Bibili ka ba? Relong nagkakahalaga ng PHP1 million-PHP50 million, magandang investment

May 31, 2022
rolex
Bakit magandang investment ang luxury watches? Paglipas kasi ng mga taon, tumataas ang value nito, ayon sa businesswoman na si Maritess Rodriguez. (Inset) Julius Babao, habang ini-interview ang businesswoman na si Maritess "Tet" Rodriguez tungkol sa mga mamahaling luxury watches.
PHOTO/S: YouTube (Julius Babao UNPLUGGED)

Nagtaasan ang presyo recently ng mga bilihin bunsod ng current global issues, gaya ng pandemya, giyera, at oil-price hike.

Pero maging ang luxury items ay nagmahal din these past few years.

Kabilang na rito ang luxury watches, na tinalakay ng news anchor na si Julius Babao sa kanyang April 28, 2022 vlog.

Nag-triple ang halaga ng mga luxury watches na ito in the past five to six years.

Ang range ng price watches: PHP1 million to PHP50 million.

READ ALSO:

Kung tutuusin sa presyong ito ay maaari nang makapagpagawa ng magagandang bahay, bumili ng magagarang sasakyan, at magtayo ng negosyo.

Pero ang luxury watch ay magandang investment, katwiran ng businesswoman na si Marites “Tet” Rodriguez, founder at owner ng Exquisite Manila, isang one-stop luxury shop sa Century Mall sa Makati City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang shop ay nagbebenta ng timepieces, jewelry, accessories, shoes, at iba pang luxury items.

Tinalakay sa vlog ni Julius ang Rolex designs na ang halaga ngayon ay mula PHP900,000 to PHP1.5 million.

Kabilang dito ang mga Rolex Pepsi GMT-Master II at Rolex Submariner.

Ang Rolex Pepsi GMT-Master II ay nagkakahalaga ng PHP800,000 before pandemic, pero nagkakahalaga na ito ngayon ng PHP1.5 million hanggang PHP1.6 million.

rolex

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang PEP GMT-Master II na ngayon ay umabot na sa PHP1.5 million-PHP1.6 million.

Paliwanag ni Tet, mabilis na umakyat ang presyo ng Rolex watches these past few years, lalo na sa pagsiklab ng giyera sa Russia at Ukraine.

Ibinahagi ni Julius na around 20 years ago ay nakabili siya ng Rolex watch sa halagang PHP130,000, na ang price ngayon ay PHP 1 million pataas.

Ang ilang Daytona line ng Rolex, katulad ng Sky Dweller, Panda Ceramic ay nagkakahalaga ng PHP2 million pataas.

Nagbigay ng halimbawa si Tet kung gaano kalaki ang pagtaas ng presyo ng Rolex models.

Isa na rito ang Rolex John Mayer, na ipinangalan sa American singer.

Ani Tet, “Dati kasi walang pumapansin diyan sa John Mayer na iyan, pero nung pinost ni John Mayer, everybody started to like it.

“I sold one of these five-six years ago PHP1.6M lang, now PHP7-8 million.

“Iyan yung pinakamataas na umakyat in the series of mga Daytona models, because of John Mayer.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

rolex

Ang Rolex John Mayer watch na ang price ngayon ay mula PHP7M-PHP8M

Giit ni Tet, may mga kliyente siyang napagtanto na magandang investment talaga ang branded timepieces.

May mga early collectors kasi na nabili ang kanilang mga relo sa mababang halaga, pero umakyat na ang value ng mga ito makalipas lang ang ilang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Tet, “Yung mga dating bumili, inalam ang prices at na-realize na mas marami pa silang kinita compared sa [savings] sa bangko.”

Paliwanag ng businesswoman, “It doesn’t really go down. Rolex just keeps on going up.

“Yung SRP [suggested retail price] nila will never go down. As time goes by, after five years, 10 years, tataas ang value. It’s for keeps. I highly recommend it.”

Nasa PHP10 million naman ang presyo ng Rolex Daytona Rose Gold Meteorite dahil ang dials nito ay naglalaman mismo ng meteorite from outer space.

Ang presyo nito limang taon ang nakalilipas ay PHP3 million lamang.

Rolex

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Rolex Meteorite na nagkakahalaga ng PHP10 million

Ang brand naman ang Audemars Piguet na 15500 automatic ay PHP6 million na ang SRP na last year ay nasa PHP2 million lamang.

Pinakamababa naman daw ang PHP8 million sa brand na Patek Philippine watches.

Rolex

Ang Rolex Ice Blue Daytona at Patek Philippine Nautilus na parehong nasa PHP10 million pataas ang presyo bawat isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lumalabas naman na pinakamahal ang brand na Richard Mille timepieces na mas “trendy” pagdating sa designs.

Ang price range nito ay PHP13-14 million na sinusuot ng mga sikat na American rappers, gaya nina JayZ, Drake, Post Malone, at Kanye West.

May mga Richard Mille watches din na ranging from PHP20 million hanggang PHP50 million.

Pero aminado si Tet na mahirap ibenta ang ganito sa Philippine market kaya’t rare ang ganitong designs sa bansa.

Ang “mechanism,” ang “craftsmanship,” “unique,” at pagiging “rare” umano ng designs ng Richard Mille ang dahilan kung bakit ito mahal, ani Tet.

Richard Mille

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang isang design ng Richard Mille watch na "trendy" ang design. Nagkakahalaga ito ng PHP13 million pataas. Meron din itong variety na umaabot ng hanggang PHP50 million.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bakit magandang investment ang luxury watches? Paglipas kasi ng mga taon, tumataas ang value nito, ayon sa businesswoman na si Maritess Rodriguez. (Inset) Julius Babao, habang ini-interview ang businesswoman na si Maritess "Tet" Rodriguez tungkol sa mga mamahaling luxury watches.
PHOTO/S: YouTube (Julius Babao UNPLUGGED)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results