Nasiyahan ka ba sa Christmas gift na natanggap mo mula sa iyong company this Christmas season?
Kung mamahalin, suwerte! Kung hindi naman, well, it’s the thought that counts.
Bongga ang naging Christmas gift ng employee ng luxury brand na Louis Vuitton (LV) sa Singapore.
On December 25, 2023, ipinost ni Tanya Bedi, 24, ang natanggap na regalo mula sa kanyang employer.
Mukhang maraming napa-“sana all” dahil ang kanyang TikTok video ay meron nang 8.3 million views at press time.
Read:
- Tagapagmana ng Hermés, 80, ipapamana ang malaking yaman sa kanyang hardinero
- Nicolas Puech of Hermès desididong ipamana ang yaman sa hardinero; sariling foundation, umaalma
LV’S generous GIFT TO ITS EMPLOYEES
Nakasulat din sa video, “What Louis Vuitton gifted all its employees this Christmas.”
In short, lahat ng co-workers ni Tanya ay nakatanggap din ng parehong regalo.
Sa kanyang 19-second TikTok video, nag-unboxing si Tanya.
Ipinakita muna niya ang white Christmas paper bag na may gold Louis Vuitton logo, red ribbons, at Christmas design prints.
Kinuha niya rito ang isa pang envelope na natatalian ng red ribbon.
Bakas sa nakangiting mukha ni Tanya ang excitement.
Pagbukas ng envelope ay inilabas ang dust bag na may Louis Vuitton logo.
Pagbukas ng lalagyan, kitang-kita ang pagka-shock sa mukha ni Tanya.
Ang nilalaman nito—isang Louis Vuitton Toiletry Pouch 26 worth $790 o higit PHP43,000.
“I love working here,” caption ni Tanya sa kanyang TikTok video.

Tanya Bedi, a Louis Vuitton employee is happily surprised to receive a designer bag as a Christmas gift.
@tanyabedi I love working here ???? #fyp #foryoupage #singaporetiktok #christmas #christmaspresents #louisvuitton #luxury #employee #gift ? original sound - The preppy three????
NETIZENS REACT
Kanya-kanyang comment ang mga nakapanood ng video ni Tanya.
Isang nurse ang nagkuwento na isang gift card sa isang restaurant ang natanggap niyang company gift.
Joke naman ng isa pang babae, nakatanggap din siya ng LV, yun nga lang, “self-employed” siya.
Kinastigo naman ng isang netizen ang critics na nagsabing “cheap” ang bag.
Sagot ni Tanya: “Tbh even if they gifted a card it would have been enough for me, it’s really the thought that counts.”
Napansin naman ng isang netizen ang magandang pagkakabalot sa regalo.
“The same way they would do for a client,” reply ni Tanya.



May nurse na nagbirong kahit email ay walang ipinadala ang pinagtatrabahuhang ospital.
Pinasalamatan ni Tanya ang netizen “for working tirelessly.”

Masama naman ang loob ng isang facility worker na binigyan ng free lunch ang mga empleyado. Yun nga lang, siya ang cook.
May isa namang nagtatrabaho sa isang pub, at ang natanggap daw nila ay “Thank you” card na may message na “keep up the good work.”


Meron namang nakakuha rin ng generous gifts.
Isang worker mula sa isang train company ay nabigyan ng free travel, may nabigyan ng vouchers for free lunch, may binigyan ng mahabang listahan para mamili ng gustong gift, at may nabigyan ng cash gift.



