Former GMA actor Sherwin Ordoñez is now a lolo at 43

by Arniel C. Serato
May 15, 2020
Sherwin Ordoñez now reveals he was a dad at the age of 23. Back then, he kept it a secret because of his budding showbiz career.
PHOTO/S: Courtesy: @sherwinordonez on Instagram

Isa nang ganap na lolo ang dating matinee idol na si Sherwin Ordoñez, 43.

Sa Instagram kagabi, May 14, 2020, masayang ibinalita ng dating miyembro ng Abztract Dancers at GMA actor na may apo na siya sa panganay na anak na lalaki na si Jam.

Si Jam, o July Alison Michael Legaspi-Ordoñez, ay 20 years old at kasalukuyang nasa Japan.

Excited na balita ni Sherwin sa kanyang post (published as is): “My Son and New Born Apo 'baby lucian' hehe lolo na ko.

“Congrate nak 'Jam' i love you both, see you pagpunta namin jan sa nagoya STAY SAFE.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Continue reading below ↓

A FATHER AT 23

Sa pamamagitan ng text messaging, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sherwin ngayong Biyernes ng hapon, May 15.

Ayon sa kanya, 23 years old siya nang isilang si Jam.

Nagsisimula pa lamang uminit ang kanyang showbiz career noon nang mabuntis ni Sherwin ang girlfriend.

Hindi naman daw masyadong showbiz ang girl, pero kumakanta-kanta raw ito.

Ang kuwento ng dating aktor, “23 years old ako nung ipinanganak siya.

“That was the first year na nasa showbiz ako.

“Twenty years na siya now, hehehe.”

Nagsimula si Sherwin sa showbiz bilang member ng Abztract Dancers, kasama sina Dingdong Dantes, Dino Guevarra, at iba pa.

Mas nauna siyang nag-artista kaysa kay Dingdong.

Sumikat ang tambalan nila noon ni Angelika dela Cruz.

Dahil baguhan, naitago raw niya noon ang kanyang pagiging batang ama.

“Medyo naitago ko po siya that time kasi yun po yung kasikatan ng love team namin ni Angelika,” ani Sherwin.

Ilan sa mga proyektong nagawa nilang dalawa para sa GMA ay ang Ikaw Lang Ang Mamahalin at Click.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

LOLO SHERWIN

May dalawang anak si Sherwin.

Ang panganay na si Jam, na ngayon ay ganap na ring ama.

Hindi naman siya nagkuwento tungkol sa kanyang anak na babae.

Inamin ni Sherwin na mayroon na siyang mga anak noong 29 taong gulang siya.

Bago raw ito, napilitan siyang ikubli sa publiko ang tungkol dito dahil sa kanyang career.

Sabi ni Sherwin, “That time kasi madami akong endorsement and bawal po kasi pag ganun yung status.”

Ano ang pakiramdam niya ngayong lolo na siya?

Sabi ni Sherwin, "Pakiramdam ko po is masaya and nai-excite ako kapag nakikita ko pics ng apo ko.

"Parang pakiramdam ko rin nung ipinanganak yung panganay ko na si Jam."

Mensahe naman niya sa kanyang panganay na anak: "Sana lang ngayong dad na siya, mas dadagdagan niya pa ang pagiging responsable bilang ama niya sa anak niya.

"And sa magiging pamilya niya, laging andito lang kami ng mom niya na umaalalay sa kanya.

Continue reading below ↓

"Mahal na mahal namin siya."

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here!)

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sherwin Ordoñez now reveals he was a dad at the age of 23. Back then, he kept it a secret because of his budding showbiz career.
PHOTO/S: Courtesy: @sherwinordonez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results