Ryza Cenon endures 13 hours of labor before giving birth to son Night

by Rose Garcia
Nov 1, 2020
Ryza Cenon, 32, is now a mommy. She gives birth to her baby boy Night on October 31, 2020 after 13 hours of labor. The photos from this maternity shoot with Nice Print Photo were put out two weeks ago.
PHOTO/S: Nice Print Photo

Isinilang ni Ryza Cenon ang kanyang baby boy at 5:09 a.m. on October 31, 2020.

Bukod sa selebrasyon ng Halloween ang nasabing araw, birthday rin ito ng aktor na si Christopher de Leon, ng aktres na si Tessie Tomas, at ng 27-year-old star na si Nadine Lustre.

Sa St. Luke’s Hospital nanganak si Ryza kasama ang kanyang partner at ama ng anak niya na si Miguel Antonio Cruz.

Continue reading below ↓

Biyernes, October 30, pa lang ng umaga ay in-admit na ang actress sa hospital, pero umabot ng 13 hours ang pagli-labor niya bago siya nanganak.

Pero sa kabila ng kanyang hirap, very proud si Ryza na naisilang niya ang kanyang baby sa pamamagitan ng normal delivery.

Nang kumustahin ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng private messaging sa Facebook, ang panghihina at pagkahilo ang iniinda raw niya.

Aniya, “Thirteen hours po ko nag-labor kasi 2CM pa lang ako. Pagdating ng 9CM, dun na po ko nag-deliver.

"Pero ang tagal din, 1 hour and 40 minutes kasi po kapag nagre-rest ako sa pag-iri, bumabalik ulit sya.

“At saka masikip yung lalabasan ni baby Night kaya yung lahat ng push ko, ginamitan na ng vacuum."

"Night" ang napiling pangalan nina Ryza at Miguel para sa baby boy nila dahil, ayon sa dating panayam ni Ryza sa Cabinet Files, "siya na ang magbibigay ng light sa night namin, always good Night."

Continue reading below ↓

Pero sa unang gabi ni Night, gising na gising daw ito kaya noong nakausap ng writer na ito ang bagong mommy ay wala pa itong tulog.

Gayunpaman, sulit na sulit naman daw ang lahat ng hirap at sakit nang makita na niya sa unang pagkakataon ang kanyang baby boy.

Sa pagpapatuloy ng 32-year-old star, "Naiyak ako nung una ko siyang makita. Lahat ng pagod ko po nawala.”

May timbang na 2.68 kilograms at haba na 49 centimeters si Baby Night.

Habang nasa labor room ito, nakuha pa niyang magbiro at nakapag-post sa kanyang Facebook account ng, "What’s on your mind? PUSH MO YAN GIRL!!! Ang bill!!! Kaya iPUSH MO!!!"

Sinundan pa niya ng isa pang post na, "Ngayon nararamdaman ko na yung sakit pero ok lang, kaya kong tiisin yung sakit. E, wala ganun talaga kung para sa taong mahal mo naman e.

"Tagal naman lumambot, humuhugot na nga ako, e."

Continue reading below ↓

July 1 nang i-anunsiyo ni Ryza sa PEP.ph ang kanyang pagbubuntis, sabay release ng kanyang Oppa-inspired maternity photos.

Five months pregnant siya noon, at sa November niya ini-expect na manganak. Pero base sa post nito sa Instagram, last week of October ay nakahanda na ang Nursery Room ni Night.

Congratulations to showbiz's newest mommy.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ryza Cenon, 32, is now a mommy. She gives birth to her baby boy Night on October 31, 2020 after 13 hours of labor. The photos from this maternity shoot with Nice Print Photo were put out two weeks ago.
PHOTO/S: Nice Print Photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results