a different country.

"‘Tapos ngayon magkasama kami ulit, so [we] make the most out if it.”

keanu reeves lookalike

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hiningan ng PEP.ph si Celeste ng update ukol sa kanilang mini-bouquet flower business.

Aniya, "We’re still a small online home-based business.

"Planning to scale up but still studying the flower business as we go along.

"Mahirap din po kasi kapag perishable ang product."

Nakatulong din ang viral photos at videos ni MJ. Pagkatapos kasi noon, dumagsa ang inquiries at orders.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In February 2022, photos of a guy selling mini flower bouquets went viral. His name is Martin Jay dela Cerna, and he is also a pilot. (Center) Martin and wife Celeste, who used to be a flight attendant.
PHOTO/S: Facebook (Kelvinmarkulit)/ Martin Jay dela Cerna
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results