Watch Now

Gerald Anderson gifts P.A. with motorcycle worth PHP113K

by Bernie V. Franco
Apr 18, 2022
jalal laidan
Kapamilya actor Gerald Anderson gifts his personal assistant Jalal Laidan with his dream motorcycle worth more than PHP100,000.
PHOTO/S: @jalalanakngsultan, @andersongeraldjr on Instagram

Niregaluhan ni Gerald Anderson ang kanyang long-time personal assistant (P.A.) na si Jalal Laidan ng pinapangarap nitong motorsiko.

Galante ang aktor dahil ang ibinigay niyang birthday gift ay Yamaha Aerox 155, na nagkakahalaga ng PHP112,900, ayon sa website ng kilalang motorcycle dealer.

Ipinost sa Instagram ni Gerald ang video ng pagsorpresa niya sa kanyang P.A.

“Birthday ni Anak ng Sultan na si Jalal,” ani Gerald sa kanyang P.A.

“’Tapos ngayon, su-surprise na natin siya with a motorcycle. Matagal na niyang pangarap iyan so pagbibigyan naman natin siya.”

Mula sa loob ng bahay, lumabas sa gate si Jalal at tumambad sa kanya ang motorsiklo na sinasakyan ni Gerald.

Biglang kumanta si Gerald ng “Happy birthday” at nagsunuran ang kanyang mga kasamahan.

Wala namang pagsidlan ng tuwa ni Jalal at walang tigil sa pagyakap kay Gerald.

“Thank you, Ge, thank you. Thank you, brother,” maririnig si Jalal.

“Bro, naka-motor na ako!” sabi ni Jalal sa iba pang mga kasamahan na saksi sa pangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

gerald anderson

gerald anderson

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Walang tigil sa pagyakap si Jalal Laidan sa boss niyang si Gerald Anderson nang niregaluhan siya ng isang bagong motor.

Bumaha rin ng pagbati kay Gerald at kay Jalal ang ibang celebrities sa comments section.

Madalas pagtripan ni Gerald ang kanyang P.A. na madalas rin niyang nahuhuling natutulog, kaya't kinukunan siya ng video ni Gerald at pagkatapos ay ipo-post sa kanyang Instagram account.

Dahil dito ay nakilala ng netizens si Jalal, Anak ng Sultan.

Ipinost din ni Jalal ang larawan niya sakay ng kanyang bagong motor.

Ang caption niya ay: "Marami salamat sa lahat po! Dream come true! thank you so much my boss my brother! @andersongeraldjr

FROM TAMBAY TO CELEBRITY P.A.

Sa isang episode ng Magandang Buhay noong March 2019, na-interview si Jalal.

Inusisa siya noon kung paano nabago ang kanyang buhay nang maging P.A. ng Kapamilya actor.

“Malaking tulong po kasi ano, e, lagi akong sumasama sa kanya. Dati po ako ano, e, tambay-tambay lang,” ani Jalal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, dahil sa kanyang pagiging P.A. ay nakatulong siya sa kanyang pamilyang nasa Marawi.

Sinang-ayunan niya ang tanong ng hosts na sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros kung gumanda ba ang kanyang buhay dahil sa aktor.

“Opo, mas maganda po. Mas exciting po,” aniya.

jalal laidan

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya actor Gerald Anderson gifts his personal assistant Jalal Laidan with his dream motorcycle worth more than PHP100,000.
PHOTO/S: @jalalanakngsultan, @andersongeraldjr on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results