How Lance Gokongwei took a break from "all the uncertainty" during lockdown

by Bernie V. Franco
Nov 15, 2022
lance gokongwei
Successful business tycoon Lance Gokongwei, president and CEO of one of the country's biggest conglomerates, shares one of his enriching hobbies: reading.
PHOTO/S: Facebook (Lance Gokongwei) / YouTube (BPI)

Ipinasilip ng kilalang negosyanteng si Lance Gokongwei ang kanyang “old school” habit sa kabila ng modern technology.

Si Lance, 55, ay president at chief executive officer ng JG Summit Holdings, Inc. (JGSHI), isa sa pinakamalaking conglomerates sa Pilipinas.

Ilan sa business industries na kinabibilangan ng JGSHI ay ang food manufacturing, banking, real estate, hotels, property development, power generation, publishing, power generation, at air transportation.

Kabilang sa mga sikat na subsidiaries ng JGSHI ay ang Universal Robina at Cebu Pacific.

Ibinahagi ni Lance na isa sa kanyang hobbies ay ang pagbabasa ng mga libro.

Mas gusto rin daw niya ang physical books kesa sa digital books o electronic reader apps na mas hi-tech, convenient, at portable.

“I must admit I’m old school when it comes to books,” mensahe ng negosyante sa kanyang Facebook post noong November 14, 2022.

“I still prefer reading printed books over digital ones.”

Ang pagbabasa raw ang kanyang ginawang pampalipas oras ngayong pandemya. Ito rin ang tinuturing niyang pahinga sa kanyang busy schedule.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “During the lockdown, it was comforting to take a break from all the uncertainty by reading a good, hefty book.”

Na-maximize nga rin daw niya ang iba’t ibang sulok ng kanyang bahay bilang reading nook.

“I read in different parts of our house for a change of scenery, since we were all stuck at home.”

Ipinost din niya ang kanyang larawan—hawak ang isang libro, naka-baller cap, white t-shirt, at nakaupo sa couch.

“This photo was taken in my daughter's room,” saad niya.

Read: Netizens in awe of casual chat between billionaires Jaime Zobel de Ayala and Lance Gokongwei

INSPIRING BOOK

Samantala, binanggit ni Lance ang isa sa mga pinakahuling nabasa niya ngayong pandemya.

“One of the books I read over the pandemic (not the one in this picture) was American Moonshot: John F. Kennedy and the Great Space Race,” pagbabahagi ni Lance.

Paglalarawan niya sa paksa ng libro: “About how a world leader dreamt big and literally reached for the moon. And well, over 50 years ago, the U.S. did it.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang American Moonshot: John F. Kennedy and the Great Space Race ay isang non-fiction work na isinulat ni Douglas Brinkley noong 2019.

Tungkol ito sa tagumpay ng space program na inilunsad ni former U.S. President John F. Kennedy noong dekada 60.

Noong May 25, 1961, inanunsiyo ni Pres. Kennedy ang misyong magpapunta ng tao sa buwan kasunod ng pagtatayo sa National Aeronautics and Space Administration (NASA) noong 1958.

Inilahad sa book ang success story ng Amerika na makarating sa buwan. Ito ay itinuturing na major milestone para sa U.S. dahil naungusan niya ang mga kalabang bansa sa space missions, gaya ng Soviet Union.

Ang mensaheng nais iparating ni Lance, “Dream big. You can do it.

“What are you currently reading?” panghuling mensahe ni Lance na animo’y nanghihimok na magbasa ng mga makatutulong para pagyamanin ang kaalaman.

Si Lance ay nagtapos ng Bachelor of Science degree in Finance at Bachelor of Science degree in Applied Science sa University of Pennsylvania sa U.S.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Successful business tycoon Lance Gokongwei, president and CEO of one of the country's biggest conglomerates, shares one of his enriching hobbies: reading.
PHOTO/S: Facebook (Lance Gokongwei) / YouTube (BPI)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results