Pinatunayan nina Mark at Kirsten Pangilinan na hindi kailangan ng industry experience para makapagpalago ng negosyo.
Kahit walang experience sa photography ay itinayo nila ang MP Diaries, isang self-portrait studio business.
Parehong 23 years old sina Mark at Kirsten, taga-Quezon City, at nagtrabaho bilang virtual assistants bago nila itinayo ang negosyo noong August 2022.
Sa panayam ng Philippine News Agency noong December 9, 2022, ibinahagi ni Mark ang kanilang naging struggles bilang virtual assistants na nagtatrabaho sa gitna ng pandemya.
Aniya, “During the pandemic, as work from home, there’s a struggle when there’s an Internet loss or power shortage.
“Another challenge is when you’re mentally stressed at work, it’s hard to take a break or vacation, travel or bond with friends due to lockdown or quarantine.”
Dahil dito, naisip nilang magtayo ng sarili nilang negosyo.
business challenges
Aminado naman ang dalawa na hindi sila mga professional pagdating sa film o photography. Basic lang ang knowledge nila.
Gayunpaman, nilakasan nila ang loob at itinuloy ang planong negosyo gamit ang puhunan na PHP300,000.
Ani Mark, “The most essential is the equipment, gaya ng camera, lights, backdrop, monitoring screen, at laptop.”
Ibinahagi naman ni Kirsten ang mga hirap na kanilang pinagdaanan sa umpisa.
“Noong nag-start po kami, wala po kaming kotse. Commute lang po.”
Pero nagpursige ang dalawa dahil mayroon silang goal.
Pagbabahagi ni Mark, “We want people to experience na possible na magkaroon ng great and quality photos na hindi butas ang bulsa pagkatapos.”
A TRENDY CONCEPT
Kakaiba ang konsepto ng MP Diaries: bilang isang self-portrait studio, walang photographer na kumukuha ng iyong litrato.
May light and cozy vibe ang studio, at sinusunod nina Mark at Kirsten kung ano ang gusto ng clients na schedule ng photoshoot.
Paliwanag ni Kirsten, mas intimate ang ganitong setup dahil hindi nadi-distract ang kanilang mga kliyente.
Aniya, “You can freely express yourself, since walang ibang tao sa shoot area, except you and your loved ones. You’ll capture it. No pressure from other people, no awkward moments, all genuine.”
Mas affordable din ito kumpara sa pagpapa-pictorial sa isang professional studio.
Ayon kay Kirsten, mayroong thrill at excitement kapag nakikita niya ang happiness sa kanilang mga kliyente kapag naka-capture ang mga alaala ng mga ito sa mga naka-print na larawan.
“Ang exciting kasi you’ll meet different kinds of people with their own stories to tell.
“Karamihan sa kanila, magbi-birthday, anniversary, magpo-propose or mangingibang bansa ang asawa or member of the family, kaya they want to capture their precious memories together.
“It makes us happy na part kami noong araw na yun.”
secrets to success
Sa ngayon ay nakikita na ng couple ang bunga ng kanilang pagsisikap.
“After three months po since nag-open po kami, nakabili po kami ng kotse po, and now po yung kita po ng studio is six digits na po siya,” masayang kuwento ni Kirsten.
Payo nila sa iba pang young couples na gusto ring magnegosyo, gawin ang unang hakbang sa pangarap.
Ani Kirsten, “Hindi mo kailangang maging magaling bago magsimula. Magsimula ka para gumaling ka.
“Remember, every successful business also started with zero clients and zero sales. Be ready to learn, embrace the ups and downs, and always have a plan B.”
Binanggit din ni Mark na sa panahon ngayon ay malaking tulong ang social media sa pagpapalaganap ng negosyo.
“Social media marketing will be a big help for everyone who is aspiring to have a small business.
“All you need to learn is to know how to create ads, optimize your social media page, and increase algorithms so people will know that your business exists.”
Sa Facebook post naman ni Kirsten noong December 10, 2022, ang kanilang success aniya ay nagsimula sa, “From ‘kaya ba natin ito?’ to ‘kakayanin natin ito, sipagan lang natin.’”
Sa ngayon, ang MP Diaries ay nakapag-execute na ng mahigit 750 self-shoot appointments.
Matatagpuan ang studio sa 2nd Floor, Titanium Building Holy Spirit Drive, Don Antonio (near Ever Commonwealth) sa Quezon City.