Geoff Eigenmann, partner Maya opt for tubal ligation: "Rest na kami"

by Glenn Regondola
Nov 14, 2020
Geoff Eigenmann's partner Maya underwent tubal ligation after giving birth to their third baby on October 31, 2020. Geoff and Maya have three kids.
PHOTO/S: @g_eigenmann_ on Instagram

Parehong sumailalim ang mga partners ng magkapatid na Geoff at Ryan Eigennman isang birth control procedure na kung tawagin ay "tubal ligation."

Ngayon, tila maiibsan ang pangamba ng kanilang ina na si Gina Alajar.

Matatandaang sa isang media conference kamakailan, sinabi ng award-winning actress-director, "I fear for my grandchildren. Sana nga, huwag nang mag-anak itong mga asawa ng mga anak ko. Buti nga, ngayon sila ipinanganak…siguro how many years from now, lalaki na sila, kaya na nilang tumakbo. Kaya na nilang magtago kung saan man… you know. I’m talking about the things that are going to happen during the Revelation time."

May tatlong anak si Ryan at ang asawang si Cathy Bordalba. Ito ay sina Catalina, 10, Ruis, 7, at Cio, 3.

May tatlong anak din si Geoff at ang partner na si Maya Flores. Ito ay sina, Beanie, 3, Angus, 1, at Pepper, na kakapanganak noong October 31, 2020.

Continue reading below ↓

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang 35-year-old actor na si Geoff sa press launch ng drama series na Daigdig Ko’y Ikaw, at kinunan namin siya ng pahayag tungkol dito.

Pahayag ni Geoff tungkol sa pagpapa-ligate ng kanyang partner, “Ako, gusto ko sana twins pero, yes, rest na kami.

"It was not just her advice [mom Gina], but also, it was the advice of our doctor.

"Kasi, ano siya…C-section siya, yung lahat ng kanyang pregnancies, and medyo malapit siya [last baby nila] sa gap ng aming other two kids, so medyo delikado for her.”

Dahil nga raw dito, parang pinakiusapan sila ng kanilang doctor, kung papayag sila na mag-undergo ng tubal ligation si Maya.

Saad pa ng dating Kapuso actor, “She requested it, ah, hindi naman requested, she advised us, and we talked all considerations, pinag-usapan namin, and we decided.

"So, okay naman kami. We’re happy with our three kids.

Continue reading below ↓

"Sayang yung twins..."

THE PROCEDURE

Ang salitang "tubal" ay mula sa fallopian tubes, na daanan ng eggs mula sa ovary papunta sa uterus. And "ligation" naman ay nangangahulugang "to tie off."

RELATED STORY

Marami ang curious na malaman kung yung procedure ba ay puwede bang i-reverse kung sakaling naisipan nilang mag-partner na gusto na nilang sundan ang kanilang pinakahuling anak.

Ayon sa leading man ng Daigdig Ko’y Ikaw, "I think there were two options.

"Puwedeng temporary, puwedeng permanent, but definitely, we chose the permanent na talaga.

"Mabuti naman, nakatatlo na kami.

"Within our family, kami na yung may pinakamaraming magkakapatid."

FUTURE PLANS

Ngayong lumalaki na ang kanyang pamilya, kasama sa next steps nila ni Maya ang magpakasal.

Aniya, “Of course, for us getting married, it’s number one yun for the two of us.

“Pero sa ngayon, di pa nga yun magagawa pa because of what’s going on around us.

“She just gave birth, and when she was pregnant, di rin puwede kasi, you know that [pandemic].

Continue reading below ↓

"Maraming kailangan at maging maingat lang dapat.

"We might just push through with our plans next year.

“Ang mangyayari lang siguro niyan, it’s a smaller group na lang.

"It’s still on our list."

Ang project nina Geoff at Ynna Asistio ay ang kauna-unahang drama series na prinodyus ng Net 25.

Ginanap ang press launch noong November 10, 2020, sa Iglesia Ni Cristo compound sa Quezon City.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Geoff Eigenmann's partner Maya underwent tubal ligation after giving birth to their third baby on October 31, 2020. Geoff and Maya have three kids.
PHOTO/S: @g_eigenmann_ on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results