Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Wowie de Guzman not in a rush to find love 6 years after wife's death

Jun 25, 2020
Wowie de Guzman says finding new love is the farthest thing from his mind. At present, he wants to focus on raising his six-year-old daughter Raff.
PHOTO/S: @wowskie on Instagram

Kung meron man daw mabuting naidulot ang kasalukuyang health crisis, ito ay ang pagkakaroon ng panahon ni Wowie de Guzman na makapiling ang anak na si Raff.

Bago nagka-COVID-19, naging abala si Wowie sa mga dancing gigs nito here and abroad as a Zumba instructor.

“Sobrang haba ng quality time ko with Raff, grabe, as in thankful ako.

“Kahit papaano, safe kaming dalawa, iyong family namin," ang sabi ng dating aktor sa video na in-upload ng OneMusicPH sa YouTube noong June 21.

Sa ngayon, anim na taong gulang na ang unica hija ni Wowie.

Continue reading below ↓

Bilang ama, hindi raw istrikto ang 43-year-old celebrity dahil gusto niyang mas maging open ang communication nilang mag-ama.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sa pagpapatuloy ni Wowie, “With Raff, para kasi kaming magbarkada, e.

“Kahit na six years old na siya, lagi kaming parang magbarkada.

“Gusto ko kasi open kami sa isa't-isa, para pagtanda niya, hindi siya magtatago sa akin.

“At the same time, may respect ako sa anak ko, pinapakita ko sa kanya para ma-instill talaga…”

Continue reading below ↓

Naka-six Father's Day na siya without his late wife Sherryl Ann Reyes.

Aminado si Wowie na may mga kaibigang nag-uudyok sa kanyang mag-asawa muli, pero hindi raw ito ang prayoridad niya.

“Forty plus na ako, naisip ko kasi na sa forty-plus existence ko sa mundo na ito, lahat ng naging decisions ko dati is para sa sarili ko.

“So ngayon, I think I owe it to my daughter.

“Minsan lang magiging one year, two year old, six year old.

“Dadating ang panahon, ayaw nang magpa-kiss niyan, ayaw nang tumabi sa akin, ayaw nang mag-Tiktok niyan.

“So ini-enjoy ko iyong moment naming dalawa.

“Minsan mo lang mae-experience iyan.”

Continue reading below ↓

Pagdating naman sa bagong pag-ibig, kusa raw itong darating kung meron man.

Aniya, “I’m sure naman may mami-meet naman ako in the future.

“For sure iyan, and dinadasal ko din naman iyan.

“Iyon lang, hindi ako nagmamadali.”

Noong 2011, nakilala ng dating aktor si Sherryl Ann.

Ikinasal sila noong 2013.

Subalit isang buwan matapos manganak noong 2014, pumanaw si Sherryl Ann.

Nang maiulat ang pagpanaw ng asawa, hindi direktang matukoy ang dahilan. Biglaan kasi. Pero posibleng nabinat daw ito.

Sa sumunod na dalawang taon, tinutukan ni Wowie ang pag-aaruga sa anak, katuwang ang kanyang in-laws.

Ani Wowie, pinili niyang huwag tumanggap ng trabaho dahil sa “traumatic” experience sa pagkamatay ng asawa.

Pinagkunan daw niya ng lakas ng loob ang kanyang anak.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wowie de Guzman says finding new love is the farthest thing from his mind. At present, he wants to focus on raising his six-year-old daughter Raff.
PHOTO/S: @wowskie on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results