Jaclyn Jose happily welcomes guwapong apo, Andi Eigenmann's third baby

by Jojo Gabinete
Jan 18, 2021
Andi Eigenmann is now a mother of three. She gave birth to her baby boy on January 17, 2021.
PHOTO/S: @andieigengirl on Instagram

"Guwapo," ang description ni Jaclyn Jose sa unang apo niya na lalake na isinilang kahapon, January 17, 2021, ng kanyang anak na si Andi Eigenmann.

Maligayang-maligaya at proud na proud ang multi-awarded actress dahil bukod sa guwapo, malusog na malusog ang bagong miyembro ng kanilang pamilya.

Isinilang ni Andi ang kanyang baby boy via caesarian section sa St. Luke’s Medical Center - Global City sa Taguig City.

"So happy also that they’re both healthy. The baby weighs 8.14 pounds at 11:10 am nang ipanganak siya," ang pahayag ni Jaclyn sa Cabinet Files.

Hindi na sinabi ni Jaclyn ang pangalan na ibinigay ni Andi at ng fiance niyang si Philmar Alipayo sa kanyang apo dahil ipinapaubaya niya sa dalawa ang announcement ng pangalan ng kanyang apo.

Ang baby boy na isinilang ni Andi ay pangatlo niyang anak. Si Adrianna Gabrielle "Ellie" Eigenmann Ejercito, 9, ang anak ni Andi kanyang former boyfriend na si Jake Ejercito at si Keliana Alohi "Lilo" Alipayo, na ipinanganak noong July 23, 2019, ang panganay nila ni Philmar.

Continue reading below ↓

Inanunsiyo ni Andi ang kanyang third pregnancy sa YouTube noong August 30, 2020.

Pinost naman niya ang gender-reveal video noong December 13, 2020.

A week later, nag-propose si Philmar kay Andi sa Mabini, Batangas.

Kinilig si Jaclyn sa "most romantic proposal" ng surfing champion para sa kanyang anak.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andi Eigenmann is now a mother of three. She gave birth to her baby boy on January 17, 2021.
PHOTO/S: @andieigengirl on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results