Pinay OFW na humiling ng selfie kay Jungkook, may bonus pang akbay at video

by Bernie V. Franco
Nov 29, 2022
jungkook restaurant
Ang suwerte ni Fherlyn Estrella (far left, left photo), isnag Pinay na nagtatrabaho sa Qatar. Nakadaupang palad niya si Jungkook, miyembro ng K-pop group na BTS. "Sakto po nasa reception ako pagpasok niya. So pagdaan niya sa harap ko na-recognize ko agad siya.”
PHOTO/S: Fherlyn Estrella

Hindi lang nakalapit kundi naakbayan, nakausap, at nakapagpa-selfie pa ang Pinay na si Fherlyn Estrella kasama ang K-pop sensation na si Jungkook ng South Korean boy band na BTS.

Isa si Jungkook sa mga nag-perform sa FIFA World Cup 2022 opening ceremony noong November 20, 2022, sa Qatar.

Ginanap ang 30-minute show sa Al Bayt Stadium, kung saan nag-perform din sina Morgan Freeman at Qatari singer na si Fahad Al Kubaisi.

Sa mismong araw ring iyon nakadaupang palad si Jungkook ng Overseas Filipino Worker (OFW) na si Fherlyn, na nagtatrabaho sa restaurant kung saan pumasok at kumain ang grupo ng K-pop sensation.

JUNGKOOK, HUMABOL BAGO MAGSARA ANG RESTO

Sa ulat ng GMA News nitong weekend, pasarado na raw ang restaurant kung saan nagtatrabaho si Fherlyn nang may humabol pang customer.

Lahad ni Fherlyn, “Actually, we weren’t expecting them na kumain po sa resto namin since pa-close na rin po kami.

“And sakto po nasa reception ako pagpasok niya [Jungkook]. So pagdaan niya sa harap ko na-recognize ko agad siya.”

Mahihinuhang sa restaurant na iyon naghapunan ang grupo ni Jungkook pagkatapos ng performance niya sa FIFA World Cup.

Pinagsilbihan ang grupo ni Jungkook pero nag-atubiling lumapit si Fherlyn dahil sa kaba.

Sabi ng OFW, “Hindi rin po ako makalapit sa table nila kasi sobrang nahihiya at kinakaban ako.

“Pero sabi naman po ng mga colleague ko na nag-serve sa table nila, sobra sobrang napakabait raw po at magalang.”

MAY AKBAY NA, MAY VIDEO SELFIE PA

Nang matapos kumain ang grupo ng Korean performer, isang kasamahan ni Fherlyn ang naglakas loob na lumapit kay Jungkook.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Fherlyn, “’Tapos pagtayo niya, kinausap po siya ng isang colleague namin kung puwede kami magpa-picture. Pumayag naman siya.

“So doon lang po ako nakalapit sa kanya.”

jungkook restaurant staff

Bukod sa picture, may libre pang akbay kay Fherlyn at sa kasama nito mula sa BTS member.

Nilubos-lubos na ni Fherlyn ang pagkakataon at hiniling kay Jungkook na mag-selfie sila.

Pero higit pa roon ang ibinigay ni Jungkook kay Fherlyn. Makikita si Jungkook sa video na hawak niya ang cellphone.

“Okay,” sabi nito at iniabot kay Fherlyn ang camera.

“It’s a video?” tanong ni Fherlyn na abot hanggang tenga ang ngiti.

“Yeah!” sagot naman ni Jungkook na pumuwesto sa tabi ni Fherlyn at inaayos ang buhok para umanggulo.

Kuwento ni Fherlyn ukol sa video: “Dito po sa vid, nag-ask ako ng selfie, pero kinuha niya ang phone ko then siya nag-record ng video.”

HOT STORIES

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang suwerte ni Fherlyn Estrella (far left, left photo), isnag Pinay na nagtatrabaho sa Qatar. Nakadaupang palad niya si Jungkook, miyembro ng K-pop group na BTS. "Sakto po nasa reception ako pagpasok niya. So pagdaan niya sa harap ko na-recognize ko agad siya.”
PHOTO/S: Fherlyn Estrella
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results