"Viral" ang isa sa gamit na gamit na salita nitong 2013.
Ayon sa merriam-webster.com, ang "viral" ay isang adjective, "1: of, relating to, or caused by a virus infection> 2: quickly and widely spread or popularized especially by person-to-person electronic communication viral video>"
Sa Pilipino, isa itong pang-uri na tumutukoy sa anuman sa Internet na kumalat na mga istorya, o napagpasa-pasahan na mga video o photo, o kaya'y mga nakakahawang pauso o ideya.
Maliban sa video- at photo-sharing apps na YouTube at Instagram, marami rin sa mga ito ang nag-umpisa sa social media, tulad ng Facebook at Twitter.
Heto ang ilan sa mga istorya, video, photos, at pauso na nilagyan ng salitang "viral" sa Internet nitong 2013.
Featured Searches: