JC De Vera: "Quit na ako ng mga gimik...good time"

by Rommel Gonzales
Nov 29, 2019
JC De Vera with Rikkah Cruz and their daughter Lana Athena. He proudly says, "Yung buong buhay ko ngayon, umiikot sa kanila."
PHOTO/S: @akosijcdeberat on Instagram

Life has never been the same for JC de Vera since he became a dad.

Magda-dalawang taon na sa May 2020 si Lana Athena, ang anak nina JC at non-showbiz partner niyang si Rikkah Cruz.

Lahad ng aktor, ”I’m still the hard-working JC na nakilala ninyo, it’s just that naging family guy ako.

"Nag-quit na ako ng mga gimik, nag-quit na ako ng mga good time.

"At mas serious ako ngayon kasi siyempre, yung responsibility ko on my shoulders, mas iba na compared dun sa before.

"It’s still the same, mas nadagdagan lang talaga ng responsibility. "

Ang oras nga daw niya kapag walang trabaho ay nakalaan sa kanyang pamilya at talagang ini-enjoy niya ang real-life role niya bilang daddy.

Ani JC, “Mas naka-focus na ako on my responsibility on being a father, and being a good husband sa asawa ko.

"Nabawasan lang yung ano, hindi na ako binata, hindi na ako, alam mo yun, puro akin.

“Most of the time, I spend it with my family. I cook for them, I take care of them, nilalabas ko sila, dinadala ko sila sa ibang lugar.

“Yung buong buhay ko ngayon, umiikot sa kanila. And lahat ng purpose ko ngayon sa buhay ay lahat dahil sa kanila.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si JC sa mediacon ng pelikulang Love Is Love noong Nobyembre 22, Biyernes, sa Limbaga 77 restaurant, Quezon City.

Continue reading below ↓

ON JC'S MOVIE PROJECT

Gaganap si JC de Vera bilang isang motivational speaker sa movie na ipapalabas sa mga sinehan sa December 4.

Since may temang gay relationship ang Love Is Love, tinanong namin si JC kung ano ang magiging reaksiyon niya halimbawang matutuklasan niyang isa palang transsexual o dating lalaki ang girlfriend niya?

Ang sagot ng Kapamilya actor, “The initial reaction siyempre, magagalit ka. Iyon yung initial, di ba?

“You’ll get disappointed, mad, angry, frustrated, pero I think if that’s real love, then itutuloy mo rin.

“Initially, magagalit ka talaga pero, for me, if it’s something real, and kung iyon yung talagang nararamdaman ko is love, then it’s okay.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
JC De Vera with Rikkah Cruz and their daughter Lana Athena. He proudly says, "Yung buong buhay ko ngayon, umiikot sa kanila."
PHOTO/S: @akosijcdeberat on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results