PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

“Yayamanin” ba ang Zodiac sign mo?

Anong Zodiac sign ang nakalinya sa pagyaman?
by KC Cordero
Published Feb 20, 2023
The 12 Zodiac signs
Marami sa atin ang naniniwala na may epekto sa magiging kapalaran ng isang tao ang kanyang Zodiac sign. Batay sa pag-aanalisa sa Forbes Billionaires 2022 rich list, kabilang kaya ang Zodiac sign mo sa posibleng yumaman?

Sa loob ng mahabang panahon, naniwala ang mga tao na ang kapalaran ay nakasulat sa mga bituin.

Kapag nagbuklat ng newspaper o magazine, agad tinitingnan ang section kung nasaan ang horoscope para alamin ang forecast para sa sariling zodiac sign.

Nakalagay din doon kung kung ano ang masuwerteng kulay at mga numero.

Minsan, ang mga bagay na dapat iwasan o huwag munang gawin.

Sa kasalukuyang panahon, hindi na ganoon kalaki ang impluwensya ng astrology sa mga tao.

Gayunpaman, may mga naniniwala pa rin, lalo na ang mga horoscope aficionado, na ang petsa kung kailan ipinanganak ang isang tao ay may epekto sa iba’t ibang aspeto ng buhay—kung ano ang kanyang personalidad, compatible na zodiac sign para maging kanyang kasintahan o kaya ay business partner, at kung anong career o negosyo ang nababagay sa kanya.

Read also: Meet the country's richest sisters

Kaya sa milyun-milyong tao sa mundo na nagbabasa ng kanilang horoscope araw-araw, madali para sa kanilang paniwalaan na ang dahilan kaya hindi sila nagtatagumpay o kaya ay sumisikat—o nakatakda pa lang mangyari sa kanila ang mga bagay na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At ang resulta ng isang recent study ay maaaring magbigay ng tiwala sa mga nasabing paniniwala.

The Forbes Billionaires 2022 rich list

Gamit ang available birthdate information para sa top 300 billionaires ng Forbes Billionaires 2022 rich list, gumawa ang Cashfloat, isang U.K. lender, ng pag-aanalisa kung ilan sa pinakamayayamang tao sa mundo ang magkakatulad ang zodiac sign.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang artikulo ay unang lumabas sa Fortune.com noong February 17, 2023.

Ayon sa research, ang Libra—ang horoscope sign para sa mga isinilang mula September 24 hanggang October 23—ang lumalabas na madalas nasa listahan ng pinakamayayaman kumpara sa iba pang zodiac sign.

Thirty-two sa world's wealthiest people ay Libra batay sa research.

Ang mga isinilang sa sign na Capricorn (December 22 to January 20), ang may pinakakonting bilyonaryo. Fifteen lang na Capricorn ang nakasama sa listahan.

LIBRA ANG YAYAMANIN

Naririto ang percentage ng bawat Zodiac signs na kabilang sa pinakamayayaman sa buong mundo:

Libra (September 24 to October 23) - 12%

Pisces (February 20 to March 20) - 11%

Taurus (April 21 to May 21) - 10%

Leo (July 23 to August 22) - 9%

Aries (March 21 to April 20) - 8%

Virgo (August 23 to September 23) - 8%

Gemini (May 22 to June 21) - 8%

Aquarius (January 21 to February 19) - 7.5%

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Cancer (June 22 to July 22) - 7.5%

Sagittarius (November 23 to December 21) - 7.5%

Scorpio (October 24 to November 22) - 6%

Capricorn (December 22 to January 20) 5.5%

NOTABLE BILLIONAIRES

Si Alice Walton ang pinakamayamang Libra na may net worth na US$65.3 billion. Siya ang nag-iisang anak ng Walmart founder na si Sam Walton.

Pisces naman si Bernard Arnault, ang co-founder ng luxury goods giant na LVMH (kabilang ang Louis Vuitton at Sephora). Ikatlo siya Forbes' 2022 rich list, pero sa ngayon ay si Bernard ang wealthiest person in the world.

Photo of Mark Zuckerberg

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging bilyonaryo sa edad na 23 ang Facebook co-founder Mark Zuckerberg. Ang zodiac sign niya ay Taurus.

Ang Google co-founder na si Sergey Brin ay isang Leo.

Aries ang founder and chairman ng Inditex fashion group na si Amancio Ortega.

Virgo si Warren Buffet, ang chairman and CEO ng Berkshire Hathaway.

Si Jim Walton ng Walmart ay Gemini.

Aquarius si Michael Bloomberg, ang co-founder and CEO ng Bloomberg.

Ang bagong may-ari ng Twitter; founder, CEO and chief engineer ng SpaceX; at CEO and product architect ng Tesla, Inc. na si Elon Musk ay Cancer.

Si American rapper, record producer, and entrepreneur Jay-Z ay Sagittarius.

Scorpio si Bill Gates, ang founder ng Microsoft.

Capricorn naman si Jeff Bezos, ang founder, executive chairman, and former president and CEO ng Amazon.

Dito sa Pilipinas, ang billionaire na si dating senador Manny Villar ay isang Sagittarius. Isinilang siya noong December 13, 1949.

Read also: Meet the heiresses of the Philippines' richest

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WALANG SCIENTIFIC CLOUT ANG ZODIAC SIGNS

Para sa mga eksperto, ang astrology ay walang scientific clout.

Gayunpaman, isa sa bawat tatlong Americans ay naniniwala na ang astrology ay "very" or "sort of" scientific.

May ilang business leaders na pinagbabatayan din ang Zodiac sign ng aplikante para ito ma-hire sa trabaho, even going as far as to letting it influence hiring decisions.

Samantala, para sa ibang naniniwala sa astrology, isinisisi naman nila ang kanilang pangit na karanasan sa trabaho dahil hindi compatible ang Zodiac sign nila ng kanilang naging boss.

Sa mga nakalipas na panahon, naging lucrative ang anumang venture na may kinalaman sa astrology.

Ang naging revenue sa US astrology-based apps ay tumaas nang hanggang 65% bago umabot sa US$44 million noong 2021.

A book of 2023 horoscope guide

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa U.S. pa rin, dahil sa paglaganap ng zodiac-reading, lalo na sa mga millennials, may mga kumpanya ng hinihikayat ang kanilang mga empleyado na magkaroon ng magaan na kuwentuhan tungkol sa kanilang Zodiac signs.

Isang paraan ito para magkaroon ng common ground ang mga magkakatrabaho na naniniwala sa Zodiac signs.

Pero dapat pa ring tandaan na ito ay gabay lang sa pang-araw-araw na buhay. Hindi man maabot ang naging kapalaran ng nasa Forbes Billionaires 2022 rich list, nasa sariling pagsisikap at diskarte pa rin kung paano aangat sa buhay at matutupad ang pangarap.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marami sa atin ang naniniwala na may epekto sa magiging kapalaran ng isang tao ang kanyang Zodiac sign. Batay sa pag-aanalisa sa Forbes Billionaires 2022 rich list, kabilang kaya ang Zodiac sign mo sa posibleng yumaman?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results