Aral mula sa story ng magkapitbahay na nasira ang pagkakaibigan dahil sa WiFi at Netflix passwords

“Friendship must be mutual.”
by KC Cordero
Sep 14, 2023
Photos of the narrator
Ano ang mararamdaman mo kung ang kapitbahay mong matagal nang nakikigamit ng WiFi mo ay pagdamutan ka naman ng access sa kanyang Netflix?

Ipapagamit mo ba sa kapitbahay ang iyong WiFi password?

Tungkol dito ang post ng Instagram user na si @mrsam_bev, na may 126K followers.

Last August 31, 2023, nag-post si @mrsam_bev ng video kung saan, habang siya ay nagmamaneho, nagkuwento siya tungkol sa kapitbahay niyang lalaki na six months ago ay nagtanong kung puwedeng makigamit ng WiFi.

Ani @mrsam_bev, “I gave it to him because it didn’t cost me anything.

“And because I got along with him.”

Read: Magkano ang iPhone 15, at anu-ano ang key features?

The narrator

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: “Sobrang dulas” na toilet bowl, naimbento ng China; Kay tipid sa tubig, di kelangang linisan

Isang araw, habang naglalakad pauwi sa kanyang bahay ay nadaanan niya ang kapitbahay na nakatayo sa may pintuan ng bahay nito.

Gaya ng madalas nilang gawin, nagkuwentuhan sila.

Pagbabahagi pa ni @mrsam_bev, “And he happily told me he now had Netflix.”

Dahil sobrang abala si @mrsam_bev sa trabaho, sinabi nitong hindi na niya magawang manood man lang ng television.

Pero pagbibiro niya sa kapitbahay, “But it's great if you could lend me your password to watch some shows.

“I'd appreciate it.”

Read: "Malnourished" at bansot na alligator, na-rescue

Photo of Netflix logo

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: "My Way" itinuring na "world's deadliest karaoke song"

Bigla umanong narinig ni @mrsam_bev ang boses ng misis ng kanyang kapitbahay.

Sabi ni misis, hindi puwedeng ibigay sa kanya ang password ng Netflix account.

Paliwanag ng babae, “I'm the one who pays, and I can't share it.”

Nag-apologize kay @mrsam_bev ang kapitbahay na lalaki.

Ang naging sagot niya, “I said there was no problem.”

Read: Bride stood up by groom on wedding day ends up marrying father-in-law

At nagpatuloy na ang mag-asawa sa pagkukuwentuhan tungkol sa iba pang bagay.

Makalipas ang ilang sandali, tinawag ang lalaki ng misis nito.

Ayon kay @mrsam_bev, “She seemed very nervous. Said the TV wasn’t working.”

Pumasok ang lalaki sa loob ng bahay.

Sumilip naman si @mrsam_bev sa loob para tingnan kung ano ang nangyayari.

Pagkaraan ng ilang minuto, lumapit ang mag-asawa kay @mrsam_bev.

Sabi sa kanya ng mga ito, hindi umano gumagana ang WiFi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayaw raw tanggapin ang password kapag nagla-log in.

Read: Ang story sa likod ng beauty influencer na napapabata ng 20 years ang sarili sa Tiktok videos

Interpretation of no internet connection

Read: Identical twins, iisa ang boyfriend; wish nila na sabay magbuntis

Ani @mrsam_bev, “I changed my password because it's me paying and I can't share it.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Namutla ang mukha ng babae.

Dugtong ni @mrsam_bev, “Ma'am I have my network and you have your Netflix.

“Everything is fine. Everyone is happy.”

Tinalikuran na umano siya ng mag-asawa.

At matapos siyang pagsarhan ng mga ito ng pinto, hindi na siya muling kinausap ng mga ito mula noon.

Maging ang kanilang friendship ay nag-disconnect na rin.

Read: Happily married! Wife is 60-year-old American, husband is 30-year-old Tanzanian

NETIZENS REACT TO LESSON ON FRIENDSHIP AND SHARING

Isang video creator, inamin ni @mrsam_bev sa hulihang bahagi ng kanyang video ang katotohanan, “This story isn't mine.

“But here's the lesson I learned from it—friendship must be mutual.

“Affection must be mutual.

“Sharing must be mutual.”

Read: Babae, nag-order sa fast-food drive-thru sakay ng kabayo

Pinusuan ng mga followers ang video ni @mrsam_bev.

Komento ng ilan, may mga sadyang hindi marunong mag-appreciate sa ginagawang kabutihan ng ibang tao sa kanila.

May mga nagkomento rin tungkol sa mga taong ungrateful, “They even feel bad sometimes that you are the one helping them.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Biro naman ng isa pa, hindi na-realize ng babae na hindi ito makakapanood ng Netflix kung walang WiFi connection.

Agree naman ang karamihan sa followers ni @mrsam_bev sa pagsasabing: “Friendship must be mutual.”

Read: Metalhead yarn? Aso, nakalusot sa security; nanood ng Metallica concert

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ano ang mararamdaman mo kung ang kapitbahay mong matagal nang nakikigamit ng WiFi mo ay pagdamutan ka naman ng access sa kanyang Netflix?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results