Dating seaman na naging bee farmer, abot hanggang six digits ang kita

by Bernie V. Franco
Sep 12, 2022
bee farming
Si Mac Bergonio, 36, ay dating seaman na ngayon ay isa nang bee farmer. Dahil sa bee farming, naipagpatayo niya ang bahay para sa pamilya.
PHOTO/S: YouTube (OG)

Si Mac Bergonio, 36, ay nagtrabaho bilang seaman sa loob ng halos isang dekada.

Pero hindi siya nakapagpundar.

Nang pasukin niya ang pagiging bee farmer, umabot sa six digits ang kanyang kita sa pagbebenta ng honey products.

Si Mac ay bee farmer sa Los Pepes Farm sa Indang, Cavite.

“Dati po akong seaman bago po ako napasok sa pagbububuyog,” kuwento niya sa Summit OG noong July 2022.

“Nakawalong taon siguro ako sa pagbabarko, eight to nine years.

“Nagkaroon po ng problema yung isa sa mga tenga ko kaya hindi na ako nakabalik sa pagbabarko.”

Paano siya napasok sa bee farming?

“Napunta po ako sa pag-aalaga ng bubuyog dahil yun nga yung mga panahong wala akong kinikita.

“Na-introduce sa akin ng biyenan ko yung pag-aaalaga ng stingless bees.”

honey bee farming

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BEE FARMING, A LUCRATIVE BUSINESS

Ang stingless bees ay tinatawag na lukot sa Tagalog. May scientific name itong tetragonula biroi o tetragonula sapiens.

Sabi ni Mac, “Dahil sa lukot ay nakapagpatayo tayo ng pinapangarap naming bahay.

“Hindi pa siya tapos pero unti-unti kini-claim na namin. Darating ang araw mapapatapos namin.”

Binanggit ni Mac na sinuwerte ang kanilang negosyo sa panahon ng pandemya.

“Nung pandemic masasabi ko na mas gumanda yung business namin. Naging health conscious kasi ang mga tao.

“Kaya talagang nag-boom yung business namin. Dahil nga doon nakapagpatayo kami ng bahay.

"Natutupad namin yung mga pangarap namin na dati ay hindi ko naipundar o di ko naabot."

Magkano naman ang kita rito?

“Sa kita, hindi pare-parehas. Minsan maganda, minsan katamtaman. Depende sa [dami ng] buyer.

“Minsan kapag sinusuwerte, inaabot ng six digits. May pagkakataon na minsan walang kita, pero masasabi ko na all in all, maganda, magandang business.”

bee farming

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa pagiging bee farmer, nasimulang ipatayo ni Mac Bergonio ang bahay para sa kanyang pamilya

THE honey AND THE PRODUCTS

Ano ang kaibahan ng bubuyog na lukot sa ibang bees?

“Isa siyang uri ng bubuyog na native dito sa Pilipinas at stingless bee,” ani Mac.

Marami raw ang nag-aakala na isa itong uri ng peste. Hindi rin ito agresibo kumpara sa ibang uri ng bubuyog.

“Ang kaibahan ay wala silang tibo o sting. Nangangagat po sila, pero hindi sila naninibo.

“Ang pinakamaganda po sa kanila, yung hindi naaabot ng malalaking bubuyog na nectar o mapapagkuhanan nila ng pollen sa bulaklak, sila po yung nakakakuha.

“Sila po yung nakakasimot o nakakakuha ng may pinakamataas na nutrients.”

Pagdating naman daw sa pag-aalaga, hindi ito mabusisi.

“Hindi na sila kailangang pakainin. Kailangan lang bigyan ng magandang bahay.

Sa Lolos Pepes ay mayroong 200 “colonies” o tirahan ang mga bubuyog na gawa sa recycled materials, gaya ng lumang upuan o lumang bag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang ibang colonies naman ay mga malalaking puno na pinamamahayan ng mga lukot sa gubat at dinala sa farm.

colonies bee farming

Ang mga tirahan ng mga lukod o stingless bees na gawa sa recycled materials.

Idinagdag ni Mac na mukhang marumi o luma ang bahay ng mga bubuyog dahil ito raw ay nagsisilbi nilang proteksyon mula sa mga invaders.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, bukod sa natural honey, ginagawa rin nila itong oil at throat spray, lip balm, mosquito balm, at ointment.

Ang pollen naman ay itinitinda nila bilang multivitamins.

honey bee products

Narito ang buong video:

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Mac Bergonio, 36, ay dating seaman na ngayon ay isa nang bee farmer. Dahil sa bee farming, naipagpatayo niya ang bahay para sa pamilya.
PHOTO/S: YouTube (OG)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results