Jak Roberto reveals the "Judith" he and sister Sanya Lopez usually talk about

by Rommel Gonzales
May 29, 2022
Jak Roberto and sister Sanya Lopez
Jak Roberto calls sister Sanya Lopez as "bida-bida." He also reveals the "Judith" they often talk about.
PHOTO/S: @jakroberto on Instagram

Ano ang iyong buong pangalan?

Ito ang isa sa 15 questions na itinanong sa "Kapuso Kuwentuhan Live with Jak Roberto" noong May 26, 2022.

Sagot ni Jak, “Ang full name ko po ay, for sure narinig niyo na iyan e, pag tinatawag ako ni Madam, pagka galit na siya, Jan Rommel Roberto.”

Ang girlfriend ni Jak na si Barbie Forteza ay tinutukoy niyang "Madam."

Dugtong ng 28-year-old actor, “So iyan talaga yung real name ko, guys. Yung Jak Roberto ko, screen name ko yung Jak, pero yung Roberto iyon talaga yung apelyido namin ni Sanya.

"Si Sanya, yung buong pangalan niya, screen name yun,” pagtukoy naman ni Jak sa nakababata niyang kapatid na dalaga, ang First Lady female lead na si Sanya Lopez.

Ikinuwento pa ni Jak kung bakit ginamit niya ang kanyang totoong pangalan, samantalang si Sanya ay gumamit ng screen name.

“So ang story behind nun, dati kasi nag-start pa lang kami sa Walang Tulugan, ayaw naming ipaalam sa tao na magkapatid kami.

Continue reading below ↓

"Kasi sa showbiz, parang meron daw na kasabihan na kapag magkapatid nagkakahilahan daw, e. Yung isa sumisikat, yung isa naiiwan. Parang ganun-ganun.

"So nag-decide kami, yung management namin, yung manager namin na ibahin yung pangalan ni Sanya, yung buong pangalan para hindi malaman ng tao na magkapatid kami.

“Ayun. So far okay naman. Maganda naman yung takbo ng career naming pareho ni Sanya. Naniniwala ako naging effective naman, di ba?”

JAK CALLS SISTER SANYA "BIDA-BIDA"

Tinanong din ng fans si Jak kung kumusta si Sanya bilang kapatid.

“Ayun, bida-bida,” at tumawa si Jak.

“Bida-bida minsan. Kaya ko siya tinutuksong bida-bida kasi hindi nagpapatalo yun pagka kami nagkukuwentuhan. ‘Hindi kuya, ganito-ganyan!’

“'Tapos laging merong ano, may binibida tungkol sa kanya,” at natawang muli si Jak. “Mga gadgets niya o kung ano yung mga bagong discovery na matagal ko namang alam na, ikinukuwento pa.

"Kaya pagka kinuwento sa akin, ‘Ah, bida-bida! Dati ganito lang, dati ganyan lang.’

Continue reading below ↓

“Inaasar ko siya ng ganun."

WHO IS JUDITH?

Pero nasa punto na rin daw sila na nag-iba na ang kanilang mga priorities.

Ani Jak, "...yung relationship namin sa bahay, in fairness, parehas kaming naging matured na.

"Dati kumbaga pinag-uusapan lang namin yung mga gusto namin na gadget, mga gusto naming bilhin, mga luho."

Napag-uusapan na rin daw nila si Judith.

“Ngayon we’re ano na, more on kuryente, tubig, mga groceries, mga babayarin sa bahay, mga due date, mga 'Judith' iyan, ganun na yung usap namin.

“Kung mag-usap na rin kami kung paano namin isu-sustain yung kung ano yung meron kami ngayon, paano magiging stable, ano pa yung mga dapat i-improve, ano pa yung mga dapat gawin.

“So ganun na kaming mag-usap, very ano na, adulting,” at tumawa si Jak.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jak Roberto calls sister Sanya Lopez as "bida-bida." He also reveals the "Judith" they often talk about.
PHOTO/S: @jakroberto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results