Funny work-from-home stories: Merong petiks, merong demanding, merong kulit! 

by Ana Gonzales
May 3, 2020
This is the current norm: Parents working from home with their playful "officemates."
PHOTO/S: LIZA RHEA AND MARK PUNZAL

Sino nga bang mag-aakalang aabot tayong lahat sa ganito?

Mahigit isang buwan nang tigil trabaho para sa karamihan, samantalang work-from-home naman para sa ilan dahil sa banta ng COVID-19.

Mahirap man at nakakapanibago, tuloy pa rin ang buhay.

Para sa mga nanay at tatay na masuwerteng nabigyan ng pagkakataong magtrabaho sa loob ng bahay, struggle naman ang mag-focus, dahil minsan hindi mapigilang makigulo ang ating mga bagong "katrabaho."

Oo na, ang mga bulilit, mga tsikiting!

Kaya naman tinanong ng smartparenting.com.ph ang mga nanay at tatay na miyembro ng kanilang Facebook group na Smart Parenting Village kung kumusta ang experience nila kasama ang kanilang mga bagong ka-opisina.

Narito ang ilan sa mga talaga namang pinakanakakatawang sagot:

"Demanding ang katrabaho ko!"

"'Yung senior katrabaho namin dressed inappropiately at work, no pants and decided to nap during his shift.

"The newbie katrabaho wanted to take more responsibilities (potty train) but the boss said not yet, boss is not ready so she screamed at her and demanded she be promoted to Level 2." —Abbey Hilado

Continue reading below ↓

"My coworker wants help in washing his butt! Water from the bidet is weak. He has a hard time using the dipper." —Mariel Mascarinas

"May attendance sa online learning ang mga katrabaho ko kaya nauuna silang magising sa akin." —JR Caparas

"Napaka-demanding, ang iingay pa! Mas may alam pa sa akin [kahit] na nauna naman ako dito sa kumpanyang 'to!

"Ang nakakainis pa, sila ang may hawak ng remote control! At hawak din nila ang oras ng pag-ihi at pag kain ko. Help! I [want to] resign!" —Mary Rose Evelyn Apellido-Montano

"Iyong katrabaho ko, ang hilig manghiram ng headset! Pati mouse! Nagagalit pa kapag ino-off ko. [Tapos] nakiki-snacks pa!" —Kath Tan-Valenzuela

"Sobrang clingy!"

"Medyo clingy itong katrabaho ni mister, pero nagpahiram naman ng work station niya (kiddie table and chair). May pa-'meryenda' din lagi! (laging nagseserve ng toy fruits)." —Marjie Cui Alar

Miya't-miyang nangangamusta itong officemate ni daddy.
PHOTO BY courtesy of Marjie Cui Alar
Continue reading below ↓
May pa-meryneda pa siyang 'fruits'. Bawal tanggihan!
PHOTO BY courtesy of Marjie Cui Alar

"Ma-petiks iyong katrabaho ko. Dinadamay pa ako! Kakain at manonood lang ng TV, sinasama pa ako. Kapag 'di ako pumayag nag-iinarte!" —Nessa Agustin

"Dumododo iyong katrabaho ko kay misis!" —Irone Boquiron

"Iyong katrabaho ko, laging naka-break! Feeding or eating break. Sleeping break. Banyo break. Pati ako dinadamay. Gusto pa lagi akong kasama." —Bernadette Dyan Maninang-Agquiz

Continue reading below ↓

"My katrabaho also wants to join video conference." —Athena Everleigh Ferolino Tolentino

Paano naman mag-jojoin sa conference call si mommy, 'nak kung sama ka nang sama?
PHOTO BY courtesy of Athena Everleigh Ferolino Tolentino

"May pagka-micromanager siya!"

"Laging may nakabantay sa akin kapag nagwowork. ['Tapos] kapag nag-break, siya naman daw ang papalit. P.S. Hiniram ko rin kasi [ang table] and chair niya." —Mary Julienne Aldea

Continue reading below ↓
Nakisingit ka na naman diyan, anak.
PHOTO BY courtesy of Mary Julienne Aldea

"Nakabantay ang boss to make sure na nagwowork talaga ako." —Ei Fwil

Nakabantay lagi ang 'boss' ko.
PHOTO BY courtesy of Ei Fwil
Continue reading below ↓

"My co-worker always sits beside me (doesn't follow social distancing). And when it's my 'break time,' she then asks for her 'Boss Baby Time'. P.S. Masyado rin siyang demanding, hindi pumapayag na walang snacks." —Ruby Ann Serdeña-Jandog

Itong 'katrabaho' ko, panood-nood lang.
PHOTO BY courtesy of Ruby Ann Serdeña Jandog
Continue reading below ↓
"'Yung katrabaho ko na po nagtake over. Ang kupad ko daw po kasi." —Liza Rhea

Natalikod ka lang saglit ang dami na niyang napindot!

PHOTO BY courtesy of Liza Rhea

"Ang sipag ng katrabaho ko, pero hindi ko nga lang maintindihan talaga kung naglilinis ba siya o nagkakalat!" -Kwin Basilio-Fortaleza

Continue reading below ↓
Nagkakalat ka ba anak o nagliligpit? PHOTO BY courtesy of Kwin Basilio Fortaleza

"May attitude problem siya!"

"My co-worker tried to give us her poop and tried to blame another co-worker for it." —Aurora Altuna Tolentino

"Iyong katrabaho ko, iniiscam ako.

"Tatabi sa akin, panoorin niya lang daw ako mag-work.

Continue reading below ↓

"Pero sumusundot ng pindot sa keyboard at screen (akala yata touch screen)!

"Kinakagat pa 'yung sulok ng keyboard." —Jowaher Antonio

"Itong katrabaho ko, tatahi-tahimik lang tapos mamaya makikipindot na." —Mark Punzal

Kunyari nakatingin lang ang 'workmate' ko pero mamaya, pipindot na 'yan.
PHOTO BY courtesy of Mark Punzal

"Hindi siya nag-wo-work."

"Habang ako ay work [nang] work sa bahay, ang katrabaho ko naman ay nagmamake-up tutorial—with matching suot ng dress at shoulder bag pa!" —Laira Capati Pelesco

Continue reading below ↓
Kumusta ang makeup tutorial anak?
PHOTO BY courtesy of Laira Capati Pelesco

"Pabibo siya!"

"Grabe ang sipag ng katrabaho ko, ang aga nang magising, sobra pa sa overtime.

"12 mn na, gising pa din!" —Cicely David Solano

"'Iyong katrabaho ko, nakikisilip sa laptop ko at itatanung kung "ano 'to" at "ano 'yan [Kahit] sabihan mo na 'wag pipindot sa laptop, magnanakaw [pa rin] ng pindot 'pag may pagkakataon siya!" —Cyrill Joy Bocalan-Capiral

Continue reading below ↓

Ilan lamang iyan sa mga nakakatawang experiences ng mga nanay at tatay ngayon na naka-work-from-home.

Sa kabila nga ng mga nangyayari ngayon sa ating bansa at sa buong mundo, patuloy pa ring ginagawa ng mga magulang ang lahat ng makakaya nila para panatilihing normal ang kanilang pamumuhay.

Maaasahan talaga ang mga Pilipino na maging masiyahin sa kabila ng mga mabibigat na pagsubok.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
This is the current norm: Parents working from home with their playful "officemates."
PHOTO/S: LIZA RHEA AND MARK PUNZAL
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results