Watch Now

Edo Devero ng Negros Oriental, nakapagtapos ng college dahil sa piso wi-fi

by Bernie V. Franco
Oct 14, 2022
edo devero gradute via piso wifi
Si Edo Devero ng Manjuyod, Negros Oriental ay graduate ng Bachelor of Science in Secondary Education. Kung hindi dahil sa piso wi-fi, malamang ay natigil na siya ng pag-aaral nitong pandemya.
PHOTO/S: YouTube (GMA Public Affairs)

Dahil uso sa mga Pinoy ang pagbili nang tingi-tingi, ang piso wi-fi ay naging malaking bahagi ng success story ni Edo Devero.

Si Edo, 28, ay mula sa mabundok na lugar ng Manjuyod, Negros Oriental, kung saan mahirap makasagap ng signal.

Sabi niya, “Ang hassle, at ang hirap, at ang laki ng gastos kasi mula dito sa bundok namin, pagbaba pa lang ng bayan gagastos ka na ng halos PHP500.

“Makakapag-data ka lang, makakapagpa-signal ka lang, at mag-send ka ng mga files.”

Pero salamat sa ilang piso wi-fi machines na ipinuwesto roon ng isang vlogger sa mga sari-sari store, nagawang sumabay ng mga residente sa digital era.

“Walang signal. Kahit anong SIM na gagamitin mo wala talaga, so yun ang tinatawag na dead spot,” ani Edo sa panayam ng Good News ng GMA TV nitong October 8, 2022.

“So kung wala yung piso wifi, di ako makapag-aral.

“Malaking thank you ko talaga sa piso wi-fi na isa sa naging daan para matapos ko ang pag-aaral.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Edo ay fresh graduate ng Bachelor of Science in Secondary Education mula sa Negros Oriental State University (NORSU) Bais Campus II.

piso wifi

Ang piso wi-fi machine ay malaking tulong para sa mga estudyante at empleyado ng Manjuyod, Negros Oriental. Sa halagang PHP1, PHP5, at PHP10 ay magkaka-access ka sa Internet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung tutuusin, mas convenient sana ang online classes sa mga estudyanteng gaya niya na malayo ang tirahan.

Pero dahil sa kawalan ng gadgets at problema sa Internet, dumagdag ito sa kanilang gastusin.

Nang ikabit ang piso wi-fi slots sa kanilang lugar, pumabor ito kay Edo at mga kagaya niyang estudyante para maging abot-kaya ang Internet.

Kung ang gastos ay PHP500 kada biyahe sa bayan, naging PHP5 na lamang ito dahil sa piso wi-fi.

Ang piso ay may katumbas na 20 minutong wi-fi.

Kaya ang PHP5 ni Edo ay nangangahulugang dalawang oras na sa kanyang pag-aaral online.

“Hindi na ako bababa ng bayan para makapag-connect, at higit sa lahat, hindi na ako mahuhuli sa klase at hindi na ako makakagastos nang malaki.

“Tendency na titigil ako sa pag-aaral kasi ang laki ng gastos. Ang hassle kasi nakatira kami sa bundok at wala kaming malaking pera para makapagbaba araw-araw sa bayan at gagastos ng PHP500 araw-araw.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa kahirapan, anim na taon si Edo sa kolehiyo.

Marami siyang pinasok na trabaho para matustusan ang pag-aaral.

"Pumasok sa mga raket-raket, gaya ng choreographer, barbero, habal-habal driver," aniya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ngayon ay office clerk si Edo sa Municipal Social Welfare Development Office ng Bindoy.

Isa rin siyang disc jockey sa kanilang local radio station, aspiring vlogger, at content creator sa kanyang YouTube channel.

Samantala, pinaghahandaan ngayon ni Edo ang pagre-review para sa board exam.

At muli, malaking tulong ang piso wi-fi sa kanyang review.

Aniya, “Advantage sa amin na andito sa amin ang piso wi-fi at ang lakas pa ng connection.

“Anytime kahit anong oras magre-review at madaling-madali na lang."

ANG VLOGGER SA LIKOD NG PISO WIFI SA MANJUYOD

Salamat kay Yasir Saumay, content creator ng Yamuas TV, nagkaroon ng data connection ang mga kababayan ni Edo.

Dahil sa piso wi-fi, maraming residenteng mga estudyante at mga empleyado na work from home ang nakinabang sa abot-kayang halaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Yasir, nalaman niya ang tungkol sa wi-fi nang pumunta siya sa Cebu City noong 2018.

piso wifi

May tatlong piso wi-fi machines na ikinabit si Yasir sa kanilang lugar at kada machine ay kayang mag-accomodate ng 80 users.

Ang mga piso wi-fi na gamit sa kanilang lugar ngayon ay siya lang mismo ang bumuo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Nag-explore lang po ako sa Internet kung paano po ito gawin.”

Ang kanyang machine ay tumatanggap ng PHP1, PHP5, at PHP10 coins.

May tatlong piso wi-fi machines na siyang naipupuwesto sa kanilang lugar, at up to 80 users ang puwedeng kumunekta bawat machine.

Kumikita naman si Yasir ng PHP3,000 hanggang PHP5,000 kada buwan mula sa mga piso wi-fi machines na ito.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Edo Devero ng Manjuyod, Negros Oriental ay graduate ng Bachelor of Science in Secondary Education. Kung hindi dahil sa piso wi-fi, malamang ay natigil na siya ng pag-aaral nitong pandemya.
PHOTO/S: YouTube (GMA Public Affairs)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results