Jhong Hilario, non-showbiz girlfriend expecting a baby

by Jojo Gabinete
Nov 27, 2020
Jhong Hilario and Maia Leviste Azores, his girlfriend of nine years, are expecting their first baby.
PHOTO/S: @jhonghilario on Instagram

Buntis na ang girlfriend ni Jhong Hilario, 44, na si Maia Leviste Azores, 29.

Sabay nila itong kinumpirma kagabi, November 26, 2020, sa pamamagitan ng mga social-media posts.

Hindi nagbigay ng ibang detalye ang dalawa tungkol sa panibagong kabanata ng buhay nila.

"Thank you Lord “ na may hashtag na Sample Princess or Sample Prince lamang ang parehong caption na inilagay nina Jhong at Maia sa series of photos na ipinost nila sa Instagram.

Continue reading below ↓

Kuha ang mga ito sa Balesin Island bago nanalasa ang bagyong si Ulysses sa naturang lugar noong November 11, 2020.

Napabalitang nagpakasal sina Jhong at Maia sa Balesin Island resort pero walang kumpirmasyon o pagtanggi mula sa kanilang kampo.

Jhong Hilario girlfriend

Samantala, tumanggap ng pagbati ang 44-year-old It’s Showtime! host mula sa kanyang mga kaibigan at kasamahan sa noontime show ng ABS-CBN, gaya nina Anne Curtis at Amy Perez.

Maliban sa labinlimang taon na agwat ng kanilang mga edad at siyam na taong relasyon nila, walang alam ang publiko sa iba pang impormasyon tungkol sa pagsasama nina Jhong at Maia.

Malaki ang pagpapahalaga ng actor-TV host sa pribadong buhay niya.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jhong Hilario and Maia Leviste Azores, his girlfriend of nine years, are expecting their first baby.
PHOTO/S: @jhonghilario on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results