Max Collins, paano nga ba naghahanda sa nalalapit na panganganak?

by NMI Multimedia Text: Rommel R. Llanes
May 12, 2020
Max Collins pregnant
Bukod sa exercise, ine-educate din daw ni Max Collins ang sarili sa pamamagitan ng online home birthing classes. Desidido talaga si Max na sa bahay na lang manganak, lalo na't may panganib pa rin ng COVID-19 sa mga ospital.
PHOTO/S: @magnopancho Instagram

Dala ng pangamba sa COVID-19, desidido talaga si Max Collins na sa bahay na lang nila ng mister na si Pacho Magno manganak.

Video: GMA News.

Sa panayam sa kanya ni Nelson Canlas ng 24 Oras, ikinuwento ni Max ang mga paghahandang ginagawa niya para sa kanyang home birthing.

Dalawang buwan na lang at due nang magsilang si Max.

Bukod sa pag-e-exercise ay ine-educate daw ni Max ang sarili sa pamamagitan ng online home birthing classes.

Continue reading below ↓

Makakasama ni Max sa kanyang panganganak sa bahay ang asawang si Pancho na isang registered nurse, ang kanyang midwife, at isang doula.

Ang doula ay isang birthing partner o assistant sa panganganak.

Samantala, dahil pa rin sa panganib ng kasalukuyang coronavirus pandemic, mas maraming mga ginang ang nanganganak ngayon sa bahay o kaya'y sa mga birthing clinics.

Continue reading below ↓

Ito raw ay para maiwasan ng ina at sanggol ang mga nakakahawang sakit na naglipana ngayon.

Si Max at Pancho ay parehong Kapuso artists.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bukod sa exercise, ine-educate din daw ni Max Collins ang sarili sa pamamagitan ng online home birthing classes. Desidido talaga si Max na sa bahay na lang manganak, lalo na't may panganib pa rin ng COVID-19 sa mga ospital.
PHOTO/S: @magnopancho Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results