Ryza Cenon gives birth to baby boy

by Jojo Gabinete
Nov 1, 2020
Actress Ryza Cenon safely delivered her first baby with partner Miguel Antonio Cruz, Saturday night, October 31. The couple named their baby boy Night.
PHOTO/S: Instagram

Isinilang ni Ryza Cenon sa St. Luke’s Medical Center kahapon, October 31, ang panganay na anak nila ng kanyang partner na si Miguel Antonio Cruz.

Via normal delivery ipinanganak ng aktres si Baby Night.

Hindi napigilan ni Ryza na mapaluha dahil sa sobrang kaligayahan nang makita niya sa unang pagkakataon ang kanyang healthy baby boy.

"Napaiyak ako nung una ko siyang makita, pero nawala ang lahat ng pagod ko.

"Thirteen hours ako na nag-labor dahil 2 cm pa lang ang cervix dilatation ko.

"Pagdating ng 9 cm, doon na ako nag-deliver pero matagal din.

"One hour and forty minutes bago siya lumabas dahil kapag nagpapahinga ako sa pag-iri, bumabalik siya," kuwento ni Ryza sa eksklusibong panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng Facebook messenger.

Ayon pa sa 32-year-old actress, "Saka masikip yung lalabasan ni Baby Night kaya yung last push ko, ginamitan na ng vacuum.

"Pero normal pa rin ang delivery sa kanya."

Continue reading below ↓

Si Baby Night ay may timbang na 2.68 kilograms at haba na 49 centimeters.

Bago nagbuntis si Ryza kay Baby Night, nakagawa siya ng isang TV series, ang Bella Bandida, na nakatakdang ipalabas sa TV5 simula sa November 24.

Si Ryza ang gumaganap sa karakter ni Bella Bandida, isang superhero na nagpo-promote ng women empowerment at tinutulungan ang lahat ng mga biktima na pang-aapi at pang-aabuso.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Ryza Cenon safely delivered her first baby with partner Miguel Antonio Cruz, Saturday night, October 31. The couple named their baby boy Night.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results