Watch Now

Sari-sari store ni volleyball star Deanna Wong, nag-trending!

by KC Cordero
May 2, 2022
Deanna Wong and her two co-players inside their store.
Nagkomento ang netizens na ang gaganda naman ng mga tindera sa bagong bukas na sari-sari store ni Deanne Wong. Nagpa-picture sa tindahan ang kanyang kapwa volleyball players na sina Regine Arocha at Caitlin Viray.

Sobrang busy ngayon ng Cebuana volleyball superstar na si Deanna Wong.

Madalas mag-post ang kanyang inang si Judin Alvizo-Wong ng updates tungkol sa mga invitations at endorsements ng dalaga.

At nitong May 1, 2022, pati ang Ben&Ben official Facebook page ay nag-post din na na-meet nila si Deanna.

Ang caption: “So, ilang mga updates, beh. Nasa Bohol kami for a show. See you tonight!

“Nakita namin si Deanna Wong dito. Nagpa-picture kami sa kanya.

“Tugtugin namin live mamaya for the first time yung ‘Paninindigan Kita’. Post namin dito agad.”

Deanna Wong with Ben&Ben

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Todo react tuloy ang mga fans ni Deanna at ng Ben&Ben na tuwang-tuwa na nagkasama sa isang picture ang kanilang mga idols.

Netizens react to the photo of Deanna Wong with Ben&Ben

Pero sa kabila ng pagiging busy, happy si Deanna sa aniya ay isa pang “blessing” na kanyang natanggap.

Noong April 11 ay nag-post siya sa kanyang Facebook ng mga photos ng kanilang bagong family business.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang kanyang caption: “Another blessing opened up last Friday. Welcome to our little business!

“Not only does our sari-sari store have what you want, it also comes with a hardware store next door.

“An all-around place with your every need!”

Deanna Wong's Facebook post about their new store

Kung pagbabatayan ang kanyang post, nag-open ang kanilang sari-sari store noong April 8.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Agad itong nag-trending at umani ng 165K reactions, 13K comments, at 10K shares.

Karamihan sa comments ay kino-congratulate si "Boss D," tawag ng fans sa dalaga.

May mga nagsabi pa sasadyain nila sa Minglanilla, Cebu ang tindahan.

Netizens' comments on Deanna Wong's post

Netizens' comments on Deanna Wong's post

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-post din ng pictures ng tindahan ang kanyang ina noong April 20.

Ang mga bantay ay mga teammates ni Deanna sa Choco Mucho na sina Regine Arocha (nasa kaliwa sa larawan) at Caitlin Viray.

Ang caption sa post: “Salamat sa amung mga gwapang bisita sa Sachi Store. Welcome to Minglanilla, Cebu, Regine Arocha & Caitlin Viray.”

“Sachi” ang nickname ni Deanna.

Regine Arocha and Caitlin Viray inside the store

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natuwa naman ang mga fans ni Deanna na makita siya at ang mga kapwa players sa kanyang tindahan.

Netizens' comments on Judin Wong's post

Marami rin ang nag-wish na maging successful ang kanilang family venture.

Nakabakasyon sa Cebu si Deanna simula nang matapos ang 2022 PVL Open Conference last March.

Deanna Wong attending an event

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Medyo apektado ang privacy ng kanyang pamilya dahil laging dinudumog ng fans ang kanilang bahay at tindahan.

Pero mukhang chill lang naman si Deanna at magiliw na hinaharap ang mga fans.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagkomento ang netizens na ang gaganda naman ng mga tindera sa bagong bukas na sari-sari store ni Deanne Wong. Nagpa-picture sa tindahan ang kanyang kapwa volleyball players na sina Regine Arocha at Caitlin Viray.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results