Neri Miranda reveals strategy to reform a womanizer

IMAGE Courtesy of Neri Miranda on Instagram

Neri Naig: "Ilang years din akong nagpakamartyr pero dumating din yung tamang panahon na naglakas loob akong sabihin sa kanya na hindi ko na kaya..."


Neri Miranda and her husband, Chito, have always been open about their relationship.

Their Instagram accounts serve as an online diary where they share relationship and parenting tips to their followers.

One of the most followed was Neri's discussion on how she got her "revenge" when Chito cheated on her way before they got married.

A netizen asked Neri whether she dated other guys to get even with Chito.

Neri prefaced her answer with a brief background, "Pinost ko 'to sa Instagram Stories ko, at ang daming nag-message sa akin kase nakaka-relate sila at napakarami na nilang katanungan.

"Kaya naisipan kong sumulat sa aking blog. At i-share ko ang mga pinagdaanan ko sa kalandian noon ni Chito at kung paano ko na-handle lahat yun, hehe!

"Ilang years din akong nagpakamartyr pero dumating din yung tamang panahon na naglakas loob akong sabihin sa kanya na hindi ko na kaya, na mukhang di talaga magwo-work yung relationship namin, na talagang hindi kami para sa isa't isa.

"Never ko pa ring in-ask sa kanya na magbago siya para sa relationship namin, para sa amin, para sa akin. Hindi talaga.

"Kase gusto ko na gawin niya yun para sa kanya at gawin niya yun ng kusa kase gusto niya, kase hindi niya akong kayang pakawalan, kase nga mahal na mahal niya ako."

THE RIGHT MOVE. In her lengthy blog post titled KUNG TALAGANG MAHAL MO AKO, MAGBAGO KA!, the former Star Circle Quest finalist gave all the details on how she managed to move forward.

Neri said it never entered her mind to date any other guy, "Hindi kase ako ganun, yung nakikipag-flirt sa iba, sa asawa ko lang ako malandi, hehe, pero sa iba, wala talaga.

"Walang malisya, walang libog (sorry for the term kung may mga batang nagbabasa nito at nagugulat sa mga words ko pero nagpapakahonest lang po ako), as in wala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Medyo mataray ako sa mga lalaki. Kilalang-kilala ako ng pamilya ko at ng mga kaibigan ko pagdating sa mga lalaki.

"Akala mo kung sino kung umasta, hindi naman kagandahan at wala namang kaseksihan sa katawan. Hahahaha!"

Neri further explained why entertaining other guys as a form of revenge is never a good idea.

"Kahit na ba sabihin mo na, text lang o messages lang, mali pa rin yun. Flirting pa rin yun, cheating pa rin yun.

"Kung ginawa ba sa ’yo, dapat ay gawin mo rin sa kanya para quits lang kayo?

"Para iparamdam sa kanya yung feeling na niloloko ng mahal sa buhay? Ganun ka bang klaseng tao?

"Ganun mo ba gustong maging klase na tao? Niloko, gustong maghiganti, lumandi.

"Sa tingin mo ba mas magiging maayos kayo after mong gumanti?

"O baka naman talaga na gusto mo lang i-entertain yung ibang boys kase ugali mo lang talaga yun, naghahanap ka ang ng butas para gawin yun.

"May mga ibang tao rin, babae man o lalaki, pa-fall sa iba. Kahit wala namang intensyon na mahalin yung nilalandi, wala lang, trip lang nila yung atensyon na binibigay sa kanila.

"Ganun ba gusto mo? Ok lang siguro kung single ka, kase masarap kiligin pero kapag commited ka na, wag na.

"Maliban na lang kung di ka na masaya at matagal na kayong hiwalay kahit kayo pa, gets? Pero different story naman yun. Dito muna tayo."

LOVE HIM MORE. For the brokenhearted, Neri's advice is not to let the person who has wronged you see you at your worst.

The Kapamilya actress stressed that you continue with your life like nothing is happening, to shower your partner with love and make him feel you are irreplaceable.

Neri wrote she did just that and got the result she wanted, "Nung mag-boyfriend girlfriend kami ni Chito, ganyang-ganyan ako, pa-martyr effect.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero alas ko yun, alas ng tao ang pagiging mabait. Malayo ang mararating mo kapag mabait sa kapwa tao mo.

"Lokohin ka man nila, ang importante hindi ikaw yung nagloko at hindi ka gumanti.

"Anyway, minahal ko si Chito nang buong buo kahit na alam kong malandi siya.

"Kase malandi naman talaga siya bago niya ako nakilala, likas na sa kanya yun.

"Hindi ko rin siya sinabihan na magbago siya dahil kami na o yung mga linya ng iba na, yung talagang mahal mo ako, magbabago ka na.'

"No, never kong sinabi yun sa kanya. Pero di ko rin naman maikakaila na umasa ako na magbabago siya kung talagang mahal niya ako.

"Sa akin na lang yun, kinipkip ko lang yun. Sinulat sa journal ko. Oh by the way, malaking tulong ang journal, try mo."

Neri said she endured this for quite a while until she found the confidence to confront Chito about it.

"Ilang years din akong nagpakamartyr pero dumating din yung tamang panahon na naglakas loob akong sabihin sa kanya na hindi ko na kaya, na mukhang di talaga magwo-work yung relationship namin, na talagang hindi kami para sa isa’t isa.

"Never ko pa ring in-ask sa kanya na magbago siya para sa relationship namin, para sa amin, para sa akin. Hindi talaga.

"Kase gusto ko na gawin niya yun para sa kanya at gawin niya yun ng kusa kase gusto niya, kase hindi niya akong kayang pakawalan, kase nga mahal na mahal niya ako."

What did she do to move forward?

Neri revealed, "Nag-aral ako. Nag-aral pa nga ako ng languages. Nag-aral ako ng Nihonggo at French kahit di ko na maalala mga pinag-aralan ko ngayon, haha!

"Props lang pala! Wahahahaha! Pinagsabay ko yun! Nihonggo sa umaga, French sa hapon. MWF yung schedule ko nun. Sakit ng ulo ko nun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero ok lang yung sakit ng ulo ko kase natututo naman ako nung mga panahon na yun kaysa naman masakit ulo ko kakaisip sa mga kalokohan ng boyfriend ko.

"Saka bumili ako ng sangkatutak na libro. Nagbasa ako. Binasa ko yung World History, hahaha! Saka Ethics, yung iba’t ibang relihiyon. Saka how to improve yourself books.

"Binasa ko talaga yung mga ganung libro. Di kase ako mahilig sa romantic novels, maliban na lang kay Jane Austen.

"Saka wala ako sa mood magbasa ng mga romantic novels nung mga panahon na yun, hello? Sila lang masaya? Sapakin ko pa mga bida eh, hahaha!"


ABOUT THE AUTHOR

Nikko Tuazon is a senior lifestyle writer with a strong interest in pop culture, fashion, beauty, and music. Connect with him on Instagram at @mrnikkotuazon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN