Tanya Garcia happy with three daughters; no longer keen on having baby boy

by Ruel J. Mendoza
Feb 20, 2021
Tanya Garcia (L) and Mark Lapid with thei talong Marias: Mischa Amidala, 12 (2nd from L); Matilda Anika, 9 (right); Madeleine Ariana, 4.
PHOTO/S: @tankeelyttlelapid on Instagram; The Picture Company

Nagpaplano pa rin ba sina Tanya Garcia at Mark Lapid na magkaroon ng baby boy?

"Okay na ako sa tatlong Marias namin!" saad ni Tanya sa panayam nito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong February 17, 2021, sa pamamagitan ng Instagram Direct Message.

Ang tatlong Marias nila ay sina Mischa Amidala, 12; Matilda Anika, 9; Madeleine Ariana, 4.

Sa pagpapatuloy ng Kapuso actress, "Mag-40 years old na ako this year parang mahirap na mabuntis and manganak ulit. Sa totoo lang, happy na kami talaga sa three girls namin."

Bukod dito, bumalik rin si Tanya sa pag-arte sa teleserye—ang Babawiin Ko Ang Lahat—kung saan kasama niya sina John Estrada at Carmina Villarroel.

“It’s my first time ever to work with both Carmina and Kuya John. Though matagal ko na sila kilala, pero ito yung unang show na magkakasama kami.

“Nakakatuwa sila kasama, lalo na si Ms. Mina kasi ang dami ko na-discover sa kanya, at halos same kami ng ugali kaya nag-click kami agad.

Continue reading below ↓

“Super happy lang siya sa set walang kaarte-arte sa pagtratrabaho. Kaya talagang gugustuhin mo siyang makatrabaho ulit.

“Si Kuya John din naman talagang very passionate din sa work and talagang makikita mong concerned siya sa character niya. At sa story, very involved siya sa development.

“Super saya din kasama si Kuya John sa lock-in taping namin kasi kapag rest day namin, siya talaga nagpapasaya sa aming lahat.

“Kaya given a chance, gugustuhin ko silang dalawa makasama ulit sa teleserye.”

Maayos din ang pakikipagtrabaho ni Tanya sa younger cast members ng teleserye na sina Pauline Mendoza, Kristoffer Martin, Liezel Lopez, Therese Malvar, at Manolo Pedrosa.

“Lahat naman sila sa cast ay okay. Kaya hindi kami nagkaaberya or problema kahit kanino kaya naging masaya lock-in taping.

“Si Pauline Mendoza, mabait na bata. The same goes to the rest like sina Kristoffer, Liezel, Therese, Dave, and Manolo. Masisipag sila at magagaling na silang umarte.”

Continue reading below ↓

NO POLITICS FOR MARK LAPID IN 2022

Samantala, simple lang ang celebration ng birthday ng mister ni Tanya Garcia nitong February 16.

Sa bahay lang daw sila at wala yung usual na malaking party dahil sa COVID-19 pandemic.

“Dito lang kami sa house nag-lunch. Kaming family lang talaga kasi nga bawal pa naman talaga big gatherings. Dumating lang sila Papa [Lito Lapid] 'tapos mga kapatid niya. It was a quiet and simple lunch lang with our three kids,” sabi ni Tanya.

May plano bang tumakbo sa anumang posisyon sa gobyerno si Mark sa 2022?

Nanilbihan bilang governor ng Pampanga ang 41-year-old politician mula 2004 hanggang 2007.

Noong May 2019 elections, tumakbo ito sa posisyon ng mayor sa Porac, Pampanga, pero hindi ito pinalad na manalo.

“Naku, wala siyang plans tumakbo sa 2022,” mabilis na sagot ni Tanya.

“Recently lang, this 2021 lang kaka-appoint lang sa kanya ni President Rodrigo Duterte sa TIEZA ulit. So balik siya sa pagiging government employee. Siguro dun na muna talaga si Mark.”

Continue reading below ↓

Ang TIEZA o Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority ay isang “attached agency ng Department of Tourism (DOT)."

Dati itong Philippine Tourism Authority, kung saan in-appoint si Mark ni former President Gloria Macapagal-Arroyo bilang general manager noong 2008.

Mula 2009 hanggang 2016, nagsilbing chief operating officer si Mark ng TIEZA sa ilalim ng administrasyon ni President Benigno Aquino III.

HOT STORIES

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tanya Garcia (L) and Mark Lapid with thei talong Marias: Mischa Amidala, 12 (2nd from L); Matilda Anika, 9 (right); Madeleine Ariana, 4.
PHOTO/S: @tankeelyttlelapid on Instagram; The Picture Company
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results