Meet Sebastian Eviota, Pinoy na member ng elite Swiss Guard na nagpoprotekta sa Pope

by Bernie V. Franco
5 days ago
swiss guards
Kilalanin ang kauna-unahang full-blooded Filipino member ng elite Swiss Guard na si Sebastian Esai Eco Eviota, 23 (2nd from right and inset). Si Sebastian ay isinilang sa Davao City noong 1998, pero nagtungo ang pamilya sa Switzerland noong 2009.
PHOTO/S: Facebook

Kabilang ang isang Pinoy sa mga pumoprotekta sa Santo Papa.

Si Second Lieutenant Sebastian Esai Eco Eviota, 23, ay miyembro ng Pontifical Swiss Guard, ang 516-year-old armed force ang Vatican.

Si Baste ang pangalawang may dugong Pinoy na naging bahagi ng Pontifical Swiss Guard, pero siya ang pinaka-una na purong Pinoy.

Noong October 2020, naging Swiss Guard ang Swiss-Filipino na si Vincent Lüthi, na Swiss ang ama at Cebuana ang nanay.

Ang Pontifical Swiss Guard (tinatawag ding Papal Swiss Guard o Swiss Guard) ay isang minor armed force at honour guard unit. Ito ay isa sa mga pinakamatandang military units sa mundo.

Ayon sa ulat ng www.mindanews.com, si Sebastian ay isinilang sa Davao City noong 1998.

Ang ina ni Sebastian ay si Editha Eco ng Agusan del Sur, na pumanaw noong one year old pa lamang si Sebastian.

Noong 2009, nagpasya ang pamilya ni Sebastian na lumipad sa Switzerland at doon na manirahan.

Continue reading below ↓

Kasama ni Sebastian sa Switzerland ang amang si Diomedes Eviota Jr. na taga-Surigao at kapatid na si Sophia, isang sous chef.

Nakapag-asawa muli si Diomedes.

Samantala, lolo ni Sebastian si retired Regional Trial Court Judge Diomedes Eviota Sr. ng Surigao City.

Naging miyembro ng Swiss Guard si Sebastian noong January 17, 2022, matapos niyang makumpleto ang two-month training sa Vatican.

Continue reading below ↓

Subalit ipinagpaliban ng pamilya ang public announcement nito dahil sa pagpanaw ng lolong si Diomedes.

THE ELITE PAPAL SWISS GUARD

Itinatag ang Swiss Armed Force noong 1506 sa ilalim ni Pope Julius II.

Pinangangasiwaan ito ng Holy See (universal Catholic church government) para mapangalagaan ang papa, ang apostolic palace at properties, at entrance sa Vatican City.

Tinatayang may 135 members ito.

Bahagi ng training ng Swiss Guard ang VIP protection, lethal at less-than-lethal weapons employment, surveillance, crowd control, at iba pang tactics pagdating sa security.

Ang requirement naman para maging Swiss Guard ay edad 18-30 years old, walang asawa, at nakumpleto ang basic training sa Swiss Armed Force.

Napanatili rin ang traditional uniform ng Swiss Guards na ang disensyo ay panahon pa ng Renaissance, at may apat na kulay: blue, red, orange at yellow

Bagamat gamit pa rin nila ang traditional weapon na halberd, mayroon din silang modern firearms.

Mas pinaigting ang Pontifical Swiss Guard kasunod ng assassination attempt kay Pope John Paul II noong 1981.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kilalanin ang kauna-unahang full-blooded Filipino member ng elite Swiss Guard na si Sebastian Esai Eco Eviota, 23 (2nd from right and inset). Si Sebastian ay isinilang sa Davao City noong 1998, pero nagtungo ang pamilya sa Switzerland noong 2009.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results