Pamilya ng OFWs nakapagpatayo ng unique coffee shop sa Pangasinan

by KC Cordero
Aug 10, 2022
Entrance of Daang Katutubo Coffee Shop
Taong 2021 sinimulan ng Pamilya Cortez ang Daang Katutubo Coffee Shop sa Pangasinan, pero dinarayo na ito ngayon ng mga turista. Tampok dito ang kape at mga pagkain na produced sa kanilang farm.

Fifteen years na naging military nurse si Junely Cortez bago siya nagdesisyon na manatili na sa Pilipinas at magnegosyo.

Ang kanyang pamilya ang may-ari ng sikat na Daang Katutubo Coffee Shop, na matatagpuan sa Sitio Mapita, Barangay Laoag, Aguilar, Pangasinan.

Native hut

Nakapanayam si Junely ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong August 9, 2022 sa pamamagitan ng Facebook Messenger.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento niya, gaya niya ay parehong overseas Filipino workers ang kanyang parents. Sa Qatar din ang mga ito nagtrabaho.

Isang nurse ang kanyang ina at architect naman ang kanyang ama.

Nang magretiro na ang kanyang parents ay sinabihan siya ng mga ito na huwag nang bumalik sa Qatar nang magbakasyon siya noong 2020.

“Nagka-mild stroke ang Mom ko. Huwag na raw akong umalis kasi pareho na silang maedad ng Dad ko.”

Nagkataon namang dahil sa pandemya ay nagkaroon ng lockdown kaya hindi agad siya nakabalik sa Qatar.

“Nagdesisyon kaming tumira sa aming farm sa bundok para medyo malayo sa mga tao. Bihira kaming lumabas.

“Mga pangsangkap lang sa mga lulutuin ang binibili namin kapag lumalabas kami dahil meron naman kaming mga prutas, gulay, manok, at itlog sa aming farm.

“Nakakapamingwit din kami ng isda sa katabing lawa.”

The Cortez couple

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Junely, nagkaroon sila ng kanyang misis na si Norlyn ng idea na magtayo ng café.

Ito ay matapos mapansing may mga tumatambay sa view deck ng Mapita na malapit sa Daang Katutubo road at Mapita Falls.

View deck at Daang Katutubo Coffee Shop

“Noong una ay gusto lang sana namin na mag-offer ng area kung saan sila puwedeng magpahinga at makagamit ng comfort room pagkagaling sa view deck.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero may mga nagtatanong kung puwedeng bumili ng food. Kaya nagsimula na kaming magbenta ng pagkain at kape.”

Nakita ng pamilya ang potential kaya mas pinaganda nila ang lugar. Dahil isang arkitekto ang kanyang ama, siya ang nagdisenyo ng kabuuan.

Unique ang set-up nito na may native houses.

Nipa hut at Daang Katutubo Coffee Shop

Nakatipid din sila sa mga materyales dahil gumamit sila ng mga coco lumber mula sa mga niyog na tanim nila sa kanilang farm.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nipa hut at Daang Katutubo Coffee Shop

“Noong isang taon ay binuksan na namin ito sa publiko at tinawag naming Daang Katutubo Coffee Shop. Isinunod namin sa pangalan ng Daang Katutubo road.

“Araw-araw maraming nadating na customer.”

Menu at Daang Katutubo Coffee Shop

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong una ay sa mga tanim nilang gulay at prutas nanggagaling ang mga isinasahog nila sa mga pagkain.

Ani Junely, “Nag-start na rin kaming mag-alaga ng hito sa aming fish pond.”

Maging ang kape ay mula sa kanilang mga tanim.

Coffee menu

Pero nang tuluyang maging popular ang Daang Katutubo Coffee Shop at mas dumami ang customer, kinailangan nilang mag-outsource mula sa mga suppliers sa Mountain Province.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon, ang plano ni Junely ay maging self-sustaining ang cafe.

“Ang target talaga namin ay yung hindi na kami bibili sa labas. Na yung mga prutas, gulay, isda, kape at karne ay dito na namin na-produce sa aming sariling farm.”

Ang entrance fee sa cafe ay PHP20.

Bukod sa kape at masasarap na pagkain, nag-o-offer din ang Daang Katutubo Coffee Shop ng overnight glamping (glamorous camping).

Couple having coffee

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Puwedeng magbihis na parang mga katutubo habang naka-stay.

Maaaring pumili ng klase ng glamping sa halagang PHP400 hanggang PHP800 sa loob ng 12 oras.

Ayon pa kay Junely, “Puwede rin dito ang mga events at pre-nuptial photo shoots.”

Bilang dagdag na amenities, nagtatayo na rin sila ng infinity pool at spa.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Taong 2021 sinimulan ng Pamilya Cortez ang Daang Katutubo Coffee Shop sa Pangasinan, pero dinarayo na ito ngayon ng mga turista. Tampok dito ang kape at mga pagkain na produced sa kanilang farm.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results