Tanong ng ilang misis: Once a cheater always a cheater nga ba?

by Ana Gonzales
Jul 5, 2020
Is it true that once a cheater, always a cheater? Members of Smart Parenting Village Facebook group share their two cents' worth.
PHOTO/S: Unsplash

Mahirap ibalik ang nasirang tiwala.

Bagamat hindi ito imposible, mahabang panahon ang kailangan bago bumalik ang lahat sa dati.

Kumbaga, parang nagkaroon kasi lamat ang pagsasama kahit pa nagkapatawaran na.

Maraming mommies sa Smart Parenting online community ang nakakarelate sa sitwasyong ito.

Karamihan sa kanila, narinig na nila ang mga pangako ng pagbabago mula sa kanilang mga partners, ngunit natuklasan nilang wala rin palang nagbago.

Narito ang ilan sa mga kwentong ipinadala sa Smartparenting.com.ph tungkol dito.

Continue reading below ↓

Paano magtiwala ulit?

Dati na kaming naghiwalay ng asawa ko dahil sa pambababae niya.

Iniwan niya kami at sumama siya sa iba, but eventually, we reconciled.

Iyon nga lang, para bang nagkaroon ako ng PTSD (Post-traumatic stress disorder).

Naging okay naman kami ni hubby. Wala nang instance ng cheating.

Ginawa niya lahat ng makakaya niya para magtiwala ako ulit sa kanya.

Naniwala naman ako na hindi na siya uulit.

Natagalan man, dumating din kami sa point na naibalik nagkaroon ako ng faith sa kanya.

Pero recently, nalaman ko na may iba na naman siyang kinakausap.

Nang tanungin ko siya tungkol dito, sabi niya, pakikipag-usap lang daw iyon. Wala raw akong dapat ipag-alala.

Bumalik lahat na para bang kailan lang nangyari iyong unang beses na nag-cheat siya sa akin.

Lately, lagi na akong napaparanoid. Tuwing hahawakan niya iyong phone niya, pakiramdam ko, may kausap siyang iba.

Tuwing may magtetext sa kanya, feeling ko niloloko nanaman niya ako.

Continue reading below ↓

Hindi na siguro talaga mabubura iyong mga nangyari noon?

Hindi ko alam kung maaalis pa.

Kung oo, paano? Paano ba magtiwala ulit? Dapat pa ba?

Lumipat lang sila sa email

Nahuli ko ang asawa ko dati na nakikipag-usap sa mga babae na nakilala niya online.

Nag-away kami, naghiwalay sandali, pero naayos din namin at nangako siyang hindi na niya uulitin.

Nakita ko naman na nag-effort siya talaga at mahal ko rin siya, kaya napatawad ko siya.

Nakita ko rin sa kanya, hindi na niya masyadong humahawak sa phone niya.

Hind na siya katulad ng dati na minu-minuto tingin siya nang tingin sa cellphone niya.

Ngayong may enhanced community quarantine, work-from-home ang setup naming dalawa.

Tabi kami ng computer dahil maliit lang naman ang space dito sa bahay.

Minsan, hindi niya ni-lock ang computer niya.

Doon ko nakitang nakabukas ang email niya—nandoon iyong pangalan ng babae na naging dahilan ng paghihiwalay namin dati.

Continue reading below ↓

Hindi ko alam kung ano iyong nakita ko. Bakit nandoon iyong pangalan niya?

Bakit may emails sila sa isa't-isa?

Sa totoo lang, nahilo ako nung nakita ko. Parang bumalik lahat sa akin.

Hindi ko alam kung anong gagawin.

Akala ko tapos na, akala ko okay na kami.

Lumipat lang pala sila sa email para hindi ko makita sa phone niya.

Pinakasalan ko siya kahit niloko niya ako

Wala sa plano ko na pakasalan ang asawa ko. May mga differences pa kasi kami na hindi pa namin na-settle.

Pero nabuntis ako kaya nagpakasal kami.

Naging okay naman ang relationship namin.

Hindi ko inasahan na magiging okay kami.

Noon kasing mag-boyfriend pa lang kami, lagi kaming nag-aaway.

Pero noong ikinasal na kami, naging maayos naman ang lahat.

Until nahuli ko siyang nagchi-cheat.

I caught him sending lustful messages, personal photos, at kung anu-ano pa, with someone else.

He said he was sorry at hindi na niya ulit gagawin iyon.

Continue reading below ↓

Pero, parang something inside me snapped. Nawalan ako ng amor sa kanya.

Hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Kung may pagkukulang ako, deserve ko ba na mangyari sa akin ito?

Hindi ko alam kung anong gagawin.

Parang hindi posible na magsama ang isang mag-asawa na may ganito sa buhay nila.

Hindi ko alam kung kaya ko pang magtiwala.

Ang kuwentong ito ay hango sa isang tunay na #SPConfession na ipinadala sa Facebook page ng Smartparenting.com.ph na Smart Parenting Village.

Ang ilang mga detalye ay bahagya binago upang bigyang proteksyon ang nagpadala nito.

RECOMMENDED ARTICLES

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Is it true that once a cheater, always a cheater? Members of Smart Parenting Village Facebook group share their two cents' worth.
PHOTO/S: Unsplash
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results