Wife copes with husband’s sudden death by revisiting their favorite restaurants 

by Mavell Macaranas-Dojillo
Aug 8, 2022
family
(Left photo) Ana Sta. Ana and her husband Louie together with their three kids. On June 9, 2022, Louise passed away due to heart attack. (Right photo) Ana with her kids recently visited the same place but without her husband this time.
PHOTO/S: Facebook (Ana Sta Ana)

Kakaiba ang naisip na paraan ni Ana Sta. Ana sa pagmo-move on sa biglaang pagkamatay ng kanyang kabiyak na si Louie Sta. Ana.

Ito ay ang balikan ang kanilang mga paboritong kainan at orderin ang mga pagkaing naging bahagi ng kanilang masayang lumipas.

Halos dalawang buwan na ang nakakaraan nang pumanaw si Louie sanhi ng atake sa puso noong June 9, 2022. Naulila niya ang kanyang asawa at tatlong maliliit pang mga anak.

Read also: Itinakdang araw ng wedding, naging araw ng libing ng groom

Forever food buddies

Unang nakapukaw ng pansin mula sa mga netizens si Ana nang mag-post siya sa isang Facebook group ukol sa kanyang pagbisita sa UP Diliman para sa isang food trip.

Mag-isa si Ana na binili at kinain ang mga paborito ng kanyang yumaong asawa tulad ng isaw, tapsilog, burger, at milk tea.

Post niya, “I was feeling extra sad today so I went to our favorite go-to place, UP Diliman. I ordered all his favorites and eat it inside the car.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“His passing was so sudden [at] hindi ko naprepare yung sarili ko. Although we have so many memories together, pero it gives me joy na balikan ung mga usual na pinipuntahan namin.”

burger

Ipinost ni Ana Sta Ana nang bumili siya ng mga paborito nilang pagkain ng yumaong mag-asawa at kumain siyang mag-isa. Food trip kasi ang favorite bonding nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Base sa mga public post ni Ana sa kanyang personal Facebook account, lalo na nitong mga panahong wala na ang kanyang asawa, food trip ang favorite bonding activity nila.

Kung kaya’t kapag nami-miss niya si Louie, naiisipan ni Ana na magpunta sa mga paborito nilang puntahan na mga restaurants.

Paliwanag niya ng makapanayam siya ng PEP.ph nito lamang Friday, August 5, “I'm going back to places we used to go to kasi feeling ko nandun din siya.”

A love that happened at the right time

Magkaklase simula kindergarten sina Ana at Louie at nagkahiwalay lamang pagtuntong ng college.

Ngunit hindi sila ang naging magkaibigan kundi ang kanilang mga mommy.

Nang magkita silang muli noong 2013 ay saka pa lamang umusbong ang magandang pagtitinginan ng dalawa.

Saad ni Ana, “Naniniwala ako na what's meant for you will always find a way to get to you. And that's what happened to us. We got married in 2016. We have 3 beautiful kids.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya’t ganun na lamang ang kanyang pagkabigla at panghihinayang nang pumanaw si Louie sa edad na 40, lalo at nasa height ito ng kanyang career.

“He's an engineer working for Maynilad. He's supposed to be promoted again to senior manager this year pero hindi na niya nahintay.”

No goodbyes, no signs

Walang kahit na anong senyales ang pamamaalam ni Louie nung June 9.

Kuwento ni Ana, “Actually for some reason that day nag-leave siya sa work, which hindi niya ginagawa kasi sobrang busy niya.

“Pinaayos niya yung car ko, then, nag-lunch pa kami. [Nagla] laro lang siya ng computer game until 7pm.

"Sabi niya ni-acid reflux daw siya pero biglang nahirapan huminga at nagpadala sa hospital.

“It's so painful. It's like half of me died when he died.”

food trip

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang pumunta at kumain si Ana at asawa niya sa UP Diliman noong Mayo.

Nabigla man, pinipilit ni Ana magpakatatag para sa kanyang mga anak. At aminado siyang hindi ito madali.

Kaya’t naisipan niyang bumalik sa mga paborito nilang puntahan sa tuwing malungkot niyang naaalala ang kanyang asawa.

Moving forward

Sa August 25, ise-celebrate nila ng kanyang pamilya ang kaarawan ni Louie at plano ni Ana na katulad ng nasimulan ay balikan ang isang kainan kung saan huli silang nagkasalu-salo.

Nanghihinayang man sa marami pa sanang masasayang sandali kapiling ang asawa, matapang niyang hinaharap ang bawat araw, living with the truth that he is gone forever.

Nito lamang July 23 ay nag-post si Ana ng madamdaming mensahe para sa kanyang sarili ukol sa paghilom:

“Dear self,

"I want to hug you for hanging in there. Thank you for choosing the bright side even though your place is so gloomy for the past month. Thank you for choosing to heal everyday rather than stay in pain. You never cease to amaze me. Good job in trying to be a better version of yourself. I’m so proud of you — self.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mahirap ngunit matatag na hinaharap ni Ana ang biglaang pagkawala ng kanyang asawa.

Nawa'y makatulong sa mga taong nangungulila sa yumaong mahal sa buhay ang kanyang kuwento.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left photo) Ana Sta. Ana and her husband Louie together with their three kids. On June 9, 2022, Louise passed away due to heart attack. (Right photo) Ana with her kids recently visited the same place but without her husband this time.
PHOTO/S: Facebook (Ana Sta Ana)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results