Watch Now

Karla Estrada, 47, goes back to school

by Khryzztine Joy Baylon
Sep 23, 2022
Karla Estrada back to school
She may be in her 40s but Karla Estrada, like her contemporaries in showbiz, has decided to go back to school to finish her education: "Hindi pa po huli ang lahat."
PHOTO/S: KARLA ESTRADA INSTAGRAM

Pinatunayan ng TV host-actress na si Karla Estrada na hindi hadlang ang edad sa kagustuhan niyag makapagtapos ng pag-aaral.

Sa edad na 47, muling nagbalik-eskuwela si Karla.

Sa Instagram post ni Karla nitong Miyerkules, September 21, 2022, proud niyang ibinahagi ang kanyang "new journey" tungo sa goal na makapagtapos.

Nag-post din siya ng mga litrato na kuha sa pasilyo ng Philippine Christian University sa Maynila habang suot ang kaniyang school ID.

Maikli niyang saad sa caption (published as is), "And the journey begins."

Pabiro niyang hirit, “Where’s the canteeeeen?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago pa man ipost ni Karla ang kanyang mga kuhang litrato, nauna na niyang ibinahagi sa pamamagitang ng Instagram reel video noong September 18, ang desisyong bumalik sa pag-aaral.

Ayon sa aktres, naniniwala siya na hindi pa huli ang lahat para sa kanyang pangarap na makakuha ng college degree.

Saad niya caption (published as is), "Nothing is too late when you put your heart into it.

"Masaya po ako na ipagpatuloy ang aking pag-aaral through Expanded Tertiary Education, Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) of Philippine Christian University.

"Hindi ko po sasayangin ang pagkakataong ito [pray and heart emoji]."

Mensahe niya sa mga katulad niyang ina na gustong mag-aral, "Kaya sa mga gusto pang magpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo at makakuha ng degree, hindi pa po huli ang lahat.

"Maraming Salamat po sa office of the Speaker of the House for this opportunity."

Dagdag pa niya, "Laban tayo para sa mas magandang kinabukasan!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, sa comments section ng kanyang post ay bumuhos ang pagbati ng kanyang mga fans at kaibigan, kabilang na ang ilang kapwa celebrities.

KARL ESTRADA BACK TO SCHOOL

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KARLA ESTRADA BACK TO SCHOOL

Noong July 21, 2022, ay opisyal na nagpaalam si Karla sa morning talk show ng ABS-CBN na Magandang Buhay, matapos ang halos limang taon niyang pananatili dito bilang isa sa mga host ng programa.

Bago nito ay nag-leave siya para mag-focus sa kanyang pangangampaya bilang party-list representative ng Tingog, isang political party na nakabase sa Leyte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Karla Estrada officially bids goodbye to Magandang Buhay after five years

Read: Jolina Magdangal, Melai Cantiveros tease new co-host replacing Karla Estrada in Magandang Buhay

Pumalit sa kanya si Regine Velasquez.

Read: Regine Velasquez, ipinakilala na bilang regular co-host ng Magandang Buhay

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
She may be in her 40s but Karla Estrada, like her contemporaries in showbiz, has decided to go back to school to finish her education: "Hindi pa po huli ang lahat."
PHOTO/S: KARLA ESTRADA INSTAGRAM
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results