PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

VIRAL: Bridesmaid, inakalang cupcake ang sabon wedding giveaways

Netizen: “Di siguro nakakain ng cake sa reception.”
by Mavell Macaranas-Dojillo
Published May 20, 2023
cake
Kuwento ng netizen na si Kristine Guerza, madilim sa kotse noon at nagda-drive siya kaya hindi niya inakalang sabon pala ang wedding giveaway na mukhang cupcake.
PHOTO/S: Kristine Guerza via Facebook and TikTok

“Yes, blueberry cheesecake!”

Ito pa umano ang naibulalas ni Kristine Guerza bago kagatin ang sabong giveaway para sa bridesmaids ng kasal nina Karen Molina at Christian Daniel Damasing na ginanap noong February 5, 2023 sa Cavite.

Pahayag ni Kristine sa Tiktok video na ipinost niya kinabukasan (published as is), “Advice ko lang po sa mga may event diyan, wag sana mukhang cake ung soap. Muntik na po kasi akong malason HAHAHA.”

Makikita sa video na hawak-hawak ng dalaga ang cake na sabon na may kagat. Sa pagitan ng pagtawa ay sinabi niyang, “Kala ko cake, kadiri.”

Pagkatapos nito ay tila may iniluwa siya sa bintana ng kotse.

Kinagat daw niya ang sabon habang nagda-drive siya sa South Luzon Expressway at madilim pa sa kotse.

Wala din umanong amoy ang sabon.

Sa ganda ng pagkakagawa ng giveaway, hindi lamang siya ang nag-akalang tunay itong pagkain. Yun nga lamang, siya ang "unang kumagat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Tiktok video ni Kristine ay mayroon nang 481,200 views at 20,600 heart reactions sa kasalukuyan.

At patuloy itong nagpapatawa sa netizens nang ma-feature ito sa Saksi nito lamang Biyernes, May 19, 2023.

Ang post ng GMA News and Public Affairs sa Facebook tungkol dito ay mayroon na ngayong 61,000 reactions, 3,000 comments, at 3,300 shares.

Humakot ito ng nakatutuwang comments mula sa mga netizens. Narito ang ilan (published as is):

“Di siguro naka kain ng cake sa reception.”

“Isang kagat bula agad”

“Lumag-ok ka din ng kalahating baso ng downy hihihi”

“The design is very gutom na gutom ”

“Paghihiganti ng kinasal yan. Tatakaw daw ng bisita”

“Cake po tlga yan .. sabon flavor lang”

comment

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

comment

comment

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

comment

Pagdududa naman ng ilan, imposibleng hindi mahalata na sabon ang giveaway dahil sa texture nito.

Nag-iwan ng paliwanag si Kristine ukol dito.

Aniya, “Totoo po yan na unang hawak kagat agad dahil nag ddrive ako sa slex nung nagutom. Gabi yun at madilim so wala pa 10 sec ang panyayari.” At sinundan niya ito ng laughing emoji.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

comment

Samantala, may ilang netizens din ang nagkomentong nakaka-relate sila sa sinapit ni Kristine dahil may pareho silang karanasan sa mga natatanggap nilang sari-saring event giveaways.

Inakala raw nilang cake pero sabon pala at kandila iyon.

Narito ang komento ng ilang netizens na may the same experience:

comment

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

comment

comment

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kuwento ng netizen na si Kristine Guerza, madilim sa kotse noon at nagda-drive siya kaya hindi niya inakalang sabon pala ang wedding giveaway na mukhang cupcake.
PHOTO/S: Kristine Guerza via Facebook and TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results