Nabenta na ang Solidaridad Bookshop, ang iconic Manila literary institution and long-standing cultural landmark na pag-aari ni National Artist for Literature F. Sionil Jose+.
Ang bagong may-ari ay si Leandro Legarda Leviste.
Si Leandro ay anak ni Senator Loren Legarda at dating governor ng Batangas na si Tony Leviste.

Ang senadora ay matalik na kaibigan ng namayapang National Artist.
Ibinahagi ng official Facebook account ng Solidaridad Bookshop last November 23, 2025, na nagkaroon na ng agreement para sa sale and transition ang magkabilang panig.
Walang nabanggit sa post kung magkano ang naging bentahan.
Read: Taguig City opens TLC People's Park in time for Christmas season
SOLIDARIDAD BOOKSHOP: A LITERARY INSTITUTION AND CULTURAL LANDMARK
June 2025 nang mapabalitang ibinibenta na ang Solidaridad Bookshop, na binuksa ni F. Sionil noong 1965.
Matatagpuan ito sa Padre Faura Street malapit sa Robinsons Manila.

Ang lugar na kinatatayuan nito ay nasa property na pag-aari ng misis ni F. Sionil na si Teresita.
Ang mag-asawa ay parehong pumanaw noong 2022.
Sa Solidaridad Bookshop nagkikita-kita ang mahuhusay na writers sa Pilipinas maging ang grupo ng intellectuals, academics, cultural workers, at civic leaders.
Naging host din ito sa napakaraming international luminaries sa larangan ng literature, culture, and the arts.
Ito rin ang nagsilbing himpilan ng PEN Philippines, isang chapter ng PEN International, na itinatag ni F. Sionil Jose noong 1958.
Tinaguriang “Asia’s biggest little bookshop,” sumikat ang La Solidaridad Bookshop dahil sa malawak na koleksiyon nito ng Filipiniana books.
Naging outlet din ito para sa mga Filipino authors para maipakita at maibenta ang kanilang mga aklat.
Ang unique selection ng mga libro sa legendary bookshop na ito ay specially curated ni F. Sionil.
Ang namayapang National Artist din ang pumipili sa lahat ng mga itinitindang aklat dito.
Read: First-ever bamboo waiting shed installed in Laoag City
SEN. LOREN LEGARDA’S SON PROMISES TO PRESERVE LEGACY OF SOLIDARIDAD BOOKSHOP
Bago ang bentahan, ang Solidaridad Bookshop ay pinamahalaan ni Tonet, ang panganay na anak ni F. Sionil.
Ani Tonet: “Our family will always cherish the memory of Solidaridad and the work our parents put into it.
“We are excited about the transition to the new ownership and wish them success as they continue the legacy of F. Sionil Jose.”
Ayon naman kay Leandro: “We thank the Jose family for entrusting us with Solidaridad.
“We hope they can remain involved and help ensure that the Bookshop’s operations stay true to its history and the legacy of F. Sionil Jose.”
